" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 20 -WEDDING DAY
Makaraan ng ilang buwan, matapos maisaayos ang lahat mula sa kaso ng pamilya Valderama, Ortega at mga taong bundok ay ang kasal naman ng dalawa ang isinunod nila. At heto ngayon sila sa San Fernando City Cathedral ang kasal ang Ravena- Dela Rosa.
" Nandito na ang bride!" sigaw ng nasa labas ng simbahan palatandaan lamang na magsisumula na ang kasal.
Sa pagtunog ng kampana ay pumailanlang din ang malamyos na musica na nagpapahiwatig na magsisumula na ang special day para sa dalawang taong nagmamahalan. Then, the wedding entourage begun.
"I Do"
Tell me can you feel my heart beat
Tell me as I kneel down at your feet
I knew there would come a time
When these two hearts would entwine
Just put your hand in mine
ForeverFor so long I have been an island
Where no one could ever reach these shores
We've got a whole lifetime to share
And I'll always be there, darling this I swearWhen noone could ever reach these shores
And we've got a whole lifetime to share
And I always be there
Darling this I swear" Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na ikakasal na ako sa taong mahal ko." mahinang sambit ni Mayla sa mga magulang.
" Sa simula pa lang anak alam kung kayo na ang nakatadhana. Pero dahil sa klase ng trabaho ng mapapangasawa mo at naudlot kunti ang preparasyun. Pero kung may dapat man akong ipagpasalamat kanya ay ito ang pagkilala niya sa inyong mag ina." sagot naman ni Mang Narding sa maliliit na boses.
" Opo itay. Sabi nga niya mag aaral daw po ako pero parang nag aalangan na po ako kasi may baby Marcus Xander na ako." tugon ng dalaga.
" Walang bata o matanda sa pag aaral anak. Ikaw na rin ang nagsabi niyan sa mga kapwa mo as bundok. Kaya sundin at gawin mo ang tama dahil ito'y para din sa iyo." sabad naman ni Aling Ensiang.
" Masuwerte tayong lahat inay, itay dahil sa isang tulad niya ay nabago ang lahat. Ngayon nauunawaan ko na ang Sinai ng guro dati everything happens for a reason kaya't heto po nangyari ang aksidenti dati sa ating lugar, tayo ang tumulong sa kanya, sa awa ng Diyos mas pinagpala tayo sa kapalit nito. Bukod po sa ikakasal na po kami sa araw na ito ay may baby na kami at ang mga kapwa natin ay nandito na rin sa bayan. Ang mga kabuhayan natin sa bundok ay pinagyaman lang din nila. Nasa mga pangalan pa rin natin at maaari nating puntahan anumang oras kung gustuhin natin. Salamat Panginoon." maluluha luhang aniya ni Mayla.
Hindi na sumagot ang mag asawa bagkos ay ipinaramdam nila ang suporta sa mga ipinahayag nito.
[Chorus:]
So please believe me
For these words I say are true
And don't deny me
A lifetime loving you
And if you ask will I be true
Do I give my all to you
Then I will say I do" Tol bibig mo baka naman pasukan ng bangaw galing sa kubeta." tukso ni Darrell Angelo kay Xander. Nakanganga kasi ang binata habang titig na titig sa papalapit na bride.
" Nagkataon lang na wala tayo sa simbahan kanina pa kita sinapak diyan." biglang simangot ni Xander sa kinakapatid.
" Ikaw naman kasi tol parang matutunaw na ang bride mo sa kakatitig mo eh may baby na nga kayo." tukso pa nito.