INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER

1.8K 77 3
                                    

" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 19

Flash Back.....

Ang pamilya Valderama ay isa sa mga t pamilya sa La Union. Lahat ay pantay pantay para sa mga ito. Handang tumulong sa mga nangangailangan , laging bukas ang tahanan sa lahat ng oras para sa mga nangangailangan lalo na sa mga mahihirap. Isa sila sa mga may maraming ari arian sa naturang probinsiya. Ang ilan sa mga malalaking gusali sa probinsiya ay pag aari nila ng pamilya Valderama. Isa sa nga may ari ng ilang RTW's sa mga sikat na malls sa buong probinsiya. Sila din ang isa sa mga may ari ng malalawak na lupain lalo na sa mga sakahan pero ang lahat bg ito ay sa mga magsasaka nakaatang. Mayaman man sila pero hindi nila ito ipinagmamayabang kanino man. Mas ninais ng mga ito na mamuhay ng tahimik kaysa makipagpaligsahan sa social na pamumuhay.

Pero, kung ang tao ay nababalot ng kasamaan ay gagawin ang lahat para lamang mapasakamay ang ninanais. Si Roberto Ortega, ang matalik na kaibigan ni Orlando Valderama na sa simula't sapul ay kinaiinggitan na nito ang kaibigan. Dahil pangalawa lamang ito sa kaibigan.

" Utak talangka ka nga Valderama hindi man lang sumagi sa isip mo na ang pinagkakatiwalaan mong kaibigan ay siya rin ang hihila sa iyo pabulusok! Kunting panahon na lang gago mapapasakamay ko na rin ang lahat." bulong ni Roberto sa sarili habang nasa veranda ng tahanan at nakatanaw sa bahay ng kaibigan na mas malaki pa sa bahay niya.

Nakilala nito ang kaibigan na may dalawang anak at hindi sumagi sa isip na may isa pang anak na babae ang kaibigan na nasa ibang bansa. Kaya't ng nagkaroon na ito ng pagkakataon upang isakatuparan ang planu ay hindi na ito nagpatumpik tumpik pa.

" Pare anong ibig sabihin nito?" maang na tanong ni Orlando sa kaibigan isang gabi na tahimik na ang buong paligid.

" Permihan mo lang ito pare at walang gulo." ngising sagot ni Roberto.

" Are you out of your mind pare? How could you let me sign those documents and besides, that land belongs to the poor people!" malakas na sagot ni Orlando sa kaibigan pero animo'y bakla ito na sinampal lamang ang kaibigan.

" Honey what's going o----

" Honey! What did he do to you?" gulat na aniya ni Marissa na bagong labas sa banyo. Akmang lalapit ito sa sa asawa pero mabilis itong hinablot ni Roberto.

" Matagal ko nang pinangarap na matikman ka Marissa pero ang gago kong kaibigan ang lagi mong kasama. Kayo ang laging masaya at kayo ang laging tama sa imahe ng lahat. Pero kung ang pagkakataon nga naman ang umaayon sa akin. Hindi na lang pangarap pero magiging totohanan na." malademonyong aniya ni Roberto sabay haplos sa matayog na hinaharap ng ginang.

" Bastos!" aniya ni Marissa sabay sampal ng pagkalakas lakas at agad lumapit sa asawa pero bago pa man niya marating ang kinabagsakan nito sa lakas ng sampal ng demonyo ay hindi ito agad nakabangon.

" Hawakan ni'yo siya! Gusto nila ng laro sige pagbibigyan natin sila!" utos nito sa mga kasamahan na hindi alam ng mag asawa kung saan galing.

Agad namang sinunod ng mga ito ang utos nito at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ni Orlando ng mapagtanto ang nasa isip ng kaibigan.

" Huwag pare! Bitawan ni'yo ako at pipirmahan ko ang lahat ng dokumentong iyan basta huwag ni'yong gawin iyan sa asawa ko." aniya ni Orlando habang nagpapalag sa dalawang lalaki na nakahawak sa kanya.

" It's too late pare hahaha. Sa ayaw at sa gusto mo akin ang lahat ng kayamanan mo pero bago ang lahat titikman ko muna ang asawa mo!" sagot nito na sinundan pa ng malademonyong tawa.

" In your dreams you devil!" sagot ni Marissa sabay sampal at sipa sa lalaki na siya namang sinabayan ni Orlando. Kumbaga slow motion na magtatagpo sana silang mag asawa pero bago man ito mangyari ay muli na naman silang nahablot ng mga demonyo nadt this time pati si Marissa ay nakatanggap na ng mag asawang sampal mula sa itinuring ng asawa na matalik na kaibigan pero isa pala itong kaaway. At si Orlando ay binugbog naman ng kasamahan ni Roberto.

 INLOVE WITH THE FARMER'S DAUTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon