Je 9 Jang ♥ : Harana nga ba?

110 6 0
                                    

YUNA

Friday!! Friday mga pre! Bukas wala ng pasok! Why?! Aalis kase sina Mom and Dad papuntang Korea and na pag-meetingan na wala munang pasok.

1 week lang naman.

Pero ayos na din yun.

Pagkatapos ng klase namin, nagpunta kami dito sa P.R, Tulad ng sabi ko sa inyo, dakilang tambay kami dito. Madami ngang nai-inggit sa'min kasi nakaka-bonding namin ang mga Prinsipe, samantalang sila, hanggang tingin na lang.

Poor Them.

Nandito ako naka-upo sofa, naglalaro lang ng Nintendo.

Kausap ko si Rey. Pinapagalitan ko lang naman siya, tapos siya parang wala lang.

Nako! 'Pag ako na ubusan ng pasensya! Magbre-break kami!

" Yu, gusto mong kumain? " Tanong sakin ni Rey, umiling lang ako.

Kunyari pang concern. Banatan ko 'to!

Pinagmasdan ko ang mga ginagawa ng bawat isa.

" Gosh! Lumayo ka nga sakin Hohenzollern at baka hindi kita matantsa! " Sigaw ni Yuki kay Ky kase dinaig pa ang naka mighty bond sa sobrang dikit niya kay Yuki.

" Kala ko ba nagkasundo na tayo, Yuki!? " Parang batang reklamo ni Ky.

Naalala ko na naman yung nangyari sa rooftop, ikwinento na samin ni Yuki yung about d'on. Syempre secret lang namin na narinig namin yung deal nila ni Ky. AHAHAHAHA.

Napatingin naman ako sa dako nina Kuya Calv at Kuya Drei. Naglalaro ata sila ng Two player app game sa phone nila, gawa ng murahan sila ng murahan.

" AHAHAHA! BOBO mo DRE! " Sigaw ni Kuya Calv.

" Madaya ka kase! Cheater! " Banat naman ni Kuya Drei.

See?

Lumingon naman ako kay Ate Ren na mukhang busy sa mga hawak niyang papers. Ewan ko ba pero mukhang laging busy si Ate. Tapos etong mga kaklase niya, chill chill lang ang peg.

" Umalis ka nga! Paharang harang yung ilong mo! " Sigaw naman ni Yurri, napatingin ako sa kanila ni Steph. Grabe sila mag-asaran.

Alam niyo yun?

" Makapang-lait ka sa ilong ko, musta naman noo mo!? " Ganti ni Steph.

" Aish! Putangina mo bente! " Sigaw ni Yurri at tinulak si Steph para makadaan. Napakamot na lang ako sa ulo.

Hinanap naman ng mata ko si Ian, kase hindi ko pa siya nakikita. Hanggang sa matagpuan ko siya sa kusina. Gumagawa ata ng makakain namin. WOW namin?! AHAHAHA.

Nakita ko si Francis na pasulyap sulyap na tumitingin kay Ian sa loob ng kusina, for sure gusto niyang tulungan si Ian don sa kusina kaso hindi siya makalapit kasi nahihiya siya.

Alam namin ni Ate ang sikreto niya. You see, may gusto kasi si Francis kay Ian, simula nung Elem pa lang kami ni Ian.

Eh si Ian may gusto din kay Francis so parehas sila ng nararamdaman. Matagal ng gusto magtapat ni Francis kay Ian kaso nga lang laging pumapalpak, basta ikwe-kwento ko na lang sa inyo sa takdang panahon.

" Hoy Panget! Puntahan ko lang si Franc. May problema ata. " Pagpapaalam ko kay Rey.

"K." Sagot niya lang.

Inirapan ko lang siya. PMS palagi.

Pinuntahan ko na lang si Franc at tinabihan siya.

" Di ka mapakali diyan ah? Kung tulungan mo kaya. " Bulong ko kay Francis.

That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon