YUNA
" Ha?! Anong sabi mo Hal?! "
Di ko kasi narinig 'yung huling word na sinabi niya. Ang ingay kaya nung motor tapos mahangin pa, dagdagan mo pang nakahelmet. You can't blame me.
Bigla ko naman narinig siyang nagchuckle! WAAAAAAAA! Andaya hindi ko narinig. Ano kaya 'yun! Nacurious tuloy ako *Pout*
Nang makarating kami sa bahay or should I say Mansion! Eh sanay akong bahay ang tawag eh! Sumalubong sa'min ang mga maids at pinagbuksan kami ng pinto at nakita ko si Manang Lita na papunta sa'ming Direksyon.
" Young Lady at Sir Hal *bow* May bisita po kayo. "
" Nasaan Manang? " Tanong ko.
" Nandoon po sa Living Room. " Tumango na lang ako ng sabihin 'yun ni Manang at nagtungo na kami ni Hal sa Living Room. Sino naman kaya 'yung bisita? Maybe si Tita, or maybe a friend?
Pagbukas namin ng pinto, tumambad sa'min ag isang lalaking maputi na nagbabasa ng libro, nakaside view siya sa'min.
Isang poging lalaki na naman ang nakita ng mga mata ko!!! Omy God! Nagkakasala na talaga ang mata ko. Lord, isang biyaya na naman oh. Araw araw akong nakakakita ng pogi. Well, I'm lucky.
Mukhang naramdaman naman niya 'yung pagpasok namin sa Living Room.
" Oh! Hal! Long time no see Bro! " Bati niya kay Hal, at talagang hindi ako kasama, tumayo pa siya at lumapit samin. How dare you not notice me, char! Nahahawa ako kay Yurri, kaloka ahahhahaha.
Ngayon nakikita ko na ang mukha niya. Perfect ang mukha at singkit.. ANG WAFUUU!! Shet shet, pero hindi niya ako napansin at nakakahurt yun. Myghad.
" Anong ginagawa mo dito HYUNG?" HYUNG?! Kuya? So magkapatid sila... Woah! The genes tho! The genes!! Gandang lahi~
" Masama bang bisitahin ang lil'bro ko? "
"Psh. "
" Gusto mo lang solohin siya. " Nagtaka naman ako sa sinabi nung kuya ni Hal, siya? Sinong siya!? OMYGOD! Nacurious ako don ah! Mamaya ko na lang itanong sakaniya kung sino si "Siya". Pero hindi manlang ba ako ipapakilala ni Hal sa Kuya niyang wafu?!
" Urur. " Inis na sabi ni Hal. Nakita ko namang napunta sakin ang atensyon ng kuya ni Hal, napakunot naman ang noo ko.
" Hi Yu, na miss mo ba ako? " Mas lalong napakunot 'yung noo ko sa sinabi niya. Miss? Gaguhan lang? Wait- Don't tell me, kilala ko na 'to noon?
Bigla namang binatukan ni Hal 'yung Kuya niya.
" Yah Pabo! Yu, magbihis ka muna. " Tumango na lang ako sa sinabi ni Hal, kaya umalis ako sa living room at umakyat sa hagdan.
Habang naglalakad paakyat, may naalala ako bigla.
" Bakit ka umiiyak? Wag kang mag-alala nandito si Oppa. "
Shet! Biglang sumakit ulo ko, napahawak ako sa ulo ko at sa pader. 'Wag sanang lumabas muna sa living room si Hal, patay ako kapag nakita niya ako na nagkakaganito. Magpanic pa yun tapos sabihin kay Ate.
" Young lady ayos lang po ba kayo? " Ay shet! Huhuhuhu, napatingala ako sa nagsalita, si Ate Linda 'yung bago naming maid dito sa bahay, bata pa siya para tawaging manang eh.
" Hehehe, oo na out of balance lang ako. " Pagsisinungaling ko, tsaka umayos.
Na-out of balance tapos nakahawak sa ulo. Gago lang?! AHAHHA.
" Nako, magiingat po kayo. " Sabi niya at ngumiti. Tumango na lang ako at pumunta sa kwarto para magbihis. Nang nakapagpalit na ako, tumunog naman ang Phone ko.
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomansaCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...