YUNA
" Nandito na ba ang lahat?! " Sigaw ni Ate, nagsi-tango naman kami, kahit ayoko pang umalis ay kailangan dahil sa may pasok pa kami.
Waaa! Mamimiss ko 'tong lugar na 'to lalo na't dito ko nalaman na mahal pala ako ni Rey, ssshhhh! Wag kayong maingay! Kinikilig parin ako hanggang ngayon, kase lumelevel up siya bilang boyfriend ko.
Nagpaalam na ako kay Ate Gab at Ate Andi, tsaka sumakay sa speed boat. Napatingin ako kay Kuya Calvin na magpapaalam na kay Ate Gab.
CLAVIN
Kailangan pa ba namin talaga umalis? Baka malungkot si Gaby kapag umalis ako? Assuming.
Tsaka, may gusto pa ako ipagtapat sa kaniya eh.... Na Mahal ko siya simula ng makilala ko siya, kasi maganda siya kahit ang kulit niya ang kaso ang tingin niya lang sa'kin ay isang babaerong hindi marunong magmahal at bestfriend niya lang. Masaket~Dati naman hindi ako babaero eh, nagkaganun lang ako kasi gusto ko makalimutan si Gab, kasi...
FLASHBACK
Ok! Eto na! Ipagtatapat ko na kay Gabby na mahal ko siya, kahit ano pang sabihin niya tatanggapin ko! Kaya mo 'yan Calvin!
Papunta na sana ako sa bahay nila ng makita ko siyang may kasamang lalaki. Parang nadurog ang puso ko sa nakita ko. Kase may kasamang ibang lalaki ang mahal ko? Nagpakatatag parin ako kasi malay mo pinsan niya lang 'yan na nagbakasyon dito.
Palapit na ako sa kanila ng mapansin ako ni Gab, ngumiti ito at humarap sakin, ganon din 'yung lalaki.
" Best! Si Igneous nga pala, boyfriend ko. " Nakangiting sabi ni Gab, mukhang masaya pa siya. Mas lalong aa durog ang puso ko ng malaman kong boyfriend niya 'tong lalaking 'to. Gusto ko na siyang suntukin kaso hindi ko magawa, wala naman akong karapatan para gawin 'yon dahil sa bestfriend lang ako ni Gab.
Pinilit kong ngumiti sa harap nila kahit sa loob loob, gusto ko ng umiyak. Ganon ba ako ka late para hindi sabihin sa kaniya na mahal ko siya?
Ilang araw ako nagkulong sa loob ng kwarto ko, ilang araw din akong hindi nagpakita kay Gab at doon nagsimula akong pumunta sa lugar nina Yu at mag-aral sa S.C.A, nagbagong buhay ako. Madami akong Bagong nakilala, naging babaero ako dahil gusto ko kalimutan si Gab, at gusto ko hanapin ang babaeng para saakin 'yung mararamdaman ko din ang naramdaman ko kay Gab, pero wala, siguro nga First Love Never Dies,.. Doon ko na laman na pinsan nila si Gab at doon ko nalaman na nagbreak na sila ni Igneous.
END OF FLASHBACK
Ngayon ko na lang ulit siya nakita..
" Sorry kung hindi ako nagpaalam nung umalis ako."
" Ah, Best.. Aalis na ata kayo. Tama na ang hug, napatawad na kita." Sabi niya, hindi parin ako bumitiw sa pagkakayakap.
" Ang drama mo!! " Sigaw ni Andrei, makakatikim 'tong hayop na 'to saakin mamaya pagsakay ko, panira ng moment, ayun na eh!
" Aba! Kinareer! " Dinig ko namang sigaw ni Yurri.
Naalala ko yung sinabi ni Ren. Totoo yun, at ako yung nafall at late..
" Hoy CALVIN panget!! pumasok ka na dito! Kung ayaw mo pang kaladkarin kita! " Dinig kong sigaw ni Ren. Ayan beastmode na siya.
Bibitaw na sana ako pero bumulong muna ako. Gusto kong itatak niya 'to sa utak niya.
" Gab, mahal kita noon pa. Promise babalik ako. "
Pagkatapos nun, bumitaw na ako sa pagkakayakap at umakyat na sa Speed boat. As usual na mukha, 'yung parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomanceCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...