INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER

2.3K 67 1
                                    

INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER
BY : TUITION FEE



CHAPTER TWO


Nakanganga ang lahat ng dumating ang isa pang sasakyan na halos lumipad ito sa bilis ng takbo. Na kung may buntis mang sakay at kahit hindi pa kabuwanan, manganganak ito ng wala sa oras. Ang iba ay nakatakip ng taynga dahil hindi pa daw sila nakarecover mula sa lakas ng blowing horn ng sasakyan ni Xander kani kanila lang ay dumating naman ang isa pang hustler of the road.

Mali hindi pala nag iisa ang the pricess of the road dahil may mga kasamahan ito. Kasama ang mga pinsan na si Jhon Chester at Wesley ang anak ng tito Chester at tita Queennie nito. But the way she managed the wheel? Babae daw ito pero siya daw ang masusunod dahil siya ang driver.

Napangiti si Xander ng tuluyang makalapit ang sasakyan ng matalik niyang kaibigan.

"Ang daya mo bestfriend akala ko ba umuwi ka ng Sierra Madre---

"Tumabi ka bestfriend si tita ang sadya ko hindi ikaw." nakangising sagot ng bagong dating saka dumiretso sa unang ng kaibigan.

" Happy birthday tita and I'm wishing you a good health throughout the year until your next birthday. And wish ko lang tita magkaroon na po kayo ng maraming apo." aniya ng dalaga sa celebrant .

"Thank you iha at sana magdilang anghel ka kaso ang best----


"Insan pasingit naman huwag mong ubusin dahil nandito rin kami." kunwa'y pagpapatabi ni Jhon Chester sa pinsan nila.

" Diyan muna kayo kay tito Amor oh maglalambing muna ako kay ti----


"Baka naman maubos lahat ng lambing sa katawan mo insan aba'y kababae mong tao halos paliparin mo ang sasakyan mo. Tabi ka nga rin para makalambing din kami sa celebrant hindi lang ikaw." ngising aniya naman ni Wesley.



Behave mga Aguillar!!!

Ang kaninang tahimik na mga bisita ay hindi napigilan ang mga sarili na hindi mapatawa dahil sa mga bagong dating.

"Salamat sa pagdalo mga anak. Hindi man lang nagpasabi si Xander na may darating." aniya ni Dawn sa mga ito.

" Surprise lang po tita kasi ang alam niya'y uuwi ako ng Sierra Madre pero hindi kasi napag usapan namin ng mga kuwagong iyan na dito kami magpapalipas ng weekend kaya't dumiretso na lang muna kami dito at maki. ............ inum." pabulong na aniya ni Crystal sa huling sinabi.

Napangiti ang masungit na kapitan este dating captain Dela Rosa dahil dinig na dinig niya ang ibinulong ng dalaga.

"Insan umuwi na tayo pag----

"Kj mo talaga insan eh. Ayan oh may chicks baka sakaling magkalove life ka." putol ni Crystal sa pinsang si JC.

"Asaan aber?" sagot ni Wesley.

" Andiyan sa likod ni tito Darwin." kindat pa nito sa ama ng dalagang nasa tabi ng mga magulang.

Napangiti naman si Darwin sa narinig. Ang nag iisang anak ng mga taong tumulong sa kanyang mag iina way back so many years ago. Pero kiming ngiti lang ang itinugon ni Angela sa mga ito. Dahil ang atensiyon ay nakatutok sa adams apple este sa apple of the eye niya. Kaya't hanggang tingin na lang ang mga Aguillar na ginawang bahay bakasyunan ang dating tahanan ng angkan nila sa Bontoc.

" Hustler of the road pa rin iha as your dad. How are you Crystal Marie?"

"And you Jhon Chester and Wesley, all of you are grown up already." sabi naman ni Darwin sa mga ito ng makasingit.

 INLOVE WITH THE FARMER'S DAUTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon