" INLOVE WITH THE FARMER'S DAUGHTER "
BY : SHERYL FEECHAPTER 8
" Alfred tama na iyan mataas na nag sikat araw mamaya na lang ulit." saway ni mang Narding sa binata.
" Okey lang po tata maigi na iyon minsanan ang pagtigil. Saka po di ba ibababa natin sa bayan ang mga iyan bukas?" sagot naman nito.
" Oo anak pero tingnan mo ang sarili ibang iba na sa dati mong kulay at nakakahiya na sa iyo ikaw na ang bumalikat sa trabaho namin ng anak ko." nag aalalang sagot ni Mang Narding.
" Tata ayan na naman po kayo okey lang po iyun. Ang pagsagip ni'yo sa buhay ko ay sobra sobra na pong kabayaran sa pagtulong ko sa inyo araw araw. At isa pa po dito naman po ako kumakain at ang mga gamit ninyo at ginagamit ko na rin kaya huwag na po kayong mag alala sa akin." sagot ni Alfred sa matanda.
" Meryenda muna kayo diyan itay , Alfred mamaya na iyan." tinig na nagmula sa kanilang likuran.
Hindi man ito nakikita ng binata ay alam niyang si Mayla ito. Dalawang taon na siya sa piling ng mga ito at dalawang taon na rin niyang lihim na sinisinta nag dalagang Ravena.
" Ahem baka matunaw ako niyan Al." tikhim ni Mayla ng mapansin na titig na titig ang binata sa kanya.
Para namang napahiya ang binata sa sinabi ng dalaga pero hindi na lamang siya nagpahalata.
" Pasensiya na May ang ganda mo kasi kaya hindi ko maiwasang pakatitigan ka sa tuwing nakikita kita." totoong sabi ni Alfred.
" Hmmm hindi naman Al ikaw ha nambobola ka na naman." namumulang aniya ni Mayla.
" No I'm not joking May your so beautiful." hindi maiwasang sambit ni Alfred.
" Ayan ka na naman sa kakaenglish mo Al may naaalala ka na ba?" ingos ng dalaga dito.
" Eh di okey sana kung mayroon na akong maalala May para matulungan ko kayo ng maayos dito pero wala eh. Nagsasabi lang ako ng katotohanan na maganda ka naman talaga." sagot ni Alfred.
" Ahem! Nandito pa ako ano ba iyang dala mo at naaamoy ko na." singit ni mang Narding sa dalawa na nakalimutan na yatang nandoon pa siya.
" Itay naman eh. Suman po may gata sa ibabaw. At may dala po akong kape masarap po iyan at may nilaga pong kamote." namumula pa ring aniya ni Mayla sa ama saka bumaling sa binata.
" Al lika na dito nang makapagmeryenda na kayo ni itay." aniya sa binata saka nag served ng meryenda ng mga ito.
" Ahhh puwedi bang sumama sa bayan bukas itay?" basag ni Mayla sa katahimikan nila habang sila ay nagmemeryenda.
" Oo naman anak pero hindi ba mas maiging dito kana lang para may kasama anh inay ninyo total dalawa naman kami ni Alfred." sagot ni Mang Narding.
Yumuko naman si Mayla dahil ang totoo at namimis na niua ang mag aral. Iyong dati niyang ginagawa na pagbumaba siya sa bayan ay dumadaan siya sa paaralan. Dalawang taon nang nasa piling nila ang binata at dalawang taon na rin ang lumipas mula ng huli siyang nakadakadalaw sa paaralan. Ang tanging alaala niya at ang mga aklat binigay dati sa kanya ng guro. Hindi na siya masyado nakakababa dahil simula nasa kanila ang binatang tinulungan nila dati ay ito na ang tumulong sa ama niya sa lahat ng trabaho na nakaatang sa kanya kaya't wala nang dahilan para bumaba siya.
" May are you okey? Don't be sad if you want to come tomorrow sure you can come but please don't be sad." aniya ni Alfred dito.
" Namimiss ko ang sumilip sa paaralan Al. Kumusta na kaya sila doon? Kumusta na kaya ang mga studyante doon? Si ma'am kaya kumusta na kaya siya?" tugon ng dalaga na hindi naisip ang isinagot sa binata.