IAN
Nag-aalanganin akong sabihin kay Yu 'yung totoo pero kase...Sinabi nadin naman ni Kuya Drei, kaya sinabi ko na.
Mabuti ng alam niya kesa hindi. Totoo naman kase yung nakita ko. Kitang kita yun ng dalawang kong mata.
FLASHBACK
" Ian, pwede bang tulungan mo ako sa pag-tapon sa mga basurang ito? " Sabi ng Janitor sakin. Syempre dahil mabait ako, tinulungan ko siya.
Sinundan ko lang siya kung saan siya magtatapon. Habang sinusundan ko siya may narinig akong boses.
" Please naman Eli, bumalik ka na sakin! Hindi ko kayang mawala ka! " Nakaluhod yung lalake sa harap ni Justine. Parang kilala ko nga eh...
Wait! Si Rey! Don't tell me!
" Sinabi ko na saiyo Rey, hindi kita mahal!! Kaya please lang, lubayan mo na ako! " Sigaw ni Justine. Pero parang may kakaiba...
Umalis na ako, dahil baka mapansin pa ako ni Justine dahil sa nakaharap siya sa part ng dinadaanan ko. Tapos si Rey nakatalikod.
Pero...Yung sinabi ni Rey.. Sarap niyang sapakin, alam niyo yun! Hindi niya daw kayang mabuhay ng wala na si Justine. Loko lang eh noh?
Ilang taon na siyang nabubuhay sa mundo bago niya pa nakilala si Justine kaya 'wag niya naman sana idahilan na hindi niya kayang mabuhay ng wala siya.
Parang sinasabi niyang hawak ni Justine ang buhay niya. Na kapag nawala ito ay mamamatay siya, ganun?
END OF FLASHBACK.
Ikwinento ko na din sa kanila kaya naman alam na nila. Nandito parin kami sa kwarto namin kasama nga lang si Kuya Drei.
Tumayo ako at pumunta sa bintana para tignan ang dagat ng mahagip ng mata ko si Yu. Nakatingin siya kay Rey.
Si Rey naman nakatingin sa Dagat.... Parang may nasesense akong hindi maganda.
YUNA
" I give up, MAHAL KO na si Yu eh. "
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, totoo ba ang sinabi niya? Kung totoo 'yun, gusto ko na magdiwang sa sobrang saya. Pero may parte saakin na gusto ko siyang sapakin at hindi maniwala.
" Parang baliwala lang kay Elijah eh.. *Sigh* "
Gustong gusto ko ng yakapin si Rey ng bongga, kaso baka malaman niya na nandito ako sa likod niya, papakinggan ko muna ang mga sasabihin niya.
Nagstay muna ako sa kinaroroonan ko, di matanggal sa labi ko ang ngiti. Pero paano yung advice nina Kuya? Mababaliwala lang? .....
Hayain na, ang importante mahal ako ni Rey ^^ Present is more important than the past. Okay!
" Haaay... " Isang malalim na buntong hininga ang inilabas niya. Hanggang sa 15 na buntong hinga nya na, Aba'y ano bang gagawin ni Rey ha? Buntong hininga na lang palagi. Nakakainip kaya maghintay.
Dahil sa nainip na ako nagsalita na ako.
" Rey.. " Tawag ko sa pangalan niya, napalingon naman siya agad agad, nakita kong may nabuong malapad na ngiti sa kaniyang labi.
Napangiti na lang rin ako. Pinaupo niya ako sa tabi niya at ginawa ko naman 'yun sabay niyakap niya ako ng mahigpit!
" Ayos na ba ang pakiramdam mo? " Tanong niya, um-oo naman ako.
Itatago ko ba sa kaniya na narinig ko 'yung sinabi niya o sasabihin ko? Wag na lang siguro.
Mga ilang oras din kaming nakaupo sa buhangin at pinagmamasdan ang maingay na karagatan.
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomanceCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...