INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER
BY : SHERYL FEECHAPTER 9
" Ilang araw na kitang nakikitang ganyan Al. May naalala ka na ba?" tanung ni Mayla sa binata nga mainum nito ang ibinigay niyang tubig.
" Wala pa May pero may nakita ako sa panaginip ko. Nasa korte ako at may hawak akong kaso. May pangalan akong natandaan binanggit ko doon sa korte. Mr Ortega ang pangalan. Habang naglalakad kami sa hallway may baril akong nakita na nakatutok sa akin. Iyon nag nakita ko pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon." sagot ni Alfred.
" Baka simula na iyan ng pagkaalala mo sa lahat Al. Masaya ako para sa iyo na kahit nangangahulugang malapit ka nang umuwi sa tunay mong pamilya." malungkot na aniya ni Mayla.
Hindi naman niya maitatanggi nag lungkot na lumukob sa kanyang pagkatao dahil sa kaisipang malalayo na ang bukod tanging lalaki na nakabighani sa kanyang puso.
" May, huwag ka nang malungkot dahil kung sakali mang bumalik ang ala ala ko, huwag ka sanang sumuko at tumigil para ipaalala sa na minsan akong naging parte ng buhay mo, kayo nina tatay at nanay." sagot ng binata ng mapansin ang lungkot sa mukha ng babaing kanyang minamahal.
Tumingin ang dalaga sa lalaki para lang malaman na nakatitig pala ito sa kanya kaya't muli siyang tumungo pero pinipigilan ito ng binata.
" Don't May, alam ko ang iniisip mo na baka may asawa na so sa totoong mundo ko pero kung mayroon man bakit hindi niya ako ipinahanap? Alam mo May mahal kita iyan ang totoo pero hindi ko lang masabi sabi dahil ayokong may masabi kayo sa akin pero nahihirapan din akong ilihim ang nararamdaman ko. Mahal kita Mayla at sana paniwalaan mo ako." seryosong aniya ng binata at bahagyang umusog sa kinauupuan ng dalaga at hinawakan ito sa baba at pinakatitigan ito sa mata.
Eye to eye contact!
Pero hindi natagalan ni Mayla ang makipagtitigan dito. Ibinaba niya ang kanyang paningin pero muli ay pinigilan ito ng binata. By his right hand, he held Mayla's hand and put on the left side part of his chest, on top of his heart. And his left hand holds her face and look straightly to her eye.
" Damhin mo ang pintig ng puso ko May, marahil nga ay wala akong matandaan sa tunay na ako pero ang sinasabi ng puso ko ay hindi nakalimot. Alam kong wala pang nagmamay ari nito at gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita May." seryosong sabi ng binata.
Akmang sasagot ang dalaga pero pinigilan ito binata. Ang palad nitong nakahawak sa pisngi ng dalaga ay ipinadaan patungo sa labi ng dalaga at ipinatong ang dalawang daliri sa labi nito.
" Don't worry May hindi kita oobligahing sagutin ako. Masaya na akong nasabi ko sa iyo na mahal kita." aniya ng binata saka ito niyakap. Hindi na rin umangal ang dalaga dahil parehas lang naman sila ng nararamdaman.
" Diyos ko sana tama itong desisyun ko na tugunin ang kanyang pagmamahal. Mahal ko din po siya Ama." piping dasal ng dalaga habang nakayakap sa binata.
Sa kabilang banda,
" Anu sa tingin mo Narding?" tanung ni Aling Ensiang sa asawa.
" Anung ibig mong sabihin?" balik tanong nito sa asawa.
" Ikaw Narding ha tinatanong kita tapos sasagutin mo din ako ng tanong? Ang sabi ko ano sa tingin mo sa mga bata, kina Alfred at Mayla." aniya ni Aling Ensiang.
" Oh di ayan malinaw na ang pagkatanong mo. Kaya't sasagutin din kita ng malinaw. Kung ako lang masusunod gusto kong sila na nag magkatuluyan dahil kitang kita naman na parehas sila ng nararamdaman. Kahit hindi man nila ito deretsahang aminin sa ating dalawa alam ko iyan at ramdam ko na parehas lang sila ng nararamdaman." sagot ni Mang Narding.