" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 18
Lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. At kagaya ng kasabihan na kung ano ang iyong itinanim ay siya rin ang iyong aanihin. Kung nagtanim ka ng kabutihan ay kabutihan din ang kapalit. Pero kung ang iyung ginawa ay masama , ito'y magdudulot din ng kasamaan.
After preparing all the needed and important matter regarding to the case of ex convict Congressman Ortega ay nakipagtulungan ang grupo nina Daylan at Marie, at ang taga Camp Villamor ay ikinasa na nila ang muling pag aresto sa nasabing mambabatas. Pero bago nila ito isinagawa ay sinigurado muna ng mga ito na walang madadamay at nasa mabuting kalagayan ang lahat.
" Hon dito lang muna kayo nina baby Marcus. Huwag kang mag alala babalikan ko kayo nina nanay dito." aniya ni Xander kay Mayla bago sila umalis nina Daylan.
" Huwag kang mag aalala iha safe kayo dito sa amin at para mas mapanatag ang kalooban mo magpapatawag ako kay tito Oliver ninyo sa ahensiya ng personal guard ninyo habang kayo'y nandito." aniya ni Angel sa dalaga.
" Huwag na po ma'am. Ang tulungan po ni'yo si Xander para sa kaligtasan nila ay sapat na po pero ang ikuha ni'yo pa po kami ng personal guard ay huwag na po ma'am kalabisan na po iyun." tutol ni Mayla sa sinabi ng ginang.
" Maliit lang na bagay iyan iha kaya't huwag kang mag alala. We know them well lalo na sa asawa mo kaibigan iyan ng bunso naming apo ang lagalag naming apo. At ang papa Amoricio ninyo ay kaibigan ng asawa ni Lorie Joy ang pamangkin ng tito Oliver ninyo kaya huwag kang mag alala. And one thing more iha mama na rin ang itawag mo sa akin or tita huwag na ang ma'am." lumipas man ang mga taon pero ang butihing si Ginang Angel ay nanatiling mabait at matulunging tao.
" Sige po tita pero okey na po kami dito huwag na po kayong kumuha ng guard at saka po hindi naman po kami lalabas ng bahay. At tita hindi ko pa po asawa si Xander. " nahihiyang aniya ni Mayla pero ang aalis na sanang si Xander ay inilang hakbang ang pagitan nila at walang babalang niyakap ang dalaga sa harap ng mga ito.
" Yes hindi pa tayo mag asawa sa ngayon pero after all those mess papayag ka man o hindi magpapakasal na tayo at para sa ikapapanatag ng kalooban mo ay mahal kita at hindi na magbabago iyun." buong katapatang aniya niya sa dalaga na kung hindi pa umiyak si baby Marcus Xander ay hindi pa niya ito pinakawalan.
" Oh besty tama na iyan late na tayong lahat. Kapag makatakas pa ang hudas na iyun kasalanan mo at take note kapag mangyari iyon hindi ka na namin tutulungan pa at itakas namin ang mag ina mo." pabirong pananakot ni Marie.
" Sus CM inggit ka lang diyan sagutin mo na kasi si pareng Daylan at ng hindi ka na mainggit." balik tukso ni Xander dito.
" Abah abah-----
" Pakner naman huwag mo ng patulan si pareng Xander. Pagbalik natin aftet the operation saka mo balatang buhay." pigil dito ni Daylan.
" Hmmp! Ikaw Dela Rosa ka humanda ka sa akin. This time susundin ko muna si pakner pero kung hindi lang nagkataon na may lakad tayo lagot ka sa akin." irap dito ni Marie.
" Mauna na po kami granny Pretty, sis Mayla, nana Ensiang." baling ni Marie sa mga ito.
" Take care of yourself iha. Kababae mong tao iyan pa ang naging propesyon mo. At sana nga magkatotoo na maging kayo ng apo namin." gatong pa ni Lola Angel.
" Granny naman huwag mo nang dagdagan ang usok sa ulo ni pakner ayaw mo nun naging alagad siya ng batas at may daan kami na nagkakilala. Manermon na lang po kayo pagbalik namin." kakamot kamot sa ulo na aniya ni Daylan lalo na ng makita ang dalaga na namumula ang buong mukha.