INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FIVE
" Huuh ang aga naman yata ng tao dito." bulong ni Xander ng makita ang ilang tao sa harap ng RTC.
Pero ng makita siya ay agad lumapit sa kanya. Dalawang nasa past 20's at isang may katandaang lalaki.
" Magandang umaga po sa inyo. Anu po maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang na tanung ng binata sa mga ito.
" Magandang umaga din sa iyo attorney Dela Rosa. Gusto ka sana naming makausap kung okey lang sa iyo." sagot ng matanda.
" Sure naman po tata, pero bago po ang lahat pasok po muna tayo at doon tayo sa opisina ko." sagot ni Xander dito pero umiling lang ang dalawang binata na kasama.
" Ah mawalang galang na lamang po attorney pero puwedi po bang makausap ka in private? Kasi po mahalaga ang sasabihin namin." sabad ni Joven.
" Okey lang bro sa opisina ko walang makarinig doon ako lang at maaga pa naman kaya walang makakakita sa inyo kung sakali man." sagot ni Xander.
" Ah pasensiyana attorney ako pala si tata Temyo, siya naman Joven, sa Leo. Sige kung iyan ang desisyun mo ang mahalaga ay makausap ka namin." sagot ni Mang Temyo.
" Aaah mukhang hindi ko na kailangang ipakilala ang sarili ko ah. Tara na po." nakangiting aniya ni Xander paanu kasi nakarami na sila ng sinabi eh saka pa sila magpapakilala.
Palinga linga ang dalawang binata na parang alinlangan sa pagpasok. Napansin ito ng binata pero nagmasid lang din siya mukha pa namang mahalaga ang sadya ng mga ito.
Ilang sandali pa ay nasa opisina na sila ng binata at tama naman siya maaga pa dahil wala pa ang sekretarya niya.
" Pasok po kayo tata Temyo, Joven, Leo. " sabi ng binata sa mga panauhin.
" Salamat attorney." aniya ng matanda samantalang tahimik lang ang dalawa.
" Anu po pala ang sasabihin ninyo sa akin tata? Mukhang malayo pa anh pinanggalingan ni'yo ah at maaga kayong naparito." aniya ng binata.
" Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa attorney, sa iyo kami lumapit dahil alam naming hindi mo kami bibiguin. Mga taong bundok kami na kahit pa sabihin nating unintentionally na mga taong bundok kami. Naparito kami kasi gusto sana naming magpatulong sa iyo." sagot ng matanda.
" Joven, Leo maupo muna kayo diyan at abisuhan ko ang secretary ko na mag half day muna para makapag usap tayo ng maayos mukhang mahalaga iyan ah." aniya ng binata ng mapansin na mukhang seryoso ang matanda.
Matapos matawagan ang sekretarya niya ay muli siyang humarap sa mga ito.
" Anu pong klase ng tulong iyun tata?" tanung niya dito.
" Kagaya ng sinabi ko attorney hindi naman talaga kami mga taong bundok pero dahil sa karahasan dito sa kapatagan ay nagawa naming mamuhay sa kabundukan." mahina pero may galit sa matang aniya ng matanda.
" What do you mean tata?" tanung ng binata.
" Ikaw ang kauna unahang abogado na tumalo sa kampo ng mga Ortega kaya kami lumapit sa iyo. Kung naaalala mo ang isang kaso nito ay ang pangmomolestiya sa isang menor se edad? Apo ko ang batang iyun at hindi pa sila nakuntento, matapos nila itong pinagpapasahan ng mga kapwa drug addict ay pinatay pa ito. Kaya laking pasasalamat ko na kahit hindi kami ang nakapagpakulong sa kanya ay nagawa ito ng kampo ninyo." pagkukuwento ng matanda.
Tahimik ang dalawa na nakaupo habang nakikinig sa usapan ng mga ito.
" Ah tata pakilinaw po, dahil ang alam ko po diyan nasampahan siya ng aking kliyente ng molesting to the minor pero hindi nila ito pinatay. Murder din ang isa niyang kaso pero ang kapatid niya ito. Kailan po ba nangyari ito Tata?" tanung ng binata.