Je 4 Jang ♥ : Alien Language

190 7 3
                                    


YUKI

" Samahan niyo nga ako sa mall. " Yaya ni Yu sa'min. Nagtaka naman ako kung bakit nagyayaya siya sa mall, usually kase si Yurri nagyayaya samin para bumili ng damit.

Ano kayang nakain nitong si Yu.

" Anong gagawin mo don bhe? " Tanong naman ni Yurri.

" May bibilhin lang ako. " Nakangiting sabi ni Yu. Ngumiti din ako.

" Pwedeng sumama. " Sulpot ni Kumag. Nawala ngiti ko pwe!

" Sige Sige! "

" HINDI PWEDE. " Matigas kong sabi! Aba araw araw ko na nga yang nakakasama, nakakasawa na makita mukha niya 'no!

" KJ mo. " Nakangiti namang sabi ni Kumag. You know na kung sino si kumag. The one and Only Perverted Alien, Hohenzollern.

" Onga naman Yuki! Wag ganun. " Pout ni Yu. Ayan na nagpout na siya, ang hirap tanggihin siya kapag nagpout siya.

" Geh geh na nga. " Nakasimangot kong sabi tsaka umirap kay Hohenzollern na nakangiti sa'kin. Kadirdir yung ngiti eh, sarap hambalusan ng upuan.

" But one thing, utang na loob Hohenzollern wag kang ngumiti. Mapapatay kita. " Irap ko ulit at aba ang loko ngumiti lalo. Nahampas ko nga ng libro kong hawak. Di ko masikmura mukha niya eh.

" Napapansin ko, si Rey na hindi manlang nagpaparamdam sayo Yu." Pago-open ng Conversation ni Ian. Lumungkot naman si Yu pero mabilis lang dahil ngumiti agad siya. Ayaw niya talaga ipakita sa'min na malungkot siya kahit halata na sa mga ngiti niya.

" I think he's busy. " Ngiti niya at nauna ng lumabas sa classroom, sumunod naman kami.

Ginamit namin yung sasakyan ni Hohenzollern na Mercedes Benz. Kulay Puti.

Nakarating kami sa Mall ng ligtas, good thing. Malay mo lang kase na sadyain niyang ibunggo yung sasakyan niya. Mahirap na.. Isang Alien kasama namin sa mall.

Pagpasok namin sa Mall, sinundan lang namin si Yu kung saan siya pupunta.

At ang gaga dumeretso sa isang bilihan ng CD.

Hinayaan lang namin siya na tumingin, ano kayang nakain nitong si Yu at bumabalak na bumili ng Album.

Pagkatapos ko maningin ng Albums, pinuntahan ko si Yu na hindi umaalis sa kaniyang pwesto, may hawak siyang dalawang album at feeling ko pinagpipilian niya yun.

" Ano nakapili ka na? "

" Yuki, sa tingin mo anong mas maganda sa dalawang 'to? " Tanong niya sakin. Tinignan ko naman yung album. Simple design lang yung meron pero makukuha mo yung attention.

" Bilhin mo kaya pareho ano? "

"Ayy oo nga noh. " Sabi nito at tumawa, umalis na siya at pumunta na sa cashier. Weird din 'tong isang 'to eh. Pero walang titibag sa kaweirdohan nung Alien.

" Ano kaya 'to? " Kinuha ko yung isang example album at pinakinggan yung kanta. Yung pinagpipilian ni Yu.

Korean pala, teka nga! Bakit parang familiar yung boses nung kumakanta. Hinanap ko yung pangalan ng singer and .....

" HAL...." Nagulat ako, eto din kasi yung idol ni Kuya Yucee. Yung naririnig ko sa kaniya. Sabi niya kilala ko daw yung lalaki. Pero nakakalimutan ko naman isearch kung sino 'tong si HAL?

Kinuha ko yung phone ko at sinulat sa Memo ko yung pangalan para masearch ko mamaya kung sino.

Pagkatapos bumili ni Yu, trineat niya kami kumain sa Sumo San, dinner na daw namin.

That's Her ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon