" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 10
" Where are you Daylan!" tanong ni Marie sa partner niya. Kaya't kahit sa telepono ito nagtatanong ay hindi maiwasang ilayo ni Daylan ang cellphone niya sa kanyang taenga.
" Maka where are you ka naman Marie wagas malapit nang mabasag ang eardrums ko ah." sagot ni Daylan.
" Naku huwag mo akong dramahan Daylan. Ang sabi mo nasa bookstores ka kaya naman dito ako dumiretso tapos ngayon wala ka naman pala dito. Are you fooling me?" inis pa ring aniya ng tagapag mana yata ni wild princess sa init ng ulo.
" Nandito naman talaga ako ah. Look around Crystal Marie Aguillar." pang aasar pa lalo ng binata. Paanu daw kasi mas gumaganda anh lihim niyang pag ibig kapag nagagalit.
Pero bago pa makatikim ng flying kick ang binatang Smith ay dumating na ang kanina pa nila hinihintay. Ang palitan ng grupong minamatyagan nila . Ang palitan ng pera at ang shabu at marijuana.
" Do the move now Daylan!" utos ni Marie sa partner niya.
" Walang kikilos ng masama raid ito!" aniya ng binata at sumenyas ss mga kasamahang nakapalibot sa buong national bookstores.
Masaya at magkaakbay na lumabas sa bookstores sina Mayla at Alfred.
" Al maraming salamat ulit ha." walang hanggang pasasalamat ng dalaga sa binata.
Paanu daw kasi lahat ng mga aklat na kanyang nagustuhan ay binili ng binata para sa kanya.
" Walang anuman May. Ang makita kang masaya at masaya na rin ako. Ganyan kita kamahal May. Hayaan mo sa susunod na pagbaba natin dito ay bibili ulit tayo ng iba para sa iyo." masuyong tugon ng binata dito.
" Pero Al baka maubos na ang pera mo kapag bibili na naman tayo sa susunod. Ikaw nga lahat nagbayad nito." tutol ng dalaga sa sinabi ng binata.
" Pera lang iyan May at madaling kitain iyan. Pero ang kaligayahan mong nakikita ko sa tuwing may hawak kang aklat ay hindi kayang tumbasan ng pera kaya huwag kang mag alala May hanggat kaya ko ay ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. At ang makita kong masaya ka ay labis ko na ring kaligayahan." sagot ng binata.
Pero bago pa man makapagsalita ang dalaga ay binulabog sila ng kumosyon sa mismong harapan ng bookstores.
" Walang kikilos ng masama raid ito!" dinig nilang sigaw ng hindi kilalang tao.
At huli na para umiwas ang dalawa dahil sa nagsilapusan ang mga tao ay hindi na pinansin ng mga ito ang mga inosenting tao. Kagaya nina Alfred at Mayla na sinasadya man o hindi ay walang awang binangga ang dalawa at dahil hindi napaghandaan ng dalawa ang mga pangyayari at hindi na nila nagawang umiwas. Tumilapon na silang parehas sa isang tabi at parehong nauntog sa isang poste na gawa sa semento.
" Don't let them to escape! Men follow them!" utos ni Daylan sa mga tauhan na siya ring sinunod ng mga ito.
Pero ang dalagang si Marie ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ng masulyapan kung sinu ang nakabulagta sa isang tabi.
" Dapa!" sigaw ni Daylan sa dalaga ng makita ito parang ipinako sa kinatatayuan.
" Si bestfriend." sambit nito pero hindi ito nasagot ng binata dahil sa paghatak niya dito para maikubli sa isang malapad na poste na kamuntikang tamaan ng bala.