INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER

2K 72 4
                                    

" INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEE





CHAPTER 17




Through their eyes they talk to each other. Daylan and Marie took the action. Mrs Dela Rosa and Mrs Ravena stayed at the side of the hospital bed where Mayla's laying down.

" Bro alam kung gusto mong kargahin ang anak mo pero ibigay mo muna kay TF at siya ang humawak. Ikaw, ako , si papa , at sina Daylan at Marie. Tayo ang haharap sa kanila." aniya ni Alex sa kapatid na kalong kalong ang bagong silang na sanggol.


" Akin na lang Al- Xander hindi ko pa siya nakarga simula nang lumabas." lakas loob na aniya ni Mayla.


" Are you sure Mayla na kaya mo na? Baka mabinat ka ha---


" Tado mabinat daw eh baby niya iyan eh! Ibigay mo na bago kumatok ang mga hayop." angil at batok dito ni Marie.

" Tsk! Tsk! We're in the middle of troubles para pa rin kayong mga bata. Umayos nga kayong dalawa diyan." nakailing na aniya ni Daylan.


Tama nga naman si Smith nasa alanganing sitwasyun kayo pero nakuha pang nambatok ng prinsesa ng mga Aguillar.


Hindi naman mapigilang mapangiti ng mga kasamahan nila sa kuwartong iyun sa pagamutan dahil sa simpleng bangayan ng magbestfriend.

Hindi nga nagtagal ay may kumatok sa pintuan, again ay nagkatinginan at nagkaunawaan sila sa kanilang tinginan.

" Magandang umaga po sa inyo mga kapatid. Nais po lang sana naming I check ang kuwartong inyong kinalalagyan kung inyong mamarapatin." aniya ng lider ng mga ito.

" Aahh wala pong problema kuya pero sandali lang po at may itatanong po ako sa inyo. Sinu po kayo at bakit ninyo kailangang check up ang kuwarto ng bagong panganak?" aba'y matapang ka Aguillar.

Ngumiti naman ang isang armadong lalaki. Though may hawak itong baril ay hindi naman kakikitaan ng bangis.


" Huwag kayong mag alala. Oo alam naming room ito ng bagong panganak pero sinadya namin ito. Ang sabi kasi ni Tata Temyo nanganak na daw ang asawa ni attorney Dela Rosa. Wala kaming balak na masama sa inyo kung iyun ang iniisip ninyo mga kapatid. " aniya ng isa.

Dahik dito ay pinapasok sila ni Xander. Walang nagawa ang mga nurses na magbabawal sana sa mga ito.

" Pasok kayo mga kapatid. Pero ang iba ay maiiwan diyan sa labas para makapagbantay. Kung hindi ako nagkakamali ikaw si Joven, at siya naman si Leonard?" sabad ni Xander.


Napatingin naman ang dalawang lalaki na sila pala ang may ari bg pangalan na binanggit nito.

" Kuya Xander ikaw ba iyan?"

" Paanong hindi ka namin nakilala?"


Sabay na aniya ng mga ito at akmang lalapit pero agad ding napatigil na halatang nag alangan.


" Halina't lumapit kayo sa akin Leonard at Joven. Oo ako nga ito pero hindi naman siguro nalingid sa inyo ang aksidenting kinasangkutan ko dalawang taon na ang nakakalipas." sabi ng binata.



Nanatiling nakamasid lamang ang mga kasamahan nila sa kuwartong iyon. Walang gustong magsalita sa kanila , dahil ng mga sandaling iyon lamang nila nakasalamula at nalaman ang tungkol sa mga ito.

" Matagal ka naming hinahanap kuya Xander pero dahil hindi sapat ang pera naming mga taga bundok ay hindi namin maisakatuparan ang planong malawakang paghahanap. Masakit kasi na nang mga panahong inihatid mo kami sa paanan ng bundok sa San Juan ay iyun din pala ang oras ng aksidente. Naglaho ang pag asa naming makabalik sa bayan ng mga oras na iyun kuya pero hindi kami tumigil sa paghahanap. At laking tuwa namin ng muli naming malaman na buhay na buhay ka. Ang tungkol po sa mag ina mo ay nitong linggo lang namin nalaman kuya at ito nga ipinasadya ka niya sa amin para makausap ka ng masinsinan." pagkukuwento ni Joven.

 INLOVE WITH THE FARMER'S DAUTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon