INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER

1.8K 65 23
                                    

INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER FOUR

" Anak mukhang napapadalas ang pagbaba mo sa bayan ah?" tanong ni Aling Ensiang sa anak.

" Sorry po inay pero huwag po kayong mag alala hindi ko naman po napapabayaan ang trabaho ko sa bukid." ang nakatungong sagot ni Mayla.

" Anak, hindi naman problema ang trabaho mo sa bukid ang sa akin lang naman kasi ay dalaga ka at hindi natin alam ang kaisipan ng mga tao." aniya ni Aling.

" Hayaan mo na Ensiang ang anak natin wala naman sigurong magtatangka sa buhay ng anak natin. Maigi na rin iyon para kahit papaanu ay makasabay sa New generation na sinasabi nila." sabad naman ni Mang Nardo.

" Ang totoo po niyan inay, itay dumadaan po ako sa isang paaralan. Doon po ako naglalagi habang may klase ang narinig ko at fourth year na daw ang mga iyon." hindi makatiis ang dalaga na hindi magtapat sa mga magulang.

" Ha? Baka mapagalitan ka ng guro nila anak?" nag alala namang tanong ni Aling Ensiang.

Dahil maski sila ay gusto nilang makapag aral ang dalaga nila pero kapos sila sa buhay. Ang ibinababa ng mag ama sa bayan ay sapat lamang na ikabuhay nila sa loob ng ilang araw bago muli mag anihan sa kanilang pananim.

" Hindi naman po siguro inay wala naman po kasi akong ginagawang masama eh. Saka po sa labas naman po ako at pag tapos na ang klase ng guro ay magmamadali na akong lalayo sa silid aralan nila." nakatungong sagot ni Mayla.

" Pero baka mapaano ka doon anak?" kabadong aniya ni Aling Ensiang.

" Hindi naman siguro Ensiang andoon lang naman anak natin sa labas na nakikinig sa kanila. Isa pa may Awa ang Diyos." salo ni Mang Nardo sa anak.

" Pasensiya ka na anak ha kung hindi ks namin napag aral dapat nga sa iyo sa opisina pero dahil kulang at salat tayo sa pinansiyal eh sa labas ka lang nakasilip sa mga mag aaral." kapagdakay sabi ni Aling Ensiang.

" Okey lang po iyon inay. Ako po anh may kagustuhan noon kaya wala po kayong dapat ipaghingi ng paumanhin. Sige na po inay attack maihanda ko na po ang hapunan natin." sagot ng dalaga. Pero sa kanyang isipan ay ang natutunan niya sa school na tinatambayan niya tuwing bumababa siya. Ayaw din naman niyang iwan ang mga magulang niya sa bundok dahil may edad na nag mga ito kaya't nagtitiis siya sa labas ng paaralan kahit tatlong araw lang sa isang linggo siya nakakababa. Ang hindi alam ng mga magulang niya ay may binili siyang ballpen at papel isinusulat niya ang mga dinidiscuss ng guro. Mabuti na lamang at ang gurong nadadatnan niya ay palaging may naisusulat sa black board at iyun din isinusulat niya sa papel niya. At iyun din ang paulit ulit niyang pinag aaralan kapag nasa bundok siya.

" Xander anak salamat naman at nakauwi ka. Kumusta ka na?" salubong na tanong ni Sungit este ni Amor sa bagong dating na binata.

" Namimiss ko po kayo ni mama eh kaya heto umuwi din ako." sagot ng binata.

" Asus ang sabihin mo anak kung hindi ka pa kinulit ng kinulit ni Crystal at hindi ka pa makaisip na umuwi dito." sabi naman ni Dawn.

" Si mama naman oh, alam ni'yo naman pong busy ako sa trabaho ko. Hayaan mo mama pag ako ang mag aasawa bibigyan kita ng isang dosenang apo at ng hindi na kayo makapunta sa farm ni papa. Kayo na lang po ang tagapag alaga sa magiging apo ni'yo." banat pa Xander!

" Hmmp! Lagi na namang ganyan anak pero okey na rin kahit papaanu kasi nakauwi ka ng maayos." tugon naman ng ginang.

" Oh papa tahimik ka yata? Don't tell me na your still amazed with the beauty of mama?" biro pa ng binata sa ama na kinaubo nito.

 INLOVE WITH THE FARMER'S DAUTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon