REY
" Ayan tanga ka kase, ano napahiya ka? " Pangaasar ni Andrei habang papunta kaming P.R, sinamahan nila ako kanina sa Office. Kinausap lang naman ako ng Mama ni Yu na si Ma'am Ayen Song.
Aba malay ko bang suprise ni Hal kay Yu yun. Hindi kase halatang suprise kung titignan. Aakalain mong pinopormahan niya si Yuna.
Tsaka nararamdaman kong parang may kakaiba dyan sa Hal na yan, dahil sa nakita ko sila nung sa mall.
May tiwala naman akong hindi ako iiwan ni Yu pero... Pano kung malaman niya...
" Tangina mo Andrei. Bahala ka nga dyan! " Inunahan ko na siya sa P.R hindi ko pa nga nabubuksan yung pintuan ng magsalita ulit siya.
" Wala si Yu, umalis na siya. "
" Hindi niya manlang ako hinintay. " Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam pero parang iniiwasan ako ni Yu, ano naman kaya ang dahilan? Impossible kasing iwasan niya ako ng walang dahilan.
" Kung si Yu hinahanap niyo, kasama niya si Hal kanina." Nagulat ako ng may magsalitang estudyante. Chsimoso 'to ahh. Nagpasalamat na lang ako.
Bakit niya kasama si Hal? Boyfriend niya ba yun? Naguguluhan na ako ha. Lagi ko na lang naririnig yang pangalan ni Hal. Nakakaselos na.
" I heard that Rune slapped Yu."
" WHAT?! Si Kuya!? "
" Hindi Hindi, sabi ko ikaw. Tangina naman Rey, kakasabi lang diba." Pambabara niya sakin. Sasapakin ko na sana siya kaso may dumating. Speaking of the devil.
" Sabay na tayo Rey. " Sabi ni Kuya, sinamaan ko siya ng tingin.
" Sinampal mo daw si Yu."
" So what? Mawawala na din naman siya sayo. " Thefuck.
" PINAGSASABI MO KUYA? HINDI PA NAMAN NATIN SURE KUNG MAY NABUO NGA DIBA!? " Sigaw ko sa kaniya. Gustong gusto niya talaga si Eli para sakin, pero dahil sa wala na kami ni Eli at tanggap ko na yun wala na siyang magagawa.
Pero pinagtutulakan niya ako na mapunta ulit kay Eli. Ano gusto niya masaktan na naman ako!
Dahil sa inis ko nilayasan ko siya.
=
Malapit na ako sa bahay ng may matanaw akong babae na nasa harap ng bahay namin at kausap si Kuya. Nag-init agad ang ulo ko at lumapit sa kanila.
" BAKIT NANDITO KA! " Sigaw ko sa kaniya. Leche! Nakakaleche. Nagulat naman yung dalawa. 'Wag mong sabihin na may nabuo nga.
" Please Rey, pakinggan mo muna ako. " Pagmamakaawa niya. Masama lang ang tingin ko sa kaniya.
Ano babalik siya sakin dahil sa nabuntis ko siya ganun? Ayoko naman ng ganun, ayoko naman yung ako lang yung may nararamdaman para sa kaniya. Pero dati lang naman yun. Dahil ngayon wala na akong nararamdaman. Pagkatapos niya akong ipagmukhang tanga.
" Sorry Elijah pero wala akong panahon para pakinggan ang anumang sasabihin mo saakin! " Sigaw ko sa kaniya. " Please Rey! " Pagmamakaawa niya. Tsk.
"WALA AKONG PAKE ELIJAH KUNG MAY NABUO MAN! UMALIS KA NA LANG PLEASE! "
" PERO REY! ANAK MO 'TO! HINDI MO NAMAN PWEDENG IPAUBAYA LANG SAKIN 'TO, HINDI KO KAYANG BUHAYIN 'TO MAG-ISA! "
" PAGKATAPOS MO AKONG GAWING TANGA! SA TINGIN MO HA! UMASA AKO ELIJAH! UMASA AKO NA HINDI MO AKO LOLOKOHIN PERO HINDI! BUHAYIN MO MAGISA YANG BATANG YAN!"
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomanceCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...