Je 10 Jang ♥ : Gabandi Island

109 5 0
                                    

YUNA

Woo! Vacation! Masaya 'to! Iwas sa pag-aaral.

Matapos kong makapag-impake, sumakay na ako sa Mini Bus na gagamitin namin. Nag-start ng magdrive si Manong at isa isa narin namin sinundo ang mga kasama namin.

Hanggang sa makarating kami sa last naming susunduin, si Steph.

Lumabas na ng gate si Steph dala ang bag niya. Pumasok na sya sa Bus at umupo sa may bandang dulong upuan.

" Yu, you want? " Paga-alok ni Rey sakin. Katabi ko kasi siya, kinuha ko na lang yung inalok niya at ibinalik ang tingin sa lugar na dinadaanan namin.

Habang nasa biyahe walang ginawa kundi magkulitan ang mga Prinsipe pati narin ang mga Bestie ko. Hanggang sa nauwi sa tulog. Maski ang katabi ko nakatulog na. Gusto ko man na isandal niya sa'kin 'yung ulo niya kaso maliit ako eh, kaya sorry.

Mahaba-haba ang biyahe namin, pero ayos lang, sanay na naman ako. Dahil sa mahaba ang biyahe napag-isipan ko na din matulog.

" Miss Arren, nandito na po tayo. " Rinig kong sabi ni Manong, iminulat ko ang mga mata ko.

" Hoy mga Pugita at mga Bestie ni Yuna, gumising na kayo andito na tayo!! " Sigaw ni Ate Ren. Kahit kailan napaka Bossy niya. Nagsi-stretch na ang mga kasama namin.

" Wow, ang ganda ng tanawin. " Sambit ni Ian nang makita niya ang dagat.

Isa isa na kaming bumaba para sumakay ng speed boat, para tumungo sa lugar na aming pupuntahan.

Nang makarating kami ay mas lalong namangha ang mga kasama namin sa magandang tanawin na nakita nila.

" We're here.." Nakangiting sambit ni Ate Ren.

" Welcome to GABANDI ISLAND. " Makahulugan na sabi ni Ate.

Isa isa kaming bumaba sa speed boat at sinalubong kami ng mga naggagandahang babae at sinabitan ng mga flowers.

Nandito nga pala kami sa Isla na pagmamayari ng Tito Runel, kapatid ni Mom.

" Dito ka nakatira, Calvin diba? "

Tumango lang si Kuya Calvin, hindi ko nga maipaliwanag sa mukha niya kung masaya ba siya o ano.

Dito nakatira si Kuya Calvin. Lumipat nga lang siya sa lugar namin para mag-aral. Maniniwala ka ba kapag sinabi kong kababata niya ang pinsan ko. Small world diba?

Dali dali naming tinungo ang bahay ng pinsan namin. Napag-isipan na doon na lang magstay kesa sa hotel dito.

Malaki naman bahay nila eh.

Sinalubong namin ang pinsan namin na nag-aabang sa harap ng bahay nila.

" Cousin!! " Sigaw nilang dalwa at sabay na niyakap kami ni Ate Ren.

" Namiss namin kayo, buti naisipan niyo na dalawin kami. " Sabay na sabi nung dalwa. Natawa na lang kami.

" Di mo ba ako na-miss, Gab? " Nakangising tanong ni Kuya Calvin kay Ate Gab.

" Hinde. "

Mukhang nalungkot naman si Calvin.

" Joke lang, syempre na-miss ko ang nag-iisa kong BESTFRIEND na si Calv XDD "

Sabay yakap kay Kuya Calvin. Sus, sweet.

Ipinakilala namin sila sa isa't isa, mukhang nagkasundo naman. Pinapasok kami sa bahay nina Andi at ipinakita ang Room na gagamitin namin. Magkakasama kaming Girls sa isang room at 'yung isang room naman ay sa boys.

That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon