Another Best Friend Story 3

66 3 0
                                    

Nagising ako at naramdam ko agad na may nakayakap sakin. Tinangal ko agad yun at tumayo dahil sa gulat. Sa kwarto kami natulog pero naglagay ako ng unan sa gitna namin bilang pangharang pero ngayon nakita ko ang unan na pinangharang ko na nasa sahig na.

Ginising ko siya gamit ang paa ko. He opens his eyes and smile at me. Ano ba yan, ang aga aga nagpapacute! Oo na cute ka na! Mas cute ka pa sa mga stuffed toys ng bata.

"Ang aga ng pagiging pervert mo ah?"

He laughed. "Ang aga mong mag sungit ah." Aba mukhang magaling na siya ah.. nakakatawa na eh.

"Umuwi ka na! Magaling ka na eh."

"Ayoko nga! Ibahay mo nalang kaya ko?" My mouth fell. My eyes wides open.

"What?" I mouthed.

"Uyy! Gusto niya." He said laughing. Kinuha ko yun unan na pinangharang ko kagabi na ngayon ay nasa sahig at hinampas ng hinampas sakanya. "Aray, tama na. Ano ba!"

Hindi ko siya pinakingan at hinampas hampas ko pa din siya. "Bwiset ka talagang Playboy-Pervert ka!"

"Ano ba baka mabinat ako, sige ka! Aalagaan mo ulit ako."

"Ha! Tatawagan ko na yung mga babae mo para magunahan silang alagaan ka! Tignan natin kung di ka lalong magkasakit!" Hinampas ko ulit siya ng hinampas. Hinawakan niya yung unan at hinila ito kaya natumba ako sakanya. Nasa dibdib niya yung mukha ko. I looked at him. He's smirking.

My phone ring...

Tumayo agad ako at sinagot yung tumatawag. Unknown number na naman. Don't tell me babae na naman to ni Daniel? I glared at him.

"Hello?" Iritada kong sinagot yung phone.

"Hi Barbie. Ako to si Sam."

"S'Sam?" Sam is my ex na bigla nalang nawala at nalaman ko nalang na nag aral pala siya sa States. Nainlove ako sakanya ng bongga noon at sobra ko pa siyang iniyakan bago pa ko magkaroon ng feelings para kay Daniel. Kaya it's a big big surprise na tumawag siya.

"I miss you too." I roll my eyes. Ang presko pa din niya. Tumingin ako kay Daniel at ang seryoso ng mukha niya. Tumalikod ako at naglakad palabas ng kwarto.

"Paano mo nalaman number ko?" I asked. Madaming beses na kasi akong nagpalit ng number dahil sa mga babae ni Daniel eh. Kaya imposibleng basta nakuha niya lang sa common friends yun.

"Sabihin na nating Stalker mo pa din ako."

"Stalker na biglang nawala!"

I heard he chuckled. "Mukhang mahaba habang panunumbat yan ah."

"Sinabi mo pa."

"Bibisitahin kita sa Cafe niyo ni Toru. Okay lang ba?"

"Paano mong nalamang may Cafe kami ni Toru?"

I sense his smile. "Stalker nga diba? So okay lang na bisitahin kita?"

"Oo, okay lang." Naramdaman ko yung pagbangga ni Daniel sa likod ko na dahilan para tignan ko siya. Problema nun? Ang lawak lawak ng daan eh. "Sam, sige na.. babaye na!" Binaba ko na yung tawag kahit hindi pa siya sumasagot.

Sinundan ko si Daniel sa kusina at yun ginagalaw na naman niya yung laman ng ref. ko.

"Kamusta paguusap niyo ni Sam?" He asked. May halong inis at galit yung tono ng boses. Nangagamoy isda! I grin.

"Okay lang, i think he's still into me." Kompyansa kong sabi.

"After niyang mawala nalang? Iniisip mo pading gusto ka niya?"

"Yah! Well, he's still stalking me so.. i guess, yah." I said, nodding.

"Asa ka naman! Wag kang iiyak iyak sakin pag iniwan ka na naman niyan ah."

"Mukha namang hindi na ulit niya gagawin yun."

"Paano ka nakakasigurado?"

Nag cross arms ako. "Basta sigurado lang." I smirked. I turn around and walk straight to my room.

Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon ng mukha niya. Para siyang nagseslos na ewan!

Teka! Nagseselos siya? Aba akalain mo nga naman oh.. ang playboy kong best friend nag seselos? Bago yun ah!

Baka may sakit pa din siya? Ma check nga mamaya! Pero sa loob loob ko natutuwa ako dahil sa pagseselos niya. Nagtatatalon sa tuwa ang mga paro paro sa tyan ko.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon