INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER SIX
" Asawa ko anu ba ang problema at parang hindi ka mapakali?" tanung ni Amor sa asawa.
" Hindi ko alam asawa ko hindi ko maunawaan ang sarili ko eh. Parang hindi ako mapakali." sagot ni Dawn.
" Anu ba kasi ang iniisip mo asawa ko at nagkakaganyan ka? Kaninang umaga ka ganyan ah, sabi mo nga sa akin may problema ka ba?" sagot ni Amor.
" Wala naman Amor basta ko na lang naramdaman ito na hindi ko maipaliwanag." sagot ni Dawn.
" Baka naman may nagawa akong mali sa iyo na hindi mo masabi sabi?" ungot pa ni Amor.
" Hindi! Anu ka ba sinabi ko na ngang wala eh. Dinadagdagan mo pa ang sakit sa ulo ko puweding manahimik ka diyan kung mang aasar ka lang." may pagkainis na aniya ni Dawn.
" May problema ka nga mahal kong asawa dahil hindi ka magagalit kung wala. Come on asawa ko ayokong nakikitang malungkot ka o nahihirapan ka." bagkos ay aniya ni Amor at niyakap ito.
Hindi na tumanggi ang ginang dahil talaga namang hindi niya maunawaan ang..............
" Xander Lam- ang!" out of the blue ay sambit ni Dawn.
" Why? What's with our son?" takang Amor nga asawa.
" Hindi ko alam asawa ko basta na lang pumasok sa isip ko si Xander." kabadong sagot ni Dawn.
" Tuition Fee! Water please?" sigaw ni Amor sa kasambahay nila.
Hindi rin naman naglipat segundo ay dumating ang tinawag at may dalang isang tubig.
" Here's your order ma'am." agad at sabi nito sabay abot sa baso.
" Thank you Fee." pasasalamat ng ginang at ininum ito.
" Your welcome ma'am, need something else ma'am?" sagot nito pero umiling lang ang mag asawa kaya't umalis na rin si Tuition Fee.
" Tawagan mo kaya si Xander at kumustahin ang biyahe niya? Hapon na pero wala pa rin siyang text o tawag eh madaling araw pa ng umalis siya." suhestiyon ni Dawn kay Amor ng mainum ang tubig.
Sinunod naman ito ni Amor na agad bumaling sa katabing telepono. Pero nakailang dial ito ay wala pa ring sumasagot.
" Wala naman mahal ko. Ayaw sagutin baka nasa loob ng court room." aniya ni Amor.
" Try mo tawagan ang land line sa office niya asawa ko hindi talaga ako mapakali lalo at siya naiisip ko please." mangiyak iyak na aniya ni Dawn na pakiusap sa asawa.
" Don't cry asawa ko he's adult already kaya na niya iyan. Wait lang at tawagan ko pero huwag kang umiyak please." aniya ni Amor dito.
" I can't help it asawa ko halos isang taon nang nawawala si Alex at Diyos ko naman pati ba naman si Xander?" tuluyan ng napaiyak ang ginang. Sabi nga nila instinct has a great contribution in life. Iba ang instinct ng isang ina para sa anak. At iyun ang nararamdaman ni Dawn sa oras na iyon.
" The hell! What are you talking about Dawn! Walang masamang mangyayari sa anak natin. Holy Christ Dawn!" napaantadang aniya ni Amor dahil maski siya ay tumayo ang mga balahibo niya sa pinagsasabi ng asawa.
Hindi na umimik ang ginang bagkos ay tahimik siyang nagdarasal para sa mga anak niya na sana'y mali ang instinct niya.
Tumawag nga si Amor sa opisina nito pero ang secretary nito ang sumagot.