YURRI
Pagkatapos namin kumain, nagsitayuan na ang lahat, except saakin. Tinitignan ko pa sina Yu at Rey kung saan sila pupunta, syempre kailangan malayo layo na sila bago ko sila sundan. Oo tama kayo. Gagawin ko na ang pinapagawa ni Ate Ren saakin.
Nang medyo malayo layo na sila, susundan ko na sana sila ng biglang may sumingit.
" Sa'n ka pupunta? " Tanong ni Steph saakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
" Wala ka ng pakelam dun! " Sabi ko sa kaniya at iniwan siya, muntik na ngang mawala sa paningin ko sina Yu eh, buti na lang nakita ko agad. Wrong timing kase si Ilong, kung kailan may mission ako saka na man niya ako guguluhin.
Lumabas sila ng bahay, at ako naman pasimpleng nasunod sa kanila. Buti nga hindi nila ako nahahalata eh. Nagpunta sila sa isang Souvenir Shop, WOW! Gusto ko din bumili. Buti may dala akong pera.
Sumunod ako sa pagpasok nila, syempre sa naglibot libot din ako sa shop, pero kita ko parin sila. Kunyari bibili din ako kapag nahalata nila ako dito.
Napahinto ako ng may makita akong keychain, Dolphin siya. WOW! Ang cute! Bibilhin ko nga 'to! Syempre kailangan may souvenir akong ibili para sa Lil' Brother ko, baka magtampo sakin 'yun, mahirap na.
" Gusto mo niyan? " Isang boses ng lalaki ang bumulong sa kabilang tenga ko, napalingon naman ako sa gulat and Da FVCK! Ano ba naman yan! Don't tell me sinundan niya ako dito!
" Anong ginagawa mo dito?! " Tanong ko sa kaniya with matching taas kilay.
" Bibili, ano pa nga ba? " Sarcastic niyang sabi, tinaasan ko lang siya ng kilay.
" Ano, gusto mo niyan? " Tanong niya sakin. Kinunutan ko siya ng noo. " Diba nga, I'm helping you to move on. "
Pinaalala na naman niya saakin yung nakaraang araw. Yes he's helping me to move on. Ewan ko ba dito kay Ilong kung anong pumasok sa ilong niya at naisipan akong tulungan.
" Oh Yurri! Bumibili ka din?" Napalingon ako sa nagsalita, si Yu.
Sabi na eh, di sana ako makikita kung hindi dahil dito kay Steph.
Anlaki kase ng Ilong niya. Tss.
" Yup, anong binili niyo? " Pilit kong ngumiti sa kanila para hindi nila mapansin.
" Plastic. " Bulong naman ni Steph, sinamaan ko lang siya ng tingin na nagpapahiwatig na 'Sumakay-ka-na-lang' Etong Ilong na t'o, masasapak ko eh.
" Ah, bumili kami ni Rey ng couple keychain. " Nakangiti na naman niyang sabi, mukhang tuwang tuwa pa siya samantalang kami nina Ate Arren at Yuki, hirap hirapan na paghiwalayin sila.
At Anong sabi niya? Couple Kychain? OMG!! No way!
Pinakita ni Yu 'yung couple keychain na bibilhin nila, napatango na lang ako. Ok, kapag wala siya sa kwarto, itatapon ko 'yon sa dagat! Para di na nila makita! Alam kong may pagka-selfish ako pero sumakay na lang rin kayo.
May Destined na si Yu at hindi si Rey 'yun!
" Kayo anong binili niyo? " Tanong ni Yu saamin.
Ipinakita ko sa kaniya 'yung Dolphin na color pink and blue.
" Sa inyong dalwa yan? " Tanong ni Rey.
" Dafuq! Rey. Kay Miko yung isa! Lanjo! " Inis kong sabi kay Rey. As if naman ibibigay ko kay Ilong. ano kami couple? Yuck kadirdir. Maisip ko palang na magsyota kami, nasusuka na ako. Pwe
" Sus! " Malanding sabi ni Rey, Kokotongan ko to mamaya eh.
" Miko? Boyfriend mo? " Sabay na sabi ni Ilong at Rey, 'yung totoo? Halata na nga sa name namin na magkapatid kami eh! Ano ba yen!
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomanceCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...