INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER

1.6K 75 2
                                    

"INLOVE WITH THE FARMERS DAUGHTER "
WRITTEN BY : SHERYL FEE


CHAPTER 11

Kung gaanu kabilis ang mga pangyayari sa harap ng national bookstores ay ganun din kabilis ang pagdating ng pamilya ni Xander sa hospital.

" Diyos ko ang anak ko." aniya agad ni Dawn ng makita si Xander na nakaratay sa hospital bed. Tinawid nito ang pagitan ng pintuan at higaan nito at yumakap dito.

" Kumusta ka na bro?" tanong naman ni Alex.

Abah ang kapitan nating masungit abay magpapatalo ba naman? Hindi dahil ng makalapit sa kinahihigaan ng anak at ito naman ang nagsalita.

" I know that you're not dead attorney Dela Rosa 'cause I know you're a fighter. Though sumabog ang kotse mo pero walang palatandaang nandoon ka na siya namang lumabas sa imbistigasyon. Welcome back anak and get well soon." sabi nito pero ni isa sa mga ito nag sinagot ng binata dahil nakatingin sa mga taong tumulong dito.

Saka pa lamang napansin ng mga bagong dating ang mga kasamahan nila sa kuwartong iyon.

" Marie , Daylan sinu sila?" tanong ni Mrs Dela Rosa sa mga kaibigan ng anak.

" Ah sila po tita ang tumulong kay Xander ng mga panahong wala siya sa piling natin." sagot ng dalaga.

" Tata Narding, nana Ensiang, Miss Mayla, Junjun, Andoy, sila po ang pamilya ni Xander o ni Alfred. Sila po sina tito Amor, si tita Dawn, at si kuya Alex. Tita, tito, kuya sila po ang mga kasamahan ni Xander lalo na si Miss Mayla siya po ang kasama niya ng makita namin sila sa pinangyarihan ng aksidente." pagpapakilala at paliwanag ni Marie.

Samantalang nakamasid lamang si Daylan sa mga ito pinag aaralan ang abogadong nakatingin sa dalagang taga bundok.

Lumapit ang mag asawang Amor at Dawn sa mga ito at nakipagkamay sa mag asawang Ensiang at Narding.

" Hindi namin alam kung paanu kayo pasasalamatan pero hayaan ni'yo din sana kaming tulungan kayo para kahit papaano at masuklian namin ang kabutihan at pagkupkop ninyo sa aming anak. Maraming maraming salamat sa inyong lahat." taos pusong aniya ni Dawn sa mga ito.

" Karangalan namin ang tumulong sa mga taong nangangailangan ma'am. Marahil nga ay mahihirap lang kami pero hindi namin ipinagkakait sa kahit sinumang nangangailangan aming tulong. Malaki din ang naitulong ni Alfred sa aming lahat sa bundok. Nawala man siguro ang kanyang alaala pero ang kadalisayan ng puso niya ay hindi nawala. At ang makabalik siya sa inyo na tunay niyang pamilya ay sapat na iyon para sa amin." sagot ni Mang Narding bago bumaling sa anak na halatang namumutla.

" Anak magpaalam ka na sa kanila at habang hindi pa kumakalat ang dilim ay makaakyat na tayong muli sa bundok. Dadaanan pa natin sa pharmacy ang resita ng doctor sa iyo." pukaw niya dito.

Nakikipagtitigan daw kay Alfred este kay Xander kaya't hindi narinig ang sinasabi ng ama.

" Tata fully paid na po bill ninyo binayaran ko po kanina kaya huwag na po kayong mag alala. At tungkol po sa resita ay sa pharmacy ng hospital po kayo pumunta dahil kasali po iyan sa binayaran ko." singit ni Marie.

" Naku nakakahiya-----

" Huwag po kayong mag alala nana dahil ako na po ang bahala doon kay bestfriend. Kami na po ang bahalang mag usap. " sa wakas ay nasabi ni Xander.

" Akala ko tol nalunok mo na ang dila mo." kantiyaw naman ni Alex sa nakababatang kapatid.

" Huwag na nga kayong mangantiyaw diyan. Puweding iwanan ni'yo muna kami dito ni miss Mayla. I want to talk to her alone." simangot na aniya ni Xander sa kapatid bago bumaling sa mga magulang.

 INLOVE WITH THE FARMER'S DAUTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon