Another Best Friend Story 3

103 5 0
                                    

  Another Best Friend Story 3
           ♡♡♡♡ 

Hindi madaling magkaroon ng Playboy Bestfriend tulad ng Bestfriend kong si Daniel Jimenez. Nandyan yung susugurin ka nalang ng mga girlfriends niya para sabihang boyfriend nila si Daniel.

Nandyan din yung tatarayan ka nila kasi mas malambing pa siya sa bestfriend niya kesa sakanila.

Pero may advantage din naman ang pagiging bestfriend siya dahil, yung mga boyfriend kong pinagpalit ako sa ibang babae ayun... inaakit niya yung mga babaeng ipinalit nila sakin para iwan sila. Siya ang gumaganti para sakin. Ayos diba?

Pero dahil din sa pagkakaroon ng playboy best friend hindi ko din maiiwasang mahulog sakanya. Oo nahulog na ko sakanya pero syempre todo tago ako ng feelings ko para sakanya. Mahirap kayang mainlove sa mokong na yun!

Palabas palang ako ng Unit ko para pumunta sa Cafe na minamanage namin ni Toru Mendez kaibigan ko din. Nang biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Daniel. Yah.. meron siyang susi ng Unit ko, nagpa duplicate siya ng di ko alam. Ang akala noon nawala ko na yung susi ko yun pala ay dahil sa tinago niya para ipaduplicate. Para madali siyang makalabas pasok ng Unit ko. Para lang makikain.

"Daniel anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nagugutom ako eh."

"Anong tingin mo sa Unit ko, Restaurant?"

"Mas masarap pa kasi yung luto mo kesa sa mga Restaurant." Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa sa sinabi niya kasi inuubos naman niya laman ng ref. Ko. I roll my eyes.

"Pupunta kang Cafe?" He asked.

"Oo." Walang gana kong sagot. He kisses my cheek tsaka dumiretso siya ng kusina ko. Yan! Dyan niya ko dinadaan sa paglalambing niya ako namang si ito.. uto uto.

Nakarating ako ng Cafe at nakita ko Toru na may kausap na lalake. Todo ngiti siya at halatang type na type niya yung kausap niya.

Ginawa pa niyang Bar tong Cafe namin.

"Hi B." She greeted. Tumingin na din sakin yung lalake at ngumiti. Tinignan ko lang sila at dumiretso sa maliit na office namin.

Pumasok si Toru at nakangiti siya ng malaki na akala mo nananalo sa lotto. "He's perfect, B."

"Who?"

"Yung lalakeng kausap ko kanina. Sobrang hot niya!" I roll my eyes. Napaka dali niya talagang mahulog sa lalake kaya laging naiiwan eh. "Bakit hindi ka ba na'cute-an sakanya?" She asked.

"No! He's not my type."

"Oh yeah! Si Daniel pala ang type mo."

"Tumigil ka nga!"

"Totoo naman eh. Ikaw lang eh.. bakit di mo pa sabihing gusto mo siya, malay mo gusto ka din naman niya." Wala akong planong gawin yun. Oo may feelings ako para sakanya pero binabalewala ko yun dahil una sa lahat bestfriend ko siya at isa pa playboy siya.

"Magkai-"

"Sshh.. tigilan mo nga ako sa magkaibigan lang kami, naku... pag may bestfriend kang lalake dalawa lang ang posibilidad na mangyari, una... mainlove kayo sa isat isat at pangalawa... one sided love. Saan kaya kayo dun?"

"Edi one sided love, saan pa ba?"

"Tsk tsk tsk! Kawawa ka naman, hayaan mo mag boy hunting nalang ulit tayo para may pang palipas feelings ka ulit. Yung boylet ko kanina, may kaibigan daw siyang gwapo. Ipapakilala ka niya."

"No, thanks! Hahayaan ko ang tadhanang humanap ng ipangpapalit ko kay Daniel. "

"Okay." She shrugged.

I heard my phone ring.. tinignan ko yung cellphone ko at unknown number ang tumatawag...

"Hello?" I answered it.

"Hoy! Bruhilda akin si Daniel naintindihan mo! Wala akong pakialam kung ikaw ang forever love niya, ako naman ang current love niya." What the f*ck is she saying? Forever Love ako ni Daniel? Siguro nakita niya yung nakasave na name ko sa cellphone ni Daniel. Yah.. forever love ang nakalagay dun, di ko alam kung bakit yun ang nilagay niya. Nantitrip! yun lang ang siguradong dahilan dun. Wait, sino ba to?

"Hoy! Una sa lahat hindi kita kilala kaya pwede ba wag mo kong tatarayan dahil mas mataray ako sayong bruha ka! Pangpalipas oras ka lang ni Daniel kaya kung ako sayo lumayo ka nalang para di ka na masaktan pa!" After kong magmaldita pinatayan ko na siya ng tawag.

"Another stupid girlfriend of your bestfriend?" Toru asked. I nod. "Anong sabi?"

"Bruhilda daw ako. Ano pa bang bago dun?" She laughed. Dinial ko yung number ni Daniel.

"Hello?" Sa tono ng boses niya parang kakagising niya lang.

"Hoy! Jimenez, may tumawag na naman saking babae.. burahin mo na nga yung mga pictures ko dyan sa phone mo at palitan mo na din yung name ko dyan ng hindi nila kinukuha yung number ko para lang sabihin na bruhilda ako!"

"Hmmm? Ayoko nga. Mamaya ka na tumawag inaatok pa ko eh." Loko talaga to!

"Nasan ka ba?"

I sense his grin. "Nasa kwarto mo."

"What?" I shouts. "Hoy! Nasasanay ka ng matulog sa kwarto ko ah. Umuwi ka na!"

"Ayoko!" He ended the call. I put my hand on my forehead showing of my frustration. I looked at Toru. Nakangiti at nakatingin siya sakin ng nakakaloko. I roll my eyes.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon