YUNA
" Transfer din siya. " Dagdag pa ni Franc.
Edi kaya pala walang sinasagot si Ate na mga manliligaw niya dahil may Fiance siya?! Akala ko dati, hindi niya lang trip.
Habang nag-iisip ako sa mga nangyayari may nagbukas ng pinto, hala! Sina Hal at 'yung Bestfriend ko pati na din si Rey at Ky.
Na-upo si Ky, ipinatong naman ni Rey 'yung mga Junk foods sa table, at umupo din sa tabi ko. Lahat sila nagsi-upo ng maayos, except sa tatlo.
Sina Ate Arren, si Hal, at 'yung Myeong.
" Ok, Etong dalwang gwapitong katabi ko ay ang former Prince! " Maligayang sabi ni Ate. Former?! Edi dati pa sila kabilang?!
" PRINCE?! Di nga! " Sigaw ko.
" Shhh! Sasampalin kita!" Saway sakin ni Ate Ren, nanahimik naman ako, ayoko nga makatikim ng sampal mula sa kaniya, malutong 'yan manampal noh! Masakit 'yun!
" Siguro naman kilala niyo na ang isang 'to. " Sabi ni Ate sabay turo kay Hal. Sino ba namang hindi makakakilala sa sikat na yan. Famous! Famous! Napatingin naman ako kay Franc, you know na IDOL niya yan kaya kitang kita ko naman ang kumikinang niyang mga mata.
" Park Hye-Jun, Call me HAL. " Pagpapakilala ni Hal. Nasanay na siguro siya sa stage name niya.
" And this guy besides Hal is-"
" Ows! Sabi na kilala kita eh, ikaw yung top model sa Korea, right? " Napatango naman si Myeong, so he's a Top Model in Korea.
Pano naman nalaman nitong si Kuya Calvin.
"I'm Park Myeong-Ji, call me Myeong for short. I'm Hal's Kuya. " Nakangiti nitong pagpapakilala, napatango na lang kami.
Bigatin pala Fiance namin ni Ate.. Pero paano na kami ni Rey kung may hadlang na sa love life namin... I mean kung may Fiance ako.
" Malapit na Birthday mo Yuna ah! Anong balak mo? " Tanong ni Yuki, oo nga noh malapit na Birthday ko, bakit nga ba nakalimutan ko 'yon? Madalas hindi ko 'yun nakakalimutan kasi 'yun 'yung araw na bida ako! Hehe bida ang saya~
" Oo nga noh, teka! Sabi ko 'wag mong i-announce eh! " Ayoko kasing may nakakaalam ng kaarawan ko, lalo na sa Classroom, ang awkward kaya kapag kinantahan ka ng Happy Birthday -_- di mo 'lam kung anong gagawin mo.
Ang Parents, Ate Ren, Bestfriends ko ang nakakaalam ng Kaarawan ko. Grabe talaga 'tong si Yuki kulang na lang i-broadcast sa mga tao na kaarawan ko eh noh.
" So anong balak mo? " Tanong ni Ky.
Ano nga bang gagawin ko? Madalas na sa bahay lang ako, o kaya naman ina-akit ako nina Yurri na mag-shopping tapos sa gabi magdidinner kami ng parents ko.
Kadalasan nag e-enjoy ako sa loob ng kwarto ko.Wala lang, nagmomovie marathon lang hahaha.
Nagkibit balikat lang ako.
" Grabe ka naman Yu, di mo lam? " Eh sa hindi ko alam ang gagawin ko eh? Suntukin ko 'tong si Kuya Drei eh!
" Ok, gawin nating isang linggo ang Birthday ni Yu o mas mahaba pa don! " Napanganga naman ako sa sinabi ni Kuya Myeong, WOW! Isang linggo, nagningning naman ang mga mata ko! Kaso kung maka Yu naman 'to, close kami? Well siguro pwede nadin. Tutal soon-to-be-husband naman 'to ni Ate.
" Isa isa kayong gagawa ng suprise para sa birthday niya. Sino gusto mauna bukas? " Sabi ni Ate, 'etong dalwa napapansin ko, bagay sila. Kasi si Kuya Myeong katulad na katulad ni Ate Ren.
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomanceCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...