YUNA
Nagpasukan na lahat lahat, hindi ko parin nakikita si Rey, gusto ko siyang kausapin pero hindi ko siya makita eh! Kailangan ko na ba maglagay ng poster na MISSING: Rey De Jesus, Ganun? Hindi ko naman kasi alam kung asan 'yung bahay niya.
Nakakainis lang.
Thursday ngayon at magfra-friday na naman, si Andrei ang magsusuprise saakin. Hanggang Sabado daw 'to sabi ni Kuya Myeong.
" Yuki, may kapatid ba si Rey? " Baling ko kay Yuki.
" Di ko 'lam eh, pero sa pagkakaalam ko meron. May isa kasi pang De Jesus dito. "
Napatakbo naman ako papasok sa building, eh kasi dito kami sa garden kasalukuyan nagchichikahan tutal vacant naman namin.
Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang sinabi ni Yurri.
" Pansin ko lang wala isang linggong hindi nagpaparamdam si Rey ah. Talunin daw ba 'yung mga multo. "
Aish oo, tagal nga. baka paabutin niya pa ng isang buwan. Maki-kick out 'yun dito sa school noh. Nagtungo ako sa principals office at natagpuan ko si Mom.
" Ah Eomma, nasan 'yung mga files ng mga students? " Tanong ko habang tinitignan 'yung mga papeles na nasa mga drawers lang.
" Andiyan sa kabilang drawer. " Ano na naman kayang sinusulat niya? Baka chinecheck niya na 'yung mga nakapagbayad ng tution fee.
Tiningnan ko naman 'yung kabilang drawer at nakita ko nga 'yung mga files ng mga students na nag-aaral dito. Tiningnan ko 'yung Letter D at nakita ko ngang may isa pang De-Jesus bukod kay Rey.
Binasa ko ito at tiningnan pa ang ibang nakasulat.
Name: Rune De Jesus
Age: 18
Birthday: September 16 XXXX
Grade: 12
Section: 2
Etc......
Ibinalik ko na ka-agad 'yung File nung Rune na 'yun tapos nagpaalam kay Mom, pagkalabas ko nakita ko naman si Kuya Drei.
" Ah! Andiyan ka pala Yu. Tara. " Masaya niyang sabi sabay hinigit ako. Huhu kinaladkad daw ba ako.Hustisya! Joke. HAHAHA
" Kuya Drei Wait lang! Kaya ko sarili ko. " Sabi ko at hinablot 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya at tumakbo na din.
Pababa na kami sa stairs, WOW! Stairs daw! HAHAHAHa English~ Okay na tama na Yuna. Yun nga pagbaba na kami sa STAIRS ng may mabangga ako na lalaki.
" Ah-Sorry po. " Sabi ko sa lalaki at nag-bow.
Sorry naman nagmamadali kasama ko eh. Parang natatae.
" Yu! Bilisan mo! Kakatayin kita! " Sigaw ni Kuya Drei kaya naman nagpanick ako. Ayokong ibenta niya ang mga precious laman loob ko noh. Pagginawa niya 'yun,mumultuhin ko siya! Nako ginto ang lamang loob ko noh hahaha.
Paalis na sana ako ng bigla akong hablutin nung lalaki.
" Wait." Sabi niya saka iniharap niya ako sa kaniya.
Hala! Pano si Kuya. Mamamalayan naman ata niya na nawala ako diba? Teka nga. Parang pamilyar 'tong lalaking 'to.
" Ikaw si Yuna? " Tanong saakin nung lalaki. Grabe ang higpit ng hawak niya, ayaw niya akong bitiwan. Lord, grabe naman makahawak ang isang 'to.Nakalimutan niya bang babae ako?
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomanceCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...