" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 12
Dahil sa pakiusap ni Mayla sa magkaibigang este mag partnet pala na sina Daylan at Marie ay hindi na nila ipinaalam sa pamilya ni Xander ang tungkol sa kalagayan niya. Umuwi sila ng bundok na hindi na nakausap ang mga ito dahil na rin kinabukasan ay nagsidatingan ang dating katrabaho ng binata at ito naman ang sinamantala ng pamilya Ravena para umalis total fully paid na by the family Dela Rosa. Ang dalawa na rin ang naghatid sa mga ito sa paanan ng bundok . Hindi na ito nalaman ni Alex dahil matapos nilang naisugod sa emergency ang dalaga ay bumalik ito sa room ng kapatid.
" Mag ingat po kayo lagi doon sa pupuntahan ninyo nana. Sasama sana kami hanggang doon pero baka po ma AWOL kami eh hindi pa kami nagrereport mula kahapon kaya pasensiya na po kayo. " hinging paumanhin ng dalagang si Marie.
" Walang problema doon anak malaking tulong pa rin ito sa amin. Kayo din mag ingat din kayo lalo at ganyan ang trabaho ninyo." sagot naman ni Nana Ensiang.
" Takot po ang bala sa partner ko nana kaya huwag po kayong mag alala pero salamat din po sa inyong lahat." singit ni Daylan pero pinanlalakihan lang ito ni Marie ng mata kaya pakamot kamot ito ng ulo.
" Ate bagay po kayong dalawa ni kuya Daylan." aniya ni Junjun dahil nakamasid pala ang mga ito.
" Dahil diyan ay magkakampi tayo kido." kindat ni Daylan dito na mas kinausok ng ilong ni Marie.
Hold on your temper girl! Moment ito ng besty mo!
" Sis mag ingat ka lagi ha, at sana huwag mong ipagkait na makita ka namin balang araw. Kahit ngayon man lang tayo nagkita, alam at ramdam ko na dalisay ang hangarin mo sa bestfriend ko kaya't nakikiusap ako bilang kapwa mo babae na hayaan mo sana kaming tulungan kayo sa abot ng aming makakaya." aniya na lamang ni Marie kay Mayla kaysa patulan si Daylan. ( mamaya na lang daw kukulitin niya ito ng bonggang bongga. Pero siyempre may story ang dalawa kaya't atin pong pakaabangan ang pusa't tupa!)
Ngumiti naman si Mayla dito bago sumagot. Isang ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata.
" Oo naman friend, walang problema doon. Pero ang tungkol kay Alfred este Xander ay mas maiging hayaan ni'yo siyang siya mismo ang makaalala sa lahat. At kapag mangyari ang bagay na iyon hindi ko ipagkakait ang bata sa kanya. Kahit ang bata na lang ang lingunin niya huwag na ako dahil ang mabigyang pangalan ang magiging anak namin ay sapat na sa akin. At maraming salamat sa inyo ha. Kayo na rin sana ang bahalang magsabi sa kanila basta iyung pakiusap ko friend. Mag ingat kayo at maraming salamat." buong pusong aniya ni Mayla dito.
Mahigpit na nagyakapan ang dalawang dalaga bago nagsimulang umakyat este naglakad patungo sa kanilang tahanan sina Mayla. At hinintay naman ng magpartner na mawala sa kanilang paningin ang mga ito bago nagmaniobra palayo sa lugar na iyon.
Sa kabilang banda sa hospital kung saan nakaconfine ang binatang si Xander.
" Anak asaan na sila? Ano ba ang nangyari at nagkagulo din kayo dito kanina?" tanong ni Amor sa panganay na anak.
" Iniwan ko sila kanina pagkahatid ko kay Mayla sa emergency at bumalik ako dito pero kaninang nagsidatingan ang mga katrabaho ni Xander ay hindi ko agad sila nabalikan at ngayon sabi ng nurse na nakausap ko eh nagdischarged na daw ito." sagot ni Alex.
" Tol naman bakit hinayaan mong makaalis sila na hindi ko man lang nakausap si Mayla?" simangot ni Xander sa kapatid.
" Tsk! Tsk! Tsk! Attorney Dela Rosa hindi ka yata nakikinig ah ang sabi ko kanina nagsidatingan ang mga katrabaho mo ay hindi ako makaalis dahil para silang nasa trial court na sumugod dito at nang bumalik ako sa emergency room ay nakalipat na sila sa private room but when I asked the nurse eh naka discharged na daw siya." paliwanag ni Alex sa kapatid.