" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FIFTEEN
" Alam ni'yo bang puwedi ko kayong idemanda dahil sa ginawa ninyong pagpapatakas sa kanila ha?!" may kalakasang aniya ni Xander sa magpartner na Daylan at Marie.
" Aba't hoy ikaw Dela Rosa ka ha mag ingat ka sa iyong pananalita alalahanin mo isa kang abogado at sa paraan pa lang ng pananalita mo ay puwedi na kitang idemanda." ayaw namang paawat na aniya ni Marie sa matalik na kaibigan.
" Pakner iyang bibig mo makahoy ka na naman diyan wagas. Talk to him slowly kasalanan naman talaga natin eh." saway dito ni Daylan.
" Kitam? Mabuti pa si Daylan umamin na sa kasalanan ninyong pagpapatakas kina miss Mayla." muli ay baling ni Xander dito.
" Maka miss Mayla ka diyan eh may butiki na ang miss Mayla mo baka naging lizzard na eh!" irap dito ng dalaga.
" Your mouth Crystal Marie. Imbes na surprise ang baby hindi na." muli ay awat dito ni Daylan.
" What? Baby? Sinong may baby?" sunod sunod na tanong ni Xander.
Nagkatinginan naman ang magpartner pero ang reyna na yata ng mga sutil na kahit sa gitna ng seryosong usapan ay nagawa pang nakaisip ng kalukuhan. Palihim itong kumindat sa partner.
" Dadalhin ka namin doon sa isang kundisyon besty." nakangising aniya ni Marie dito.
" We're in the middle of the serious matter still you're asking for a condition? My gooodness Crystal Marie Aguillar! Your----"
" Take it or leave it attorney Dela Rosa!" mando pa ng dalaga dito saka bumaling sa binata at hinila ito papalabas sa apartment ng ni Xander.
" Let's go Mr Smith. Ayaw niya eh." kindat pa nito sa sunod sunuran sa kanyang binata.
" Okey! Come back here you too. Tell me what's ypur conditions para sabihin sa akin kung saan natin matatagpuan si miss Mayla at ang sinasabi ninyong baby." aniya nito sa dalawa. Kaya't mabilis pa sa orasan na bumalik ang dalawa sa tabi nito.
" Makinig ka Dela Rosa sasamahan ka namin sa kinaroroonan ng mag ina mo pero you need to hire a private chopper para masakyan natin papunta doon. Tinatamad akong maglakad at umakyat sa bundok eh." balewalang aniya ng dalaga sabay upo sa isang sofa at nag dekuwatro.
" You need what!!! Paanu ka naging alagad ng batas Aguillar kung tinatamad kang maglakad?" makawhat ka diyan wagas mamaya hindi ka niyan sasamahan eh!
" Pakner naman kasi akala ko kung ano na ang kundisyon mo eh. Kinakawawa mo ang tao." mabuti pa sila Smith may pusong mamon.
" Oh well it's up to you Dela Rosa if you will take it. Alam----"
" Okey fine maupo ka diyan at tawagan ko ang kaibigan kung may ari ng helipad para diyan. Kung hindi lang sana dahil sa kanila naku tandaan mo ito Aguillar ka pauuuwiin kita sa Sierra Madre ngayon din!" busangot na aniya ng binata. Pero umismid lang at nang asar pa ang dalaga.
" Hmmmp! As if naman Dela Rosa kaya mong gawin iyan noh! Bilisan mo lang malay mo mauntog ka ulit at maalala mo siya." balewalang aniya ng dalaga kaya't napailing na lamang ang dalawang lalaki dahil daig na naman sila ng dalaga.
Hindi nga nagtagal ay nagtungo silang tatlo sa helipad ng kaibigan ni Xander at doon sila sumakay sa private chopper at tinungo o tinahak sa himpapawid ang itinurong way nina Daylan at Marie.