YUNA
" GAGO KA! ANONG KARAPATAN MONG HALIKAN ANG GIRLFRIEND KO!! " Si Rey! Pinuntahan ko naman si Hal at tinanong kung ayos lang ba siya.
Ayos lang naman siya.
" REY! Ba't mo ginawa yon! " Sigaw ko pabalik kay Rey naikinagulat naman niya.
" At kinakampihan mo pa siya Yu! "
" Hindi ko siya kinakampihan Rey! Ikaw ang mali ang iniisip! Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Kuya Myeongji? Na may Supri-" Hindi ko na natapos 'yung gusto kong sabihin ng biglang sumabat si Kuya Myeong.
Ang galing lang niya promise! Basag trip eh noh.
" Gusto mo bang malaman ang totoo? " Nakangising tanong ni Kuya Myeong.
Anong balak niyang sabihin? Sabihin kay Rey na Fiance ko si Hal ? Hindi Pwede!!
" Anong ibig mong sabihin?! " Sigaw ni Rey. Halata na sa kaniya na naiinis siya.
Tinulungan ko namang tumayo si Hal at ipinahiram ko sa kaniya 'yung panyo ko, may dugo kasi 'yung bibig niya eh.
" Simple lang, Si Hal ang F- "
" WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE! " Nagulat naman kaming lahat sa sumigaw, sino pa nga ba? Edi ang Ate Ren ko.
" Basag trip ka Ren noh, sasabihin ko na eh! " Inis na sambit ni Myeong habang kinakamot 'yung batok niya. May garapata ata.
" At anong sasabihin mo Mr. Park?!"
" Wala, wala."
" Psh. Rey go to the Principal's Office NOW! " Sigaw ni Ate.
" Why! "
" Si Hal kaya ang naka-Schedule ngayon! Tanga ka ba! Hindi mo na ba naalala ha 'yung mga Birthday Suprise! Inuuna mo kase 'yang pagkaselos mo, pagkagalit mo at Hinala mo! " Pagsesermon ni Ate kay Rey, 'Yan kasi. Mukha namang natamaan si Rey at sumunod na lang kay Ate.
Totoo ba? Nagseselos si Rey?
"Haay. Yu, hatid mo si Hyejun sa Clinic. " Utos ni Ate. Pero bago ang lahat may isa pa siyang sinabi.
" Nice one Hyejun! Da best ang Suprise! Hanga ako sa galing mo. " Masayang sabi ni Ate. Napangiti na lang ako at si Hal naman tumawa lang.
Inihatid ko na siya sa Clinic at 'yung mga Prinsipe pumunta na sa P.R tapos 'yung mga Audience namin kanina nagsialisan na at nagkaniya kaniya na.
" Salamat. " Sambit ni Hal ng paupuin ko siya sa may kama.
" Ano ka ba, ayos lang 'yun. " Sabi ko at pinalo ko pa siya ha.
" Asan ba 'yung Nurse! Ano ba naman 'yan. " Wala kasi 'yung Nurse eh.
Ako tuloy 'yung manggamot kay Hal, kung kailan kaylangan kong hanapin ang nagseselos kong boyfriend hehehe.
Hinanap ko na 'yung First Aid kit at pinuntahan si Hal na nakaupo sa kama. Kumuha naman ako ng upuan at humarap sa kaniya saka binuksan 'yung First aid Kit.
Sinimulan ko ng gamutin 'yung mukha ni Hal, ang lutong pa naman ng pagakasuntok ni Rey sa kaniya, talagang talsik si Hal.
Habang ginagamot si Hal, may namumuong tahimik sa buong clinic. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh, dinig na dinig ko pa naman 'yung kabog ng dibdib ko, tapos pinagpapawisan pa ako at di mapakali. Masyado kasing HOT si Hal kapag nilapitan mo siya. 'Yung mapupula niyang labi, makinis niyang kutis at.. Aish! Kinakabahan ako! Tapos dagdagan mo pang nakatitig siya... Huhuhu ano bang kasalanan ko LORD at bakit mo ito ginagawa saakin!
" Bakit hindi mo hanapin si Rey? " Biglaang tanong ni Hal.
Napa-speechless naman ako dun. Ano bang sasabihin ko? Na unahin ko muna si Hal kase may sugat siya? Ano ba! Ano bang dapat kong sabihin.
" Di mo naman kailangan sagutin ang tanong ko kung ayaw mo. " Napakagat naman ako sa labi naman ako sa sinabi niya, eh sa wala akong maisip kung anong isasagot ko sa tanong niya eh. Pinagpatuloy ko na lang 'yung ginagawa ko sa sugat niya.
ARREN
" At anong balak mong sabihin kay Rey kanina Munggo? " Tanong ko sa kaniya, andito kami sa P.R at kasalukuyang may mga ginagawa na Projects ang mga prinsipe.
" Ah, eh.. Sasabihin ko sana na Fiance. " Bulong ni Mongji, pinalo ko naman siya. Minsan tanga din 'tong lalaking 'to eh.
" Sira ka ba! Gusto mo bang mapahamak si Yu? " Sermon ko kay Munggo.
" Alam ko naman eh. " Alam niya naman pala eh!
" Kailan nga 'yung Fieldtrip? " Tanong niya sakin, oo nga noh? Kailan nga ba 'yung Fieldtrip.
" Atat ka? Magisip ka muna kung anong suprise mo bukas kay Yu. " Sagot ko sa kaniya, bukas na kasi siya eh.
Siya na 'yung last tapos balik na ulit sa dati.
Yuki
WAAA! Napanood ko! Napanood ko 'yung suprise ni Hyejun kay Yu, syempre nandoon ako at nanonood, napanood ko lahat!
Simula sa pagkanta ni Hyejun hanggangs a pagkiss at ang pagsuntok ni Rey! This is what we call Jealous! Yiiiiee, kinikilig ako! Kaninong loveteam ba ako?
HalYu o ReYu? Syempre sa HalYu (Hye-Jun and Yuna). Dun naman talaga ako eh
Kasama ko si Hohenzollern ngayon at naglalakad kami sa Corridor papuntang P.R. Ewan ko nga kung pano ko 'to nakasama.
Kinikilig talaga ako, ewan ko kung bakit hihiihi. Siguro dahil sa masaya ako sa nakikita ko sa nangyayari sa dalwa kong Bestfriend.
Sana talaga maalala na ni Yu si Hyejun para worth it naman ang mga efforts na gagawin ni Hyejun.
Papunta na sana kami ni Hohenzollern sa Prince room ng may biglang tumawag sa likuran ko. Kilala ko ang boses na 'yun, unti unting namula 'yung pisngi ko. Di ko lam kung bakit.
Lumingon ako para tignan kung sigurado nga ba ako na siya 'yon at TUMPAK! Siya nga! Si Igneous. Matapang akong humarap sa kaniya. kyaaaa Ba't ang hot ng gangster na 'to!!
" B-Bakit. " Huhu Bakit ba ako kinakabahan, siguro naman sanay na siya sa ganung reaction kasi gangster siya.
Si Igneous Domingo yung crush ko, sheeet Ghad, ang pogii niya. Bad Boy ang datiing <3 <3
" Ah Bro! Pahiram muna si Yuki ha. " Paalam niya, napatingin naman ako kay Hohenzollern, subukan niyang umepal! Tatampalin ko pagmumukha niya.
Binigyan ko siya ng Subukan-mo-look.
Umiwas siya ng tingin saakin at tumango na lang. Dali-dali naman akong hinila ni Igneous papalayo kay Alien. Medyo na iilang man ako pumayag narin ako na hilahin siya. First time ko kaya makakausap si Crush.
KYLE
Tumingin si Yuki saakin na para bang sinasabing Subukan-Mo. Pinayagan ko na lang, kahit nakakaselos. Crush niya yun eh. Tsaka wala naman akong karapatan na ipagdamot siya dahil sa una hindi naman niya ako tatay para pagbawalan siya at hindi niya ako boyfriend.
Pinagmasdan ko sila papalayo saakin hanggang sa hindi ko na natanaw pa sila.
" Kailan ka ba magiging akin? "
#ThatsHer
=====================WHATEVER HER=============
Kelan magiging iyo Kyle? Sa Takdang panahon! Hyuhyu. Ayaw ba naman gumawa ng move. Puro kaelyenan ang alam. HAHAHAHA Ayen na si Igneous~ Naalala niyo ba siya? Alalahanin niyo! Lumabas na cia sa isang chapter. ^^
140628
BINABASA MO ANG
That's Her ♥
RomanceCover by: @WATTADDICT18 Summary: Siya si Yuna Song o mas kilala bilang Yu, mayaman, talented at may Fiance. Laki sa mabuting pamilya at may iisang bff. Nasa kaniya na ang lahat ng biglang iwan siya ng Fiance at umuwi sa isang trahedya. Nakalimutan...