Papunta na ko ngayon ulit kay Daniel para sabihin na sakanya yung nararamdaman ko para sakanya. Mahal ko siya. Hindi ko na maitatago at maitatangi pa yun nagkakasundo na buong pagkatao ko na mahal ko talaga siya.
Na hindi nalang talaga siya basta bestfriend sakin. Hindi ko nalang siya mahal bilang bestfriend kundi bilang siya as my man.. as lover.
Tama si Toru hahayaan ko lang si tadhana na ang gumawa ng istorya namin ng mahal kong bestfriend at malapit ko ng maging boyfriend na si Daniel.
Hintayin mo kong makarating Daniel ko, papunta na ko.
Nasa Elevator na ko kunting kunti nalang magiging masaya na ulit kami, babalik na kami sa dati. Hindi ko maiwasang kabahan at maexcite. Malapit na ko sa Unit niya nang may nakita akong isang babae na naghihintay sa labas ng Unit ni Daniel. Bumukas ang pinto at hinalikan siya ni Daniel sa labi.
My smile fades..
Ouch! My mind and heart said. Nanlalambot ang tuhod ko, babagsak na ata ako. Ano ba tong kamalasang nangyayari sa buhay ko?
Kung kailan naman narealize ko ng pareho na kami ng nararamdaman tsaka pa ganito?
Karma ba to? Dahil sa mga ginawa ko noon sa mga naging ex ko? Masama bang maging honest sakanila na ayaw ko na sakanila para karmahin pa ko ng ganito?
Bakit kailangan si Daniel pa ang maging karma ko? Bakit ang lalake pang kadamay ko sa lahat ng oras ang magiging karma ko? Pwede naman yung iba nalang diba? Bakit siya pa? Ta***na talagang buhay to oh!
Kung kailan naman magiging okay na ang lahat may sisira naman. Ano to pelikula? Eh magpakamatay nalang kaya ako dahil mukhang ako naman ang kontra bida dito!
Pumunta ako sa Bar pero hindi sa pagmamayari ni Toru dahil alam kong hindi siya papayag na uminum ako atsaka isa pa paos pa siya sa kakasermon sakin, baka mas lalo lang siyang mapaos ngayon dahil siguradong mahaba habang sermon na naman ang aabutin ko sakanya.
Ano na ngayon ang mangyayari samin?
It's been Three Months since nung huli kong makita si Daniel at makausap. Nakatatlong boyfriend na din ako sa loob ng tatlong buwan. Ginamit ko sila para makalimutan si Daniel pero waepek dahil hindi ko naman siya nakakalimutan nadagdagan pa ang sakit ng ulo ko dahil sakanila.
Siguro talagang ganito nalang ang buhay ko wala ng ibang magmamahal ng seryoso dahil maski naman ako hindi marunong mag seryoso.
Eh yung nagiisa ngang tao na pwedeng sumeryoso sakin at gusto kong seryosohin galit naman sakin. I sighed.
Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang huling mga text messages namin para sa isat isa.. ang huling message ko sakanya ay ' i miss you!' Namiss ko na naman tuloy siya. Nabasa ko din yung mga SOS messages ko sakanya at yung unang beses niyang SOS sakin.
Naalala ko na naman yung itsura niya nung sinampal ko siya. Hindi ko maiwasang mangiti para na tuloy akong baliw dito magisa.
Siguro kailangan ko ng tapusin tong kahibangan ko sakanya. Kailangan ko ng mag move on. Pero paano?
Huli na to...
*** SOS! *** i texted. Pag hindi siya tumawag sa tatlong count kakalimutan ko na siya.
One.. please tumawag ka!
Two.. please Daniel.
Three.. No calls from him.
F*vk.. my tears are falling again. Damn it! Barbie naman hindi ka ba napapagod kakaiyak? Kasalanan mo naman yan diba? Kalimutan mo nalang siya! KALIMUTAN MO NA SIYA!
Ito na ang huling beses na iiyak ako para kay Daniel, ito na ang huling mga luhang iiiyak ko para sakanya. Dapat ko na siyang kalimutan, nahihirapan na ko.
Baka mabaliw na ko pag pinagpatuloy ko pa tong kabaliwan ko sayo. Mahal kita, pero hanggang dito nalang talaga ang kaya ko. Bye, Daniel! Bye, my Superman!
Siguro nga hindi na kami pwedeng maging mag kaibigan dahil sa nangyari saming dalawa. Masyadong mahirap makipag kaibigan sa taong alam mong nasaktan ka at nasaktan mo.
Hinanap ko sa Contacts ang name ni my Superman at pinindot ang delete box.
Eto na talaga! Paalam na!
![](https://img.wattpad.com/cover/55608367-288-k719254.jpg)
BINABASA MO ANG
Another Best Friend Story (Short Stories)
RomanceShort Stories of all Best Friend Stories.