Kenneth's POV
"Mr. Yoo, the meeting is about to start." pagreremind sa akin ni Daniel about sa meeting ko.
Andito kasi ako ngayon sa office ko. Dito ako dumiretso pagkahatid ko kay Kate sa building nila. Kung bakit kasi napakalaki ng corporation na 'to kaya magkaiba kami ng building eh. Tss.
Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ng financial analysis report na nasa table ko. Lately kasi, we are busy because of the partnership we have with DaeHan International.
I want the papers and everything else to be settled the earliest time possible kasi I want to help Kate for their upcoming merging with the MGC.
After kong matapos ang isang folder, I immediately headed to the first floor. Actually, may kaliitan kasi ang conference hall doon and hindi pa sound proof kasi hindi naman masyadong ginagamit. Kaya lang, sunud - sunod kasi ang meeting ko kaya lahat ng conference hall ang magagamit kasi nireready na ang iba. Since sa first floor ang nasa pinakababa, doon ang first meeting ko. Then sa second floor, third, and so on.
Hanggang sa maya - maya ay nakarating na ako sa hall through the private elevator. And agad kaming nagsimula since medyo hectic nga ang schedule namin.
Kate's POV
"Are you sure, Miss Kate?" Janna asked me while sitting in front of me.
Nakangiti naman akong tumango and said, "Yes."
Gulat niya akong nilingon. O.A. man pero, nanlalaki nga ang mga mata niya kaya napangiti nalang ako.
"As in, sure na sure?" tanong niya ulit. Halata namang gulat talaga siya.
Sunud - sunod na pagtango lang ang itinugon ko sa kaniya.
"Woah~" Di makapaniwalang sabi niya habang hawak - hawak ang noo niya.
And why is she acting like that? Simply because I told her to cancel my meetings and appointments for today. Since na move ang merging due to the International Convention, might as well help Kenneth first since they are currently working for the partnership.
"So, are we clear?" I asked her while fixing my things.
Tumango siya bilang sagot.
"Okay, I'll be going na. Call me if ever there's a problem." bilin ko sa kaniya. Tumango siya and said, "Yes, Miss."
I headed downstairs. Hindi na ako nag private elevator. Feeling ko kasi, pag 'yun ang ginagamit ko, nalalayo ako sa employees ko kaya minsan lang ako gumagamit ng private elevator.
Every employee na makasalubong ko, binabati ako. Nginingitian ko lang sila at tinatanguan.
And nag - abang na ako ng taxi. Hinatid lang kasi ako ni Kenneth. Hassle naman sa driver namin kung ipapahatid ko pa ang kotse ko. And baka gamitin ng mga employees ang company car. Ako nalang din ang nag - abang dahil hassle naman na masyado sa part nila Janna kung sila pa ang mag - aabang dito sa baba tapos babalik pa sila sa taas. Kaya ko naman eh, so ako nalang.
BINABASA MO ANG
A Wife's Suffer
RomanceYou see that girl? She seems perfect, right? Beautiful, Gorgeous, Rich, Famous, Smart, Fashionable, Caring, Loyal, Has a Drop Dead Gorgeous Husband.... Dying inside. Hurt. And tired. Tired of all the drama. Tired of all the pain. Tired of not being...