Pumunta kami ng Unit niya after naming magkaayos. Ngayon hindi nalang kami mag bestfriend, mag boyfriend/girlfriend nadin kami. Taray diba?
Sa hinaba haba din naman daw ng prosisyon sa pagiging magkasintahan padin naman daw ang tuloy.
Syempre pagdating namin Unit niya alam na ang ginawa ayoko ng idetalye dahil samin nalang yun. Miss namin isat isa eh.. papakipot pa ba?
Nakayakap lang ako sakanya at inaamoy siya. Namiss ko ang amoy niya.
"Sino yung kasama mong lalake kanina?" He asked.
"Ohhh.. simula na ba to ng selosan?" I teased. He chuckled.
"Simula na to ng usapan natin bilang magkasintahan!" He kisses my forehead. "So sino nga siya?"
"Si Carlo, kanina ko lang siya nakilala."
"Hindi mo siya naging boyfriend? "
I shake my head. Pumatong ako sakanya at hinalikan siya ng hinalikan sa labi.
"I miss you!" I said while looking at his lips. He grins.
"I miss you too!"
"Talaga namiss mo ko?"
"Oo naman! Ano bang tanong yan?"
"Eh sino yung babaeng hinalikan mo noon nung pumunta ako dito?"
"Sino dun?"
"Aba! bakit? madami ba?"
He laughed. "Medyo lang naman." Pinisil ko yung labi niyang napakasarap.
"Tandaan mo! ako nalang ang pwedeng halikan nito, okay?" He nods. Tinadtad ko siya ng madaming halik.
"Ipagluto mo naman ko oh!" Pagpapacute niya. I grin.
"Na miss mo din ba yung luto ko?" He nods. "Namiss ko din yung mga compliment mo sa luto ko kahit hindi masarap." He smiles.
Tumayo na ko at nagbihis tsaka sinimulan na ang pagluluto. Nagluto ako ng Tuna Pasta.. eto ang pinaka paborito niyang niluluto ko.
"This is really great, thank you Honey. " he said smiling.
"Welcome, Honey!"
Naks totohanang Honey na talaga ang tawagan namin. Kinikilig naman ako! Siya lang talaga nakakagawa sakin nito.
"Pwede ka ng magasawa." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nagcocomment padin sa luto ko.
"Compliment pa rin ba yan?" I asked.
"Yah, Opinyon ko din yun." I give him my intriguing look. He smirked. "Ilang taon na tayong magkakilala?" He asked.
"Uhm.. since nagbinata ka!" Bigla siyang nailang sa sinabi ko. I laughed. "Nagtatanong tanong ka mahihiya ka naman."
"Oo na! So ilang taon nga?"
"Fifteen years?"
He nods. "Tama! Fifteen years na, sa tagal na nating magkakilala siguro naman... pwede na tayong... alam mo na.."
"Alam ang alin?"
He looked straight at me. "Magpakasal na tayo." My mouth drops open.
"Seryoso kang gusto mo ng magpakasal sakin?"
"Oo! Matagal na tayong nagkakilala at mahal natin ang isat isa. Kaya.. magpakasal na tayo! Ayaw ko na din namang humanap na ng iba eh."
I chuckled. "Hindi mo ba pagsisisihan yan?"
"Hinding hindi!" He said, shaking his head. Inilapag ko sa lamesa ang hawak kong tinidor.
"Kahit na matigas ang ulo ko?"
"Kahit na matigas ang ulo mo, at tamad ka pagkasama ako, at ang lakas mo uminum at kahit na ikaw ang pinaka malditang babaeng sa buong mundo. Papakasalan parin kita. Payag ka na ba?"
"Okay! Magpakasal na tayo!" Ngumiti siya ng ubod ng laki at ganun din ako.
"W'wala ng bawian yan!"
"Oo naman nu!"
Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit. "You have no idea how happy i am." He whispered.
"Believe me i know! That's exactly what i feel right now."
Hinawakan niya ko sa pisnge at tumingin sa mga labi ko then sa mga mata kong nagbabadya na namang lumuha, hindi dahil sa lungkot kundi sa sobrang saya!
"I love you my bestfriend and soon to be my wife!"
I bite my lower lip. "I love you you my bestfriend and soon to be my husband! "

BINABASA MO ANG
Another Best Friend Story (Short Stories)
RomanceShort Stories of all Best Friend Stories.