Je 5 Jang ♥ : Awkwardness

127 6 1
                                    

YUNA

" Anong nangyari sa dalawang yun? " Tanong ko kay Ian habang pasimpleng sumusulyap kayna Yuki at Ky. Nandito kami sa P.R at kasalukuyang pinapanood ko si Ian sa ginagawa niyang commission, habang kumakain ng piatos.

" Ewan ko? " Sagot naman ni Ian sabay sulyap din sa dalawa.

" I smell something fishy. " Sambit ko at matalim na tumingin sa dalawa.

Napapansin namin kinabukasan pagkatapos nung punta namin sa Mall, parang may awkwardness na sa dalawang yan. Yung tipong hindi sila makatingin sa isa't isa.

" Oo nga eh, feeling ko may nangyari sa dalawang 'yan. " Pagsangayon naman ni Ian.

" Hmmm- Ay futa! " Nagulat ako ng biglang may tumabi sakin.

" Punta kami sa bahay niyo, Yu. " Si Yurri lang pala kala ko kung sino. Tumango na lang ako at kinuha yung phone ko, isang lingo ko ng hindi nakikita yung magaling kong BF.

Ano na kaya nangyari don? Pagnagkita talaga kami masasabunot ko siya. Hmp!

Tamo wala manlang message. Leche.

Mamaya nga pag-uwi ta-try ko na ung mga Albums na binili ko. Hindi ko pa kasi na ta-try yung Album na binili ko, andami kasing projects at mga homework kaya hindi ko magawa.

=

" Naman sorry na kase, Yu. " Pagmamaka-awa niya sa'kin. Sumimangot lang ako at hindi siya pinansin, tatalikuran ko na sana siya ng pigilan niya ako. Hindi ko matatanggap sorry niya, tine-text ko siya tapos hindi siya nagre-reply. Sapakin ko siya eh.

" Yu, naman eh! Sorry na! " Sabi niya tapos nagpaawa effect pa. Doon na ako nagsalita, hindi ko rin kase matitiis 'tong lalaking 'to.

" Alam mo, Rey. " Pagsisimula ko sa kaniya.

" Di ko pa alam. "

" Tangina mo. " Sabay talikod ko sakaniya dahilan para hilahin niya na naman ako para humarap sa kaniya. Sasampalin ko na talaga 'to kahit nandito kami sa field.

Nandito kase kami sa may field, nakita ko siyang naglalaro ng soccer. Napakilala ko na ba siya sa inyo? Hindi pa noh? Pwes siya si Rey De Jesus, classmate ni Ate. Nakilala ko lang siya nung pasukan tapos niligawan niya ako. Sinagot ko naman. Type ko siya eh. ( OWO )

" Naman Yu, hindi mabiro. Sorry na kase. Hot ka naman eh! " Pagmamakaawa na naman niya.

" Tss.. Hot mo mukha mo! Papatawarin kita kapag nagdate tayo. " Sabi ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, hindi pa talaga kami nakakapagdate na dalawa, ang busy niya kase palagi. Dinaig ako.

" Kailan? "

" Sa Sabado! "

" Ahh, ano kase..May gagawin kase ako nun eh. " Oh tamo tamo! Sabi sa inyo eh!

" Byeongsin. " bulong ko at tinalikuran ko na takaga siya, kabadtrip. Ano ba namang klaseng boyfriend siya! Pasalamat siya at sinagot ko siya.

Nakasimangot akong pumunta sa classroom namin. Hindi ako makamoveon ha.

" Oh nasaan si Yuki? " Tanong ko kay na Yurri. Lumapit naman sila sakin tapos may binulong.

" Puntahan natin. " Sabi ni Ian.

" Gandang sagot puta. Asan nga siya. " pokerface ko.

" Sa rooftop kasama si Ky. " Bulong ni Yurri.

" Weeeh!! Pu-asdfghjkl! " Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng takpan nila yung bibig ko tapos nagshhh sign sila.

So napagdesisyon namin pumunta sa rooftop. Chichismis hahahaha.

Mamaya nagbabangayan na yun o kaya mabalak ni Yuki na ihulog sa building si Ky. Alam niyo naman yun ayaw na ayaw kay Ky kesyo daw Alien si Ky.

Nang makarating sa rooftop, wala naman kaming nakita doon. Sobrang linis ng paligid at mahangin.

" Wala naman- Ay Puta-asddsf" Nagulat ako ng may magsalita medyo malapit sa kinaroroonan namin buti na lang tinakpan agad nina Ian at Yurri yung bibig ko.

Dahan dahan kaming tumingin kung saan galing 'yon at nagmula yun sa likod. Nagtago kami sa gilid at pinakinggan sila. Curious lang kami kung ano pinaguusapan nila! 'Wag kayo!

" I'm fucking serious, Yuki! " Sabi ni Ky, sapat na 'yon para marinig namin.

" Nahihibang ka na Hohenzollern! " Sigaw ni Yuki.

" Nahihibang sayo.. " At ayan sumabog na kami sa kilig, kaming tatlo!

" Galawang breezy~ " Yurri.

" Omg, kinilig ako~ " Ian

" Leshe, iba na yan Ky.." Ako.

" Tigilan mo ko Hohenzollern. " Sabi ni Yuki sabay napafacepalm. Nagtataka talaga ako kung bakit ayaw niya kay Ky.

" Liligawan kita. " Sabi ulit ni Ky.

Anak ng, nagpipigil na kami ng tili dito, ang cool kasee. sheet! Pinangarap naming mga babae ang mga ganyan. OMFG! Bihira na lang nag lalaking ganyan ano! Si Rey kase parang walang kaefforts efforts.. Pero sinagot parin AHHAHAHA.

" Hindi pwede!! " Sigaw ni Yuki.

YUKI

" Why?! " Tanong niya sa'kin. Finally nakapagusap na kaming dalawa, simula kase nung gabing ihahatid niya ako sa bahay, tahimik na hanggang sa maihatid niya na ako.

Hindi ko siya pinansin ng mga ilang araw dahil sa naniilang ako, pero this time niyaya niya akong makipagusap dito sa rooftop. That's why we're here.

" Aasa ka lang! " Sabi ko sa kaniya.

" Wala akong pake kung paasahin mo ko! Pinili ko iyon eh! " Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Tahimik lang ako at natahimik din siya. Ganun niya ba ako kagusto, willing siyang umasa. I don't get him, ayos lang na masaktan siya? .... Alien talaga kahit kailan. Tsk.

" Liligawan kita.." Muling sabi niya.

" Aba't-" Hindi na tapos yung sasabihin ko ng tumingin siya sa mata ko, yung mga tingin na kakaiba. Ibang iba.

" Liligawan kita, sagutin mo man ako o hindi, mapatunayan ko lang na MAHAL KITA. "

And that makes me shut... He's so fucking serious..

140513

======================================

A/N: Sorry kung ngayon lang naka UD! Sorry! Sorry!! Gumagawa kasi ako ng Chapter sa mga upcoming stories ko kapag nacomplete ko na ito.. Alam niyo bang nagpakahirap ako sa Chapter na 'to... Yung feeling na parang story na ni Yuki HAHAHAHA Pero ang Protagonist po talaga natin ay si Yuna.

Anyway, ano kinilig kayo kay Hohenzollern? Famous line niya yan <3

KyKi Shippers <3

#ThatsHer

Click the external link to view my page. thank u. 


That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon