Je 25 Jang ♥ : Christmas

77 6 0
                                    

Yuna

             Kaboom kaboom! Ang lamiiig!! Syet! December na ngayon, bilis ng araw noh? Syempre! Ilang araw akong naghanap ng Clue at tsumempong makapasok sa kwarto ni Ate Ren pero hindi. Hirap maging Detective. Ganto pala ang feeling noh? Pahirapan makakuha ng clue. Eto naman si Oppa hindi ko na mahanap, laging cannot be reached ang phone o busy. Sa kaniya pa naman ako nahingi ng Hints.

Kung tatanungin niyo yung mga nakaraang araw, wala namang special na nangyari, normal days lang. Nagfieldtrip, Christmas day at ngayon ay 23! Wala kaming pasok!! Wooohoo! Mamayang gabi magaganap ang christmas party naming magbabarkada! Sa School siya gaganapin hehehe.

Kasama ko si Hal, Kuya Myeongji at Ate Ren ngayon na mamili ng panregalo. Bilis ng panahon noh. Nagbirthday na ung tatlo kong bff XD

" Nandito na tayo. " Sambit ni Ate Ren at lumabas naman 'yung driver namin para pagbuksan siya at kami. Paglabas ng kotse ramdam na ramdam ko ang simoy ng malamig na hangin! Buti nagjacket ako.

Feeling ko nangyari na 'to. 'Yung sama sama kami na bumili ng regalo? Ewan ko lang? Pero Kame? Kami nina Hal at Kuya Myeongji? Sama sama. Oh come on. Pero malay mo diba.. 

Tandaan mo Yuna, yung past! Remember any details~

Pumasok na kami sa mall at pumasok sa Department Store at kung ano ano pang store. Pagkatapos mamili ng kung ano ano ay napag-isipan naming maglunch. Nag-KFC na lang kami dahil parang naglilihi ako dun hahahaha. Tinanong nila ako kung san ko gusto eh.

Alam niyo ba 'yung feeling na nanliliit ako sa kanila? Sakit sa hart.

" Ma'am ano pong order niyo? " Tanong nung cashier girl saamin.

" Isang Chicken Ala King, Isang Kung Pao Chicken tapos dalwang Fully Loaded Meal. " Sagot naman ni Ate sa Tanong nung babae. Ang takaw talga ni Ate at ni Kuya Myeong.

Wait? Anong sabi ko? Matakaw si Myeong...

" Meron pa ba pong idadagdag? " Tanong ulit ng babae.

" Dalwang Bucket Fries at dalwang Chocolate Mousse Spoonfuls. " Nakangiting sabi ni Ate.

" 660 pesos po lahat. " Sabi ni Ateng Cashier. Kami naman ni Hal naghanap ng pwedeng mauupuan dahil madaming customer ng KFC ngayon.

" Ate tapos na po ba kayong kumain? " Tanong ni Hal ng may makita kaming dalwang babae na mukhang tapos na at nagchichikahan nalang. Napabaling naman ang tingin nila saamin.

" Ahh Oo. " Sabay na sabi nila, nakita ko naman ang mga mukha nilang namula. Buti na lang at tapos na sila.

Tumayo na 'yung dalwang babae at umupo naman ako. Ipinatong naman ni Hal sa tabi ko 'yung mga pinamili namin.

" You're Hal po diba?! Yung sikat na korean singer? " Tanong nung babae. Akala ko ba nakaalis na sila?!

" Ah Hal, pede mahingi number mo? " Tanong nung babae. Bigla naman ako nakaramdam ng inis. WAAAAAAAA! Finiflirt niya si Hal!

" Ah Babe, tabi na lang tayo. " Nakangiti kong sabi na napabaling ang tingin nila sa'kin. WAAA! Gumana sana.

Wala na akong maisip para mapaalis 'yung mga babae.

" Ay Sorry kala ko kapatid ka niya eh. " Sabi nung babae at nagtaray.

" So ganun kapag maliit kapatid agad? " Sagot ko sa sinabi niya at nagtaray din, ano kala niya saakin hindi marunong magtaray. Tinuruan ata ako ni Yurri kung paano yun.

" Ah Yu-" Di na natapos ung sasabihin ni Hal dahil sinamaan ko siya ng tingin kung baga binigyan ko siya ng Makisakay-ka-na-lang look.

" Ah sorry mga miss pero di ko kabisado 'yung number ko. " Pagpapalusot ni Hal, bigla namang nagwok awt ung dalwang. Buti na lang at umalis na 'yung dalawa. Phew ang lalandi pa naman nun!

That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon