Another Best Friend Story 2

81 4 0
                                    

Todo ayos ako sa pagpapaganda dahil sa date namin ni Daniel. This is it! Itong ito na talaga. Mag di'date na kami. It's official we're dating!

Pinatingin ko kay Toru yung suot ko and she approves. She knows the fashion better than me kaya if she approves.. okay na sakin.

Narinig na naming may nag door bell. Nagkatinginan kaming dalawa ni Toru. Pareho kaming mukhang excited. Siya dahil finally ma mi'meet na ang first love ko at ako syempre dahil sa date namin.

I open the door. I saw him wearing a black polo shirt and a camera hanging on his neck. He's holding a beautiful three white roses. "For the most beautiful girl I've seen." Inabot niya sakin yung bulaklak.

"Thank you." I smiled. He smiled back. Kinikilig na naman ako. Ano ba Barbie wag masyadong pa halatang kinikilig ka.

"Hi!" Toru speaks from my back. Tumingin sakanya si Daniel at ngumiti. "So ikaw pala si Daniel, nakwento ka na sakin ni Barbie, maraming beses na."

"Sana maganda yung kinukwento niya." Daniel said.

"Maganda naman. By the way, im Toru." She offers her hand. Nakipag shake hands sakanya si Daniel.

Umalis na kami at nag paalam na kay Toru. Sumakay kami sa isang Black BMW Car. Taray! May kotse na! Kanina ko pa napapansin yung Camera niya na nakasabit sa leeg niya. Bakit siya nag dala ng Camera sa date namin?

"Anong gagawin mo sa Camera?" Tanong ko.

"Kukuhanan ka ng litrato. Para may memories tayo sa first date natin."

"May itinatago ka palang pagkaromantiko ah." He just laughed. I grin.

Pumunta kami sa isang Park. May kinuha siya sa likod ng kotse pag baba namin. Lumapit siya sakin at may hawak ng basket. "It's a picnic date. What do you think?" He asked. I laughed.

"Daniel, bakit ngayon mo lang ako tinatanong niyan eh halata namang nakapag prepare ka na."

He gives me a shy smile. "In case lang naman na ayaw mo pwede pa din naman tayong pumunta ng restaurant."

"No! This is cool. Ito ang unang beses na mararanasan ko ang Picnic date." He smiles. Lumapit ako sakanya. "Akin na muna yung Camera mo. Ako na mag bibitbit, nakakahiya naman sayo eh." Pag bibiro ko. He laughed. Kinuha ko na sakanya yung Camera at isinabit ko shoulder ko na parang shoulder bag lang.

Sinubukan kong buksan yung Camera niya ng hindi niya alam. Marunong naman akong gumamit nito dahil nga model ako. Tinignan ko yung mga litrato at puro pictures ng bata, at mga taong nag vovolunteer. Ginagamit niya din ata tong Camera sa mga pag vovolunteer niya.

Nakakainlove talaga yung pagiging mabait niya.

Kinuhanan ko siya ng picture ng hindi niya alam. Kaya lang nakalimutan kong may flash yung Camera kaya napatingin siya sakin. I smiled at him. "That's unfair. We should take a picture together."

I laughed. "Sorry, mamaya nalang." He grins.

Pumwesto na kami at tinulungan ko siyang mag ayos. Kinuhanan ko ng pictures yung prinipare niyang mga pagkain. "Kailan ka pa naging cook?" Tanong ko. He smiles.

"Nung college.. nag boarding kasi ako dati eh."

"That reminds me of something.. "

"What is it?"

"Hindi pa tayo nakakapag kwentuhan about sa mga nangyari satin makalipas ang Sampong taon."

"You're right. Maupo na tayo at simulan na ang sigurado akong mahaba habang kwentuhan."

Tabi kaming nakaupo sa ilalim ng puno at nagkwentuhan ang mga nakaraan namin.

Kumuha pala siya ng Photography, kaya pala siya may Camera at maganda ang mga kuha niya halatang professional. Noon palang naman nahalata ko na sakanya yung hilig niya sa pag kuha ng litrato. Tinanong ko siya kung may maging girlfriend siya ang sabi niya wala.

Nakuwento ko naman sakanya ang yung pag kuha ko ng Fine arts.. pero hindi ko natapos dahil mas pinili ko ang career na modeling. Since kasi nagkaroon ako ng debut sa modeling pinursige ko na hanggang sa magustuhan ko na din. Nang hinayang siya dahil alam niya kung gaano ako kagaling gumihit.

Na kwento ko din sakanya ang tungkol sa mga naging exes ko. Hindi maipinta yung mukha niya pag kinukwento ko, pag titigil naman ako pinapatuloy niya ko. Kaya wala na kong nagawa kaya ikwento sakanya yun.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon