Je 12 Jang ♥ : Knowing the truth

94 3 0
                                    

YUNA

Nandito kami sa may tabing dagat, dito namin napagpasyahan na tumambay. Dahil sa nahanap na ni Franc si Ian, eto tunganga kami, mga walang magawa. Ayaw naman pumasok sa loob ng bahay, tinatamad daw sila, mabuti pa daw na tingnan 'yung umaalon na dagat kahit gabi.

" Sarap ng titig natin dyan ah, malusaw 'yan. "

Pangaasar ko sa katabi ko. Nakaupo lang kami sa putol na kahoy at napansin ko ang titig nitong si Kuya Drei kay Ate Andi.

Napalingon agad siya ng marinig yung asar ko at pinisil yung pisngi ko.

" 'Wag kang maingay. " Natatawa niyang sabi.

" Crush mo si Ate noh!! " Pangaasar ko ulit dahilan para mamula siya. OMG! Totoo nga!

" Hala! Totoo nga.."

" Ang ganda kasi ng pinsan mo. Type ko siya. "

OMG!! Type niya daw! Keyboard! Keyboard! Deh joke.

" WOW! Binata ka na Kuya Drei! OMG I'm so proud of you! " Biro ko sa kaniya at pinaghahampas siya sa tawa. Natigil ako sa paghampas at pagtawa ng magsalita siya.

" Oo nga pala Yu. "

Mukhang magkakatopic na kami.

" Mahal mo ba si Rey? "

Natigilan ako sa sinabi niya. Napayuko na lang ako. Mahal ko nga ba si Rey?

" Mahal ko siya at ganun din siya saakin, kaya nga kami naging mag Bf at Gf eh. " Sagot sa kaniya pero hindi ko talaga alam kung mahal ko siya. Basta alam ko gusto ko siya.

" Buwan nadin ang nakalipas ng maging kayo. Pero hindi ko pa siya nakita na maging sweet sayo. "

" Anong ibig mong sabihin Kuya Drei?! "

" Let me clear it to you, hindi ka mahal ni Rey. Ginagamit ka lang niya, kasi kung mahal ka niya gagawin niya ang lahat para sayo..."

".. You see, hindi ka manlang niya binisita nung hindi na-ospital ka, kasama namin siya nun, una niyaya namin siya na bisitahin ka, pero sabi niya ayos ka lang naman daw, wag na daw kami mag-alala. May boyfriend bang ganun?! .. "

Sa mga sinabi niya parang nasasaktan ako.

" Nakita mo na bang nag-selos siya kapag may lalaking umaaligid sayo?! Diba hindi! "

Tahimik lang ako. Totoo naman kase eh. Parang ako na lang ang may gusto sa relasyon namin. Parang ako lang yung lumalaban..

" ..And, hindi ko manlang siya nakita na hinalikan ka sa forehead, at hindi ko rin kayo nakitang nagkiss lips to lips. Hindi ka manlang niya hinahatid sundo sa bahay niyo, hindi ko rin kayo nakikitang magkaholding hands..Kaya Yu, sinasabi ko sayo, break up with him. Wala kang mapapala kay Rey, hindi ka niya mahal ni hindi ka nga niya niyayakap eh. Pinaglalaruan ka lang niya. "

Hindi ko ba alam kung totoo tong mga sinabi ni Kuya Drei pero nasasaktan ako, sa mga sinabi niya tama 'yun lahat! Hindi manlang naging sweet si Rey saakin, paminsan minsan lang.

" Kung hindi niya ako mahal, pwes gagawa ako ng paraan para mahalin niya din ako. Di ko kayang balewalain na lang ang nararamdaman ko para sa kaniya noh! "

Maawtoridad kong sabi kay Kuya Drei. Kahit Di ako sure kung mahal ko si Rey. I can't define whats the difference between Love and Like. All I know... Pareho sila.

" Dahil siya ang First love k-"

" Mahal kita Yu. "

" The feeling is mutual.. "

That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon