Another Best Friend Story

138 7 0
                                    

Nasa Bar ako ngayon kasama ang kaibigan kong si Toru. Siya ang nagmamayari nito kaya lagi akong libre sa alak. Dito ko na rin ililibre si Daniel ng iinumin niya, bayad dun sa pag tulong niya sakin kay Sam.

Nasa VIP area kami umiinum habang hinihintay ang pag dating ni Daniel.

"Hoy B. Kayo ba ni Daniel wala paring.. alam mo na feelings na nadedevelop." She asked.

"Hoy T. Tigilan mo nga ko sa paulit ulit na tanong na yan dahil paulit ulit lang ang isasagot ko sayo.. bestfriend ko lang siya!"

"Eh kasi naman meron bang mag bestfriend na nagkikiss, nag sex at halos lalangamin na sa sobrang sweet."

"Yung sex isang beses lang nangyari, okay? Nadala lang naman kami nun nang..."

"Bugso ng damdamin? Edi may feelings nga!"

"Tawag ng laman! Ikaw kung ano anong sinasabi mo."

Uminum siya ng cocktail. "Pero alam mo, bilib ako friendship niyo eh. Ang tatag! Hindi ka ba natatakot na mahulog ka ng tuluyan sakanya?"

"Hindi! Dahil alam ko kung hangang saan lang kami."

"Eh paano kung may isa sa inyong mainlove?"

"Imposible yun!"

"Sayo siguro.. pero paano kay Daniel? Alam mo naman ang mga lalake landiin mo lang ng kunti bumibigay na. Yun pa kayang bestfriend mo na halos kadugtong mo na ng atay, balunbalunan o kung ano pang lamang loob dyan."

"Nagusap na kami tungkol dyan. Isa lang ang rule namin, bawal ang mainlove."

"Yaaan! Yan tayo sa mga rule rule na yan eh. Pagmay ganyang rule parang ang sarap baliin."

"Alam mo, ikaw.. ikaw ang sisira sa friendship namin dahil sa mga negative comments mo about samin."

"Grabe siya oh.. anong negative comment dun? Nagsasabi lang ako ng mga posibilidad na sinasara niyo."

"Whatever!" Nakita na ng paningin ko si Daniel na papunta samin. Mas okay kaming mag kaibigan kesa ang magkarelasyon. Kaya yung mga pinagsasadabi nito ni Toru, wala lang yun.

Sanay na ko sa pag pupush niya sakin kay  Daniel. Ang kinaganda lang hindi niya ginagawa yun pag kasama ko si Daniel.

"Hi ladies! " He greeted us. Bumeso siya saming dalawa.

"Kamusta bakasyon?" Toru asked.

"Okay naman, refreshing."

"Mukha nga eh pumupogi ka, may nagpapasaya na ba sayo?" Tawa lang ang sagot niya. I raised my eyebrow. Pabebe tumawa? May nililihim to sakin.

Tumingin siya sakin. Magsasalita na sana siya pero siningitan ko na. Alam ko na kasi kung ano sasabihin niya.

"Na order ko na yung iinumin mo."

"Good!"

Umupo na kami at nag simula ng uminum. Nagkukwentuhan lang si Toru at Daniel tungkol sa bakasyon niya. Hindi ako sumisingit kasi nagtatampo padin ako dahil hindi niya ko sinama sa bakasyon na yun. Thirty minutes ang lumipas at dumating na yung boyfriend ni Toru na si Nathan at nakijoin na samin sa paginum.

Sa Condo ni Daniel kami dumiretso after ng inuman namin sa Bar ni Toru. Tinatamad akong umuwi eh kaya makikitulog nalang muna ako sa Condo ng Superman ko. Nasabi ko na diba? Tamad ako pag nadyan si Daniel.

Tinulungan niya kong humiga sa kama. Pinaunan niya sakin yung braso niya. Oh diba maalaga.

"Daniel?"

"Hmmm?"

"Wag ka maiinlove sakin ah."

"Ilang beses mo na ba yang sinabi? Sa kakaulit mo baka gawin ko na yang ringtone."

I chuckled. "Naninigurado lang."

Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil may narinig akong nag ring na cellphone. Kinapa ko para subukang hanapin yung cellphone at sinagot.

"Hello?" Mahina kong sagot.

"Sino to? Nasaan si Daniel?" I heard girl said. She sounds upset. Tinignan ko yung cellphone at cellphone ni Daniel ang nakita ko. Shit! Akala ko cellphone ko yung nag ring. Ang aga naman atang may tumawag sakanyang babae.

"Daniel.. may tumatawag sayo." I said to him. Natutulog pa din siya. Pero inalog ko siya para gumising at nagising naman siya. "May tumatawag sayo." Paguulit ko. Inabot ko sakanya yung cellphone niya. Tinalikuran ko na siya at nagsimula na ulit sa pagtulog.

"Yes?" I heard him said. "That's my friend.. what? Fine.. bye too." Naramdaman ko yung pagyakap niya sakin.

"Sino yun?" I asked.

"Vanesa!"

"Akala ko wala kang dinidate?"

Hinigpitan niya yung yakap sakin. "Kahapon lang naging kami. Pero hiniwalayan na niya agad ako ngayon."

I chuckled. "Sorry. "

"It's fine. Nakulitan lang naman ako sakanya kaya naging kami."

"So natulungan pa pala kita ng hindi ko alam."

I heard him chuckled. "Yah!" I grin.

At dahil hindi na kami makatulog dahil sa pagtawag ng hindi ko alam at hindi ko pa namemeet na si Vanesa ay kumain nalang kami dahil nakaramdam na ko ng gutom.

Ako na ang nagluto dahil yun lang naman ang hindi talent ni Daniel. Kaya kahit tamad ako pag nadyan siya kailangan kong magsipag para maykakainin kami. Ako ang cook niya siya ang taga kain ko. Masarap siyang lutuan dahil napakatakaw niya, masarap man o hindi niluluto ko kinakain niya yun. Ganyan niya ko kamahal. Kaya feeling ko ang sarap sarap kong mag luto dahil sakanya.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon