Natapos ang rehearsal at Show ng hindi ako hinimatay. Taas noo at nag maganda padin ako sa harap ng maraming tao. Bumilib pa nga sakin yung Organizer dahil napaka galing ko daw. Well hindi naman sa pagmamayabang matagal ko ng alam na magaling ako.
Hinatid din naman agad ni Toru sa Unit ko after ng Show. Humiga agad ako sa kama para magpahinga. Ang sakit na naman ng katawan at paa ko dahil sa paglalakad habang suot ang stiletto plus yung sakit. Bigla ko na naman siyang na miss, wala yung masugid kong taga hilot.
Lalo ata akong magkakasakit dahil sa sobrang pagkamiss sakanya. Hindi nalang siya hinahanap ng utak ko, hinahanap na din siya ng katawan ko. Miss na siya ng buong pagkatao ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya pero hindi naman niya sinagot. I sighed. Tinext ko nalang siya at least malalaman niya kung anong tumatakbo sa isip ko.
*** I miss you. ***
Tinabi ko na ang cellphone ko at pinikit na ang mga mata.
Cellphone ko agad ang una kong tinignan sa pagkagising ko. Nagbabakasakali na may reply si Daniel sa text ko pero wala. Gusto kong ibato sa inis yung cellphone ko pero sayang wag nalang, baka din kasi bigla nalang tumawag o magtext si Daniel.
Tama si Toru para akong hiniwalayan ng jowa sa sobrang sakit. Ganto siguro nararamdaman ng mga naging boyfriend ko pag hinihiwalayan ko. Masakit pala!
Nag stay lang ako sa Unit para makapag pahinga ng bongga dahil may sinat padin ako. Pero wala akong magawa maliban sa panunuod ng t.v at tumingin ng latest fashion sa internet. Bigla ko nalang din naaalala si Daniel. Malala na to! Lagi na siyang pumapasok sa isip ko, ganun din naman dati pero mas malala na talaga ngayon.
I decided na puntahan na si Daniel hindi ko na kaya ang mahabang tampuhan na to.
Hindi yan tampuhan Tanga! My subconscious scowled. Grabe ang hard niya sakin.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa pagpunta ko sakanya, sana naman hindi niya ko pag tabuyan. Sana magkaayos na kami. Sana namimiss nita ko tulad ng pagkamiss ko sakanya.
Nag hintay lang ako sa labas ng Unit ni Daniel dahil wala pa siya dun. Nakasandal lang ako sa pader habang naka cross arms.
"What are you doing here?" I heard his voice. It's him.. oh god it's really him. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko. Gusto ko siyang yakapin.
"Hi, how are you too." I said. Hindi manlang kasi nangamusta nagsungit nalang agad. Tinitigan niya lang ako at mukhang hindi nagustuhan yung sinabi ko. "I just missed you." I almost whispered.
Pumasok kami ng Unit niya. Dumiretso siya sa kusina niya at sinundan ko lang siya. May nakita akong mga pinagkainang Pizza boxes at Cup Noodles sa lamesa niya. Yan lang siguro ang kinakain niya. Ayoko pa namang yan lang ang kinakain niya dahil hindi na nga healthy, nakakataba pa. Pero mas minabuti kong manahimik nalang dahil galit pa siya sakin.
"May kailangan ka?" He sounds irritated.
"I told you-"
"Pumunta ka dito para lang sabihin na namiss mo ko? Nasabi mo na.. makakaalis ka na!" Naglakad siya papunta ng kwarto niya pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag yakap sakanya sa likod.
"Daniel please, alam kong nasaktan kita at humihingi ako ng sorry dahil dun. Mag bati na tayo, na mimiss na kita."
"Kaya mo na bang ibigay ang gusto ko? Papayag ka na bang maging girlfriend ko?"
"Daniel naman eh, lahat na hilingin mo wag lang yun."
Tinangal niya sa pagkakayakap ko sakanya ang mga kamay ko at humarap siya sakin. "Barbie kung ayaw mo talaga akong masaktan, umalis ka na! Dahil nasasaktan lang ako pag nakikita ka!"
"Sorry! pero hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakaayos."
"Sorry din pero wala na tayong pagasang magkaayos. Sinabi ko na sayo noon, hindi mo na ko magiging bestfriend panghabuhay dahil alam naman nating pareho na hindi lang yun ang tingin ko sayo!" I feel my tears are falling. He sighed. "Umalis ka na!" Kalmado niyang sabi.
I do as i told. Hindi tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko. Sumakay ako ng Elevator pero hindi parin tumitigil ang luha ko kahit anong punas ko ayaw talaga. Pinagtitinginan nadin ako ng mga taong sumasakay sa elevator, nakakahiyang makita nila kong ganito pero kahit anong hiya ko ayaw padin talaga tumigil ng ta***ang luha to!
Pinuntahan ko si Toru at niyaya siyang uminum pero hindi siya pumayag na uminum ako dahil may sinat pa ko.
"Hayaan mo na kong uminum T."
"Hindi nga pwede! Wag ka na ngang makulit!"
"Gusto ko lang makalimot kahit sandali." I cried.
"Haaay! Alam mo ngayon lang kita nakitang ganyan, hindi ka naman ganyan sa mga ex mo. Eh bakit kay Daniel grabe ka makaiyak?"
"Hindi ko alam!"
"Kasi nga mahal mo siya, ano ba B. bakit ba tinatangi mo pa yun? Eh samantalang nagkakasundo na yang mga mata mo at puso mo na mahal mo siya. Masyado mo kasing iniisip ang pwedeng mangyari sa future niyo ni Daniel pag naging kayo eh. Pinangungunahan mo lagi eh.. hayaan mo lang. Tsaka mo na pag isipan ang future pag nangyayari na!"
"Paano kung-"
"Yaaaaaaaaaaan! Puro ka paano kung, paano kung! Eh paano kaya kung pumayag ka nalang sa gusto niya kasi mahal mo din naman siya!"
"Tama ka!"
"Saan dun?"
"Na mahal ko nga siya."
"My God Barbie, halatang halata kaya sayo! Kinailangan mo pa talaga ng sermon ma realize mo lang na mahal mo siya?"
I chuckled. "Siguro tama ka, puro utak lang ang pinapakingan ko. Hindi ko na pinakingan tong puso ko yan tuloy nasasaktan ako."
"Edi puntahan mo na siya, sabihin mong mahal mo siya para happy na lahat!"
"He's mad at me."
"For sure mawawala yun pag nag confess ka na!" Magsasalita na sana ako kaso tinapat niya sakin yung kamay para patigilin ako. "Puntahan mo na utang na loob, napapaos na ko kakasermon sayo!"
BINABASA MO ANG
Another Best Friend Story (Short Stories)
RomantizmShort Stories of all Best Friend Stories.