" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER THIRTEEN
Kagaya nga ng kasabihan na may taenga ang lupa, may pakpak ang balita. Dahil kung gaano kabilis ang mga pangyayari ay gano'n din kabilis nakarating sa grupo o kampo ni congressman Ortega ang muling pagbabalik ng inakala nilang matagal nang patay.
" Mga inutil! Anong silbi ng pera kong pinambabayad natin sa kanila kong hindi pala nila napatay ang hayop na iyon!" galit na aniya ng mambabatas ng makarating dito ang balitang buhay na buhay ang inakala nilang patay na.
" Iyan ang hindi namin alam boss alam mo namang halos magkakasunod lang kayong nakulong ng mga gagong iyun and the worst is na inside job pa yata sila at natagpuang patay sa loob mismo ng kani kanilang selda." sagot naman ng tauhan nito na dumalaw.
" Umuwi kayo ngayon din nang magawan ng paraan ang bagay na iyan!" galit pa ring aniya ng congressman.
" Sige boss gagawin namin ang iniuutos mo. Pero paanu ang planu natin para sa iyo?" sagot nito.
" Unahin ni'yo muna ang ipinapagawa ko sa inyo. Hindi puweding mabuhay ang taong iyon. Hawak niya ang mga dukumentong hindi mahanap hanap ng korte na makapagdidiin sa akin. At oras na mailabas ng taong iyun ang mga papeles ay lifetime sentence ang kapalit at iyon ang pinakaayaw kong mangyari!" malakas na aniya ng congressman sabay hampas sa lamesa.
Kaya't ang kanina pang nagtitimpi sa katabi nilang upuan ay tuluyan nang lumapit sa kanila.
" Hoy kung wala kayong balak manahimik diyan isipin ninyo na hindi lang kayo ang tao dito!" inis na aniya ng isa na nasa malapit sa kanilang lamesa.
" Mind your own business you fool!" malakas pa ring sagot ng congressman na mas ikinainit ng sumaway dito.
" Aba abah-----
" Boss pasensiya na kayo may pinagtalunan lang kami ni boss ko kaya napataas ang kanyang boses pero huwag na po kayong magalit dahil babalik na po siya sa kanyang selda. Pasensiya na po." awat ng kausap ni congressman Ortega.
" Boss tara na huwag mo na siyang patulan. Hatid na po kita sa selda mo." aniya nito sa amo.
" Mabuti pa nga baka makalimutan kong nasa loob ako at mapatay ko pa ang taong pakialamerong iyan!" inis o mas tamang sabihin na maangas na aniya nito.
Gustuhin mang sundan ng isang preso ang congressman para bigyan ito ng leksiyon pero inawat na rin ito ng kapwa preso kaya't bubulong bulong itong bumalik sa kinauupuan.
Dahil nasa loob sila ng kulungan ay limitado ang galaw. Imbes na ihatid nga nito sa selda ay sa may entrance na lamang ito pero bago man tuluyang lumayo ang mambabatas ay muli itong bumulong sa tauhan.
" This time make it sure na maitutumba ni'yo na siya at pilitin ni'yong makuha ang ebedensiya. Kung may papalag isama ni'yo sa mga waawalisin ninyo!" mabagsik na bulong nito. Pero tango na lamang ang sagot nito sa amo at pinanood itong nagtungo sa selda nito saka naman siya umalis sa kulungan sa Muntinlupa.
Bontoc, Mt Province
" Tol kumusta ka na? Mukhang ready to rumble the world na naman ah." tanong ni Alex sa kapatid ng makita itong busy sa mga papeles na hawak hawak.
" Okey na ako tol and I'm planning to go back in San Fernando to continue my unfinished work bago maganap ang lahat." sagot ni Xander pero ang mga mata'y nakatutok sa binabasa.