Another Best Friend Story

246 8 3
                                    

Hindi parin ako tinitigilan hanggang ngayon ng ex kong si Sam ewan ko ba pareho naman na kaming sawa sa isat isa kaya di ko alam kung bakit kinukulit padin niya ko sa pakikipag balikan sakanya.

Sabi sakin ng kaibigan kong si Toru Mendez baka daw dead na dead sakin kaya kahit hindi manlang kami umabot ng buwan ganun nalang siya maghabol. Hindi ako naniwala dahil sa itsura niyang yun? Hindi yung tipo niya ang madedead ng bongga sa babae. Chick magnet yun eh. Isa ako sa chick na magnet niya pero ang di niya alam habulin din ako ng lalake. Nagiging problema ko na yun minsan eh.

Buti nalang nandyan ang bestfriend kong si Daniel Jimenez para tulungan akong palayuin ang mga mokong na yun. Pinagpapangap ko siya laging boyfriend ko para tigilan nila ko effective naman magaling din kasi kaming umarteng dalawa eh. Never ko siyang pinapakilala sa mga nagiging boyfriends ko para if ever na ganito ang mangyari ang hindi sila tumigil kakasunod sakin o di makipaghiwalay, matutulungan niya ko.

Ngayon sana ang best day na kailangan ko ang tulong niya para mapalayo si Sam. Kaya lang paano? Wala siya nasa bakasyon. Tssss! Ang dami kasing alam eh. Pabakasyon bakasyon pa di manlang ako sinama.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Daniel. Kailangan ko na kasi talaga ng tulong niya eh. Malakas ako sakanya kaya alam kong uuwi agad yun pagkailangan ko. Sana nga!

*** SOS *** i texted. Yan ang lagi kong tinitext sakanya pag super uber duper kailangan ko na ng tulong niya. Gets niya yan at anytime tatawag na yun.

Bibilang ako ng tatlo sure akong tatawag na yun. One.. Two.. Three.. my phone ring.. my Superman calling.. yah he's my Superman.

I answered. "Thank God tumawag ka din."

"SOS? " he asked.

"Yah! I badly need your help." I heard him sighed.

"Okay im coming." I smile a big one.

"Thank you Bestfriend, i Love you. "

"Oo na, oo na! Yung kapalit nito ah."

"Oo, promise!" Ang kapalit lang naman ng pagtulong niya sakin ay alak. Yun lang at tapos na ko sa problema ko. I ended the call. Sa wakas matatapos na din kahibangan ni Sam.

Pauwi na ko dahil tapos na ang trabaho ko bilang isang Ramp Model. Sumakit na naman tuloy yung paa ko dahil sa kakasuot ng mga may takong na sapatos.

"Barbie!" I heard Sam's voice. I roll my eyes. Talaga bang hindi siya titigil? Nakakairita na siya. I face him.

"What?" Walang gana kong tanong.

"C'mon Baby, we know that you missed me."

"Oh Samie, i don't!"

He smirked. I smirked back. "Honey!" It's Daniel. My Superman is here. Sakto talaga siya lagi. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi ng matagal. It's not our first kiss kaya sanay na ko.

"Hi Honey, i miss you. " i said to Daniel. Inakbayan niya ko at tumingin kay Sam. Tinignan niya yun mula ulo hanggang paa. This is why i love him. He really knows how to act.

"Sino siya Honey?" He asked.

"I don't know i just met him here." He glared at me. I smirked at him.

"Shall we go?" Daniel asked me. I nod to him. I give Sam a babye-loser look.

Sumakay kami ng kotse niya at hindi ko mapigilang tumawa ng tumawa. Ito ang pinaka gusto kong part sa lahat, pag pinapakilala ko na sakanila si Daniel bilang boyfriend ko. Nakikita kong hindi maipinta ang mga mukha nila. Grabe the best talaga yun.

"Hoy, mautot ka niyan kakatawa!" Daniel said.

"Grabe kasi yung itsura ni Sam kanina eh. Alam mo bang pacool niya kong binati? Pero nung dumating ka nawala at para siyang nanlamig at namutla."

"Grabe ka, makarma ka niyan sige ka!"

"Kung makakarma ako damay ka nu! Ikaw kaya katulong ko sa pagpapataboy sa mga yun."

"Nang damay ka pa!" Mas lumakas pa ang tawa ko. "So Honey, nasaan na ang libreng alak ko?" He asked grinning.

"Bukas nalang Honey, masakit yung paa ko eh." I pout at nag puppy eye. He laughed.

"Inuutakan mo na naman ako ah Barbie Tuazon."

"Hindi nu, masakit talaga yung paa ko!"

"Osige, ihahatid na kita sa Condo mo." Yes! Buti nalang pumayag siya dahil pagod na pagod na talaga ang mga paa ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at nakaramdam ako ng antok. Naramdaman ko nalang ang pag gising sakin ni Daniel.

"Nandito na tayo." Tinignan ko lang siya. He chuckled. Binuhat niya ko sa likod niya. Naramdaman niya atang tinatamad akong umakyat ng unit ko.

"Thank you." I whispered.

"Ikaw pa, malakas ka sakin eh." I grin. I kissed his neck. "Hoy wag mo kong manyakin."

"Grabe siya oh.. Na miss lang kita."

"Alam ko."

Nakahiga lang ako sa sofa ko at siya nakaupo nakapatong sa lap niya yung mga paa ko habang minamasahe. Yah ganyan siya kaalaga sakin. Spoiled na nga ko eh. Kaya feeling ko ang tamad tamad ko dahil sakanya, pagod na pagod naman ako pag wala siya. Malaking mawawala sakin pag nawala siya. Hindi ko hahayaan mangyari yun.

Ginalaw ko yung paa ko dahilan para tumingin siya sakin. "May dinidate ka ngayon?" Tanong ko. He shakes his head.

"Oh bakit? Sa gwapo mong yan wala kang nililigawan?" Pinisil niya yung paa ko. "Awww!" I mouthed.

"Bakla ka siguro kaya wala kang dinidate." Pagbibiro ko. He gives me his seductive look. Oh Gosh.. it happened before. Yah.. may nangyari na samin, pero pinilit naming kalimutan yun just for the sake of our friendship.

"Just kidding, honey!" Nag peace sign ako. He smirked.

"Na prove ko na hindi ako bakla diba? Enjoy ka pa nga eh."

"Urgh.. nakakadiri ka!" He laughed. His phone ring..

"Vanesa.." he answered. Vanesa? "Yah im free.." kiniliti ko siya sa tagiliran gamit ang daliri ko sa paa. Tumingin siya sakin ng wag-kang-makulit look.

"You're not free." I mouthed.

Hindi niya pinansin yung sinabi ko. "Ngayon na?" He asked dun sa kung sino mang Vanesa yun. Wala daw dinidate pero may katawagan. Tinignan ko siya ng galit-ako-sayo-pangit-ka look. He chuckled.

"Actually sorry, may naalala akong lalakarin. Next time nalang! Bye." He ended the call. I look at him grinning.

"Oh ayan ah.. mas pinili kita!" He said. I smile sweetly at him.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon