" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FOURTEEN
" Smith tama ba itong ginagawa nating paglilihim kay bestfriend tungkol sa mag ina niya?" for the first-time parang maamong tupa na tanong ni Marie sa partner niya.
" Kung sa akin I mean para sa sa akin CM hindi as in NO. Dahil hindi naman nabuo ang batang iyun kong si Xander lang o si miss Mayla lang ang gumalaw. Dapat nga malaman ito ng bestfriend mo as soon as possible. Sa yaman ba naman nila compara sa pagbibigay nila ng pangalan sa bata. " sagot ni Daylan.
" Anong inulam mo kaninang umaga Smith?" parang wala lang na tanong ni CM dito.
Kaya't napakunoot noo ng wala sa oras ang bunso ng mga Smith.
" Anong kinalaman ng inulam ko kaninang umaga CM? At kailan ka pa naging ulyanin? Abah sabay tayong kumain kaninang umaga ah." sagot ng binata na hindi man lang nagka idea sa tanong ng kausap .
Nakaugalian man o sinasadya ay bigla na lamang kinurot ng dalaga ang kausap.
" Ouucchhh!!! Why? What's wrong Crystal Marie Aguillar? Para ka namang langgam diyan nangungurot bigla." daing ng binata dahil sa pagkurot dito ng dalaga.
" Ikaw Smith ha ayusin mo ang pananalita mo baka ikaw ang ituro kung may kasalanan sa pag alis nila ng walang paalam." aniya ng dalaga na pinanlalakihan pa ng mata ang kausap.
" Bakit ako Marie parehas lang naman tayo ah." angal ng binata habang hawak ang braso na kinurot ng dalaga na ipinaglihi na yata sa langgam este sa alimango dahil sa galing nitong mangurot.
" Gano'n? Abah tara na sa Bontoc at tayo mismo ang magsabi sa kanila na pinatakas natin sila aber!" aniya ng dalaga na kina ngiti naman ni Daylan.
" Kitam? Inamin mo na rin na kasabwat kita sa pagpaalis sa kanila." nakangiting aniya ni Daylan.
" Hmmmp! Anu kaya kung sabihin na natin kay besty?" nakairap na tugon ng dalaga.
" Tama ka CM dapat nga noon pa natin iyan ginawa dahil sa tingin ko naman eh mahal ni miss Mayla si attorney. At....." pambibitin ng binata pero laking pagkakamali niya dahil muli ay kinurot siya ng pinong pino ni CM.
" Ikaw Daylan ha may pabitin bitin ka pang nalalaman diyan baka gusto mong layasan kita ngayon din at ikaw ang bahalang magpaliwanag sa big boss nating panot?" nakairap na aniya ni Marie.
" Ikaw talaga oo, masasabi mo naman ang gusto mong sabihin kahit di ka nangungurot ah. At para po sa sinasabi mong binibitin ko mahal na reyna is sa tingin ko may naaalala naman si attorney tungkol kay miss Mayla pero hindi lamang niya ito maamin dahil sa gusto muna niyang makasigurado. We all know him my queen kaya let's wait him to admit na mayrun nga siyang naaalala. Pero sa ngayon back to the topic mas mabuting kausapin na natin si attorney tungkol doon dahil ilang buwan na ang nakakaraan simula ng nangyari ang lahat at kung bilangin natin ang buwang lumipas malapit nang manganak si miss Mayla, nakabalik na rin si Xander sa RTC at naririto tayong apat sa probinsiya ng La Union. Kung ako lang masusunod ay ayokong sa kabundukan maisilang ang bata dahil hindi natin alam ang mga nangyayari o nagaganap sa mundo , kung dito sa kapatagan in case of emergency malapit lamang ang hospital unlike in the mountain." mahabang paliwanag ni Daylan.
Sa haba ng paliwanag ni Daylan, muli ay nakaisip ng kalokohan ang tagapagmana na yata ni Kaskasera sa init ng ulo, heredera ni Langgam sa galing mangurot , at tagapagmana ni grandma Lampa sa kasutilan.