Je 16 Jang ♥ : Our Moment

99 6 3
                                    

YUNA

" Don't tell me, ikaw si HAL?! " Nanlalaking matang tanong ko sa kaniya, tumingin naman siya sakin at ngumisi.

" Ngayon mo lang nalaman? " Tumawa pa. Psh, kung hindi lang 'to singer. Pero OMG?! Ang famous singer sa korea na si HAL ay nasa harapan ko... at FIANCE ko?! Tapos first love ko daw? 

First love....Pano nangyari yun?

" Teka nga.. Ba't ka nandito? Pano yung career mo sa Korea? " Tanong ko sa kaniya. 

Umupo naman siya sa kama ko. Teka nga, bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi manlang ako mahiya dahil isang singer ang kasama ko sa kwarto ko.

" Nanood ka ba ng balita? " Tanong niya sakin.

Bigla naman akong may naalala.

FLASHBACK

Napadaan ako sa sala ng mapansin kong nanonood ng balita yung mga kaibigan ko. Lalagpas na sana ako sa sala ng marinig ko yung balita.

 " Isang sikat na Korean singer na si HAL! Nagleave muna sa pagiging singer! Alamin ang buong balita mamaya! Magbabalik ang NEWS CHANNEL. " ( Lol wag nio napansin yung channel kalurkey xD )

Nanlaki yung mata ko nung marinig ko yung balita. Edi totoo yung mga sinasabi nung mga ate nung araw na papunta ako sa bahay ni Ian.

END OF FLASHBACK

" Ba't ka nagleave? " 

" Para pumunta dito. " 

Medyo naiilang nga ako dahil grabe kung makatigtig 'tong lalaking 'to. Naalala ko naman yung sinabi ni Dad na Fiance ko siya at first love daw, tapos yung nice meeting you again na sinabi nitong si Hal.

"Ano nga pala yung sinasabi ni Dad na first love kita? " Napaiwas naman siya ng tingin...Anong meron?

" Nagkita na ba tayo noon? Kung nagkita na tayo noon, bakit hindi ko maalala."

Pagkasabi ko noon, tahimik lang...Ang awkward..

" Ang naalala ko lang nasa hospital ako.." Mahina kong sabi sa kaniya. Yun lang kase naalala ko nung bata pa ako, basta nasa Hospital ako tapos nandun si Yuki pati sina Mom. 

" Hindi mo na ba talaga ako maalala..? " And with that. I felt a pain in my heart.. Why, it hurts?

Third Person POV:

Tahimik sila sa loob ng kwarto ni Yuna. Isang nakakabinging katahimikan. Ni isa sa kanila walang nagsalita. Marahil nakikiramdam.

Nasasaktan si Hal sa kaniyang mga narinig, alam niyang handa na siya sa ganitong sitwasyon. Ang malaman na hindi na nga siya naalala ng kaniyang minamahal. Pero pinilit niyang hindi ipakita kay Yuna na nasasaktan siya. 

Kahit ganoon ay atleast natupad niya ang pangako niya kay Yuna na babalik siya kahit medyo late na nga lang.

Bumalik na naman sa alaala niya yung mga panahon na magkasama sila at yung dahilan kung bakit kailangan niyang umalis.

FLASH BACK

" Mom, Why do we need to go there? " Inosenteng tanong ng isang batang lalaki sa kaniyang Ina, halatang gusto ng umiyak ng batang lalaki ng nag-ngangalan na Hyejun, pinipilit lang niyang wag umiyak sa harap ng Ina niya kasi alam niyang ayaw siyang makita ng Ina niyang naiyak siya.

" I'm sorry, sweetie " Malungkot na sabi ng Nanay niya. 

Bukas na ang alis nila at nakapagpaalam na sina Myeong kayna Arren at Yucee pati narin sa iba. Ang dahilan kung bakit kailangan nila pumunta sa ibang bansa ay dahil sa namatay ang Lolo nina Hye-Jun.

Ayaw man niyang sumama pero kailangan kasi Lolo niya 'yun. 

Nang dumating ang araw na aalis sila, sobrang lungkot ni Hyejun dagdagan mo pa na nabalitaan niyang nasagasaan ng malaking track ang pinakmamahal niyang si Yuna at ang mas matinde ay nagka-Amnesia.

Gusto niya sanang bumalik ang kaso masyado pa siyang bata para umalis mag-isa, tsaka hindi pa siya pinayagan ng Nanay niya.

Ilang buwan din sila nagstay don, babalik na sana sila ng biglang may lalaking pumunta sa kanilang bahay at gustong gawing singer si Hyejun, siguro narin ng malaman nilang magaling kumanta, doon nagsimulang maging Hal siya. Naging singer sa murang edad. 

Tapos naging Model pa si Myeong-Ji.

Ilang taon din sila don at sumikat na sa Korea.

Hanggang sa bisitahin sila ng magulang nina Arren at Yuna at don kinumbinsi sila na umuwi na sa Pinas, Excited siya makabalik ang kaso madaming Schedule sila Myeongji at Hyejun kaya naleave sila sa ngalan ng pag-ibig! Lol.

Dun din sinabi sa kanila ang lahat lahat na nangyari at sa plano, sumangayon naman agad si Hyejun, gagawin niya ang lahat para kay Yuna na kahit nasaktan siya ng malaman niyang may Bf na ito.

END OF FLASHBACK

" Bababa muna ak-" Patayo na sana si Hyejun ng biglang hawakan siya ni Yuna sa kamay dahilan para mapatigil siya.

Kahit si Yuna ay nagulat sa ginawa niya kaya naman mabilis niya agad na binawi ang kaniyang kamay. " Ba-Bakit nung hinawakan ko si Hal, ba-bakit may kuryente akong naramdaman. Tapos ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.. Waaaa anong nangyayari. Hindi ko pa 'to nararamdaman.. May sakit na ba ako? " Isip ni Yuna.

" Bakit, Yuna? "

" S-stay.." Nahihiya man pero pinilit niyang sabihin kay Hyejun. Palihim naman na napangiti si Hyejun sa inasal ni Yuna.

Malamang baka may pag-asa pa ito. Lalo na't sa simula pa lang ay kaniya na si Yuna. Marahil nakalimutan na nga siya nito pero hindi naman maiiwasang kalimutan siya ng puso nito.

Umupo si Hyejun at hinawakan ang mukha ni Yuna na nakaiwas sa kaniya. He find it cute. Iniharap niya ito sa kaniya at napangiti ng makita niyang namumula si Yuna.

"A-Ano? " Tanong ni Yuna sa kaniya.

" Can I still call you, Jagiya? " Paalam ni Hye Jun.

" Ba-Bahala ka. " Sabay iwas ng tingin. Naiilang kase siya sa mukha ni Hye Jun.

" Look At me. " Mabilis na napatingin siya sa mata ni Hye jun. Hindi niya napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ni Hye Jun sa kaniya at any moment pwede na siya nitong halikan.

" Wala akong pake kung may boyfriend ka na. Kung kailangan man agawin ko ikaw sa kaniya, gagawin ko..Dahil sa simula pa lang akin ka na at iyo ako..." And with that.. their lips met..

140604

#ThatsHer




That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon