Je 6 Jang ♥ : Seeing You Again

133 6 0
                                    

YUNA

Hindi parin ako makamoveon sa narinig ko sa rooftop kanina, yung words na sinabi ni Ky. Hindi ko inaasahan yun ha.

Palihim akong tumingin kay Yuki. Si Yuki lang dahil nauna ng umuwi si Ky, hindi daw siya makakasama may importante daw siyang pupuntahan.

FLASHBACK

" Liligawan kita, sagutin mo man ako o hindi, mapatunayan ko lang na MAHAL KITA. " Kitang kita mo sa mga mata ni Ky na gustong gusto niya talaga si Yuki. Super serious niya, si Yuki naman blanko lang ang mukha, para bang inoobserbahan niya si Ky ng mabuti.

" Ano na? " Sabi naman ni Yurri. Halatang mga kinikilig ang mga kasama ko, hindi mo naman maiiwasan yon lalo na't may gustong manligaw sa bestfriend mo.

" Then... Let's make a bet. " Seryosong sabi ni Yuki. Tahimik lang si Ky at pinakinggan si Yuki.

" I'll let you court me... If you want me badly, then make me fall for you. " Nakangising sabi ni Yuki.

END OF FLASHBACK

" Guys, ano tara? " Napalingon ako sa may pinto ng classroom namin, nandoon yung mga Prince. Inaantay kami. Pupunta kase sila sa bahay namin. Ewan ko kung bakit?

Inayos na namin yung mga gamit namin at sinundan na sina Kuya Calvin. Lumapit naman si Rey sakin.

" Sorry na kase Yu. " Pilit niya sakin.

" Oo na." Labag sa loob kong sabi, balak ko sana siyang pahirapan kaso wag na lang.

" Nasaan si Ate? " Tanong ko sa kaniya.

" Hindi daw siya makakasama, kaya tayo tayo na lang. " Sagot niya sakin. Napa Ahh na lang ako.

Palabas palang kami ng building ng makita namin si Kuya Yucee na nasa gilid at may dalang payong , biglang napatakbo ako.

" Kuya Yuceee!! " Sigaw ko sabay tumakbo palapit sa kaniya at sinalubong ng yakap.

" Kyaaa Omfg, namiss kita kuya. " Sabi ko sa kaniya. Tumawa lang si Kuya Yucee at nag I miss you too. Nang makalapit na sina Yuki.

" Mas mukha pa kayong magkapatid. " Nakasimangot na sabi ni Yuki.

" Alam mo naman Yuki na pangarap ko magkakuya. " Nakangiti kong sabi kay Yuki habang nakayakap parin kay Kuya Yucee.

" 'To naman si Sis, yakapin mo din ako. " Nakakalokong sabi ni Kuya Yucee, sumimangot lang si Yuki.

" Che, ano bang ginagawa mo dito? " Tanong niya kay Kuya Yucee.

" Susunduin ka. "

" Pupunta po kami sa bahay ni Yu. " Sabi ni Ian. Hindi halatang interesado kay Kuya Yucee oh, Si Yurri oo, yan pa.

" Sa bahay na lang namin kayo pumunta. " Nakangiting suggest ni Kuya Yucee.

" Ayos lang? " Kuya Calvin.

" Oo naman. "

Bigla kong nakita si Yurri na tinusok yung gilid ni Yuki. Sinasabing ipakilala daw ni Yuki ang Kuya niya samin. Etong babaeng 'to umaaragkada na naman sa kalandian. Napatingin tuloy ako kay Steph, nakita niya din pala yun. Bigla siyang nagroll ng Eyes AHAHAHA taray.

" Ahh- Kuya, sina Yurri, Ian, Rey, Kuya Calvin, Kuya Andrei, Francis at Steph. " Pagpapakilala ni Yuki, isa isa sa mga kasama namin.

" Guys, Kuya ko. Si Kuya Yucee. Sa Monday na siya magtatransfer dito sa school. " Pagpapakilala niya sa Kuya niya.

That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon