Chapter 15: The plan continues

11.3K 173 7
                                    

Kate's POV

"Yes, Kate. So far, everything's going just fine here." Nate said on the other line. He's currently on the site now. Obviously, he is supervising. Tinawagan ko nalang siya para naman makamusta ko siya doon. Medyo marami din kasi itong files na inaasikaso ko kaya wala akong time para makapunta doon sa site.

"Okay. I'm really sorry Nate. I'm kinda busy here sa office kaya I can't make it there." Paghingi ko ng paumanhin. It's been a while since I visited the site. Lately kasi ay mas hands on ako ngayon sa details and documents sa preparation ng isang campaign ng company. Although kasi next month pa ang tentative schedule, inaayos ko na ang mga papeles para mas mapaganda ng organizers kung earlier maaapprove ang papers.

"Ano ka ba. It's really okay, Kate. Alam ko naman na bigtime ka eh. Haha." He said jokingly.

"Yaah! Hindi naman sa ganon." I answered him. Narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Hindi nga kasi. Okay lang talaga. Also, Kian is already on his way." he said trying to reassure me na okay lang.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay okay. Thank you, Nate. Say 'Hi' nalang to Kian for me ha. Okay, I should hang this call up na. May tatapusin lang ako." Sabi ko sa kanya. Gusto ko na kasing tapusin itong isang folder na inopen ko kanina. Magla lunch na din kasi kaya tatapusin ko nalang muna ito before having lunch.

"Oh sure, basta ikaw. Take care." He answered me.

"Yes, I will. Ikaw din ha, take care. Call me kung may kailangang ayusin diyan." Sabi ko.

"Hmm." He answered at ibinaba ko na ang call.

After kong ibaba ang tawag ay inilagay ko lang sa table ko ang phone ko. And then I started scanning the folder. Siguro ay nasa mga 25 - 30 pages itong folder na ito.

After about 30 minutes ay nasa page 8 palang ako. Sa page na ito naka include ang list of possible names ng head and members ng committee ng event na iheheld. Isinubmit ito ng isang branch ng company nan aka locate dito sa Philippines. Kumbaga kasi proposal ito. May ipapasang proposal ang bawat branch ng company na nandito sa Pilipinas and from those proposals, pipili ng iaapprove na event na iheheld. Itong binabasa ko kasi ngayon is parang Fun Run ang iheheld na event according sa proposal nila.

*Knock. Knock.*

"Come in." sabi ko doon sa kumatok.

"Miss Kate, someone is looking for you po." Sabi agad ni Janna as soon as she entered my office.


Napatingin ako sa kanya. Hala. Ba't namumula 'to?

"Wait, are you okay? Namumula ka. Mag half day ka nalang kaya?" I told her.

Ibinaba ko naman ang folder na hawak ko and I get my phone. Tatawag sana ako sa baba na magpapakuha nalang ako ng temporary secretary.

"Ay naku naku! Hindi po Miss." Agad na pigil sa akin ni Janna at lumapit pa sa mesa ko.


"Ano po kasi. Ang.. ang gwa..gwapo po ng. ng naghahanap sa inyo." Nauutal na sabi niya at napayuko.

Napangiti nalang ako sa kanya. But wait, sino kaya ang naghahanap sa akin.


"Really?" I asked her.

Mabilis na mga pagtango ang itinugon niya.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon