Another Best Friend Story 4

143 12 5
                                    

💘💘 Another Best Friend Story 💘💘

💘💘💘💘

Niyaya ako ng best friend kong si Daniel para uminum kasama ang roommate kong si Toru. Okay lang naman sana sakin kaso baka hindi ako payagan ng boyfriend kong si Sam.

Napaka strikto pa naman nun! Daig pa ang tatay ko.

I called him para magpaalam about sa inuman. Mahaba habang usapan muna bago niya ko payagan. Siguraduhin ko lang daw na makakauwi ako ng buo at hindi magpapakalasing.

Tss.. pasalamat siya mahal ko siya.

Nasa Bar na kami ngayon at nag sisimula na sa pag inum. Okay na samin ang beer.

"Barbie, buti pinayagan ka ng stikto mong boyfriend na sumama samin?" Pag bibiro ni Daniel. Hinampas ko siya sa braso niya. He smirked.

"Tama ka! Feeling ko puputi na ang uwak dahil sa pag payag niya." Toru teases too. I roll my eyes. Kung pag usapan nila jowa ko parang wala ako dito.

"Bakit ba kami ni Sam ang topic niyo?"

"Kasi simula nung naging kayo bihira ka nalang namin nakakasama. Parang gusto niyang ikulong ka nalang sa Apartment mo." Daniel said in disapproving sounds.

He's right. Sam was always like that. Mas gusto niyang nasa bahay ako kesa ang makipag bonding sa mga kaibigan ko. Kaya minsan sa Apartment nalang kami umiinum. Pero maski yun ikinakagalit pa niya. Alam ko kaya ganto nalang ang inaasal ni Daniel dahil hindi sila magkasundo ni Sam. Una kasi sa lahat pinagseselosan siya ni Sam. Pangalawa ayaw ni Sam na nakikipag hang out ako lalo na kung kami lang ni Daniel. Pinaliwanag ko naman na kung ano sakin si Daniel kaya lang parang sarado ang utak niya. Kahit anong gawin kong patunay sakanya na best friend ko lang si Daniel talagang hindi padin niya maiwasang magselos.

"Intindihan niyo nalang siya." Pagpapaliwanag ko.

"Tsss.. kalokohan!" Daniel said again.

"Ano bang problema mo sakanya?" Inis kong tanong kay Daniel. I'm glaring at him that is obviously pissed with something.. i didn't know. Naaninag sa gilid ng paningin ko ang palihim na pag tawa ni Toru.

"Yang boyfriend mo. Nakakabwiset na kasi siya minsan!" I sighed. Mapupunta naman to sa walang kwentang usapan.

"Pinapunta mo ba ko dito para sermunan sa ugali ng boyfriend ko?" Inis kong tanong. He sighed.

"No! I'm sorry.. " He apologized. "Let's not just talk about your possessive boyfriend and get drunk!" He's giving me a apologetic smile. I roll my eyes. He smiles. Inurong niya yung upuan niya palapit sakin at sinusuksok yung ulo sa balikat ko. Ganyan siya pag alam na may ginagawang kasalanan.

"Oo na! Wag ka ng makulit!"

Nag simula na ulit kaming uminum. Hindi na namin pinag usapan pa yung boyfriend ko dahil nasisira lang yung mood namin dahil obvious na obvious naman na hindi sila boto sakanya. Eh anong magagawa ko in love ako eh.

Daniel is drunk.

Paanong hindi siya malalasing nakatatlong bucket na siya ng beer. Samantalang kami ni Toru tigkalahati lang sa isang bucket.

"Hoy Daniel, paano ka makakauwi niyan lasing na lasing ka na!" Hindi niya pinansin yung sinabi ko at nag inum pa din. Oh great! We can't leave him like that.

"Hindi pa ko lasing." Tss.. hindi daw eh halatang halata na nga sa boses niya. Sapakin ko to eh.

"Dadalhin ko na siya sa kotse. Sa Apartment na natin siya patulugin." I said to Toru. Though pag nalaman to ni Sam baka magalit na naman yun. Pero hindi ko naman pwedeng iwan nalang ng ganto yung best friend ko.

"Sige magbabayad lang ako ng ininum natin." I nod to her. Pinatayo ko na si Daniel at inilalayan siya sa pag lalakad. Nasa balikat ko yung left arm niya. Habang hinahawakan ko siya sa bewang niya.

"Barbie!" He called.

"What?" I asked. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. Tinangal niya yung braso niya sa balikat ko at pinilit tumayo mag isa. Tinignan ko lang siya.

"I love you." I raised my eyebrow. Lasing na nga to. Hindi na bago sakin ang mag i love you siya. Kasi sinasabi naman namin sa isat isa yun bilang mag kaibigan.

"Mahal din kita D. Ngayon kailangan na nating umuwi." Hinawakan ko na ulit siya sa braso. Pero tinangal niya ulit yun.

"Im serious. I'm in love with you." I laughed. Hinampas ko siya sa braso niya.

"Hoy! Na sobrahan ka sa alak ah-" He kissed me that took me by surprise. I tried to pushed him but his too strong for me. I parted my mouth to catched some breath that gives him a chance to deepen his kiss. F*ck! Hanampas hampas ko siya sa dibdib dahil hindi ko naman siya matulak. He stops. I slapped him.

"What the f*ck Daniel!" I yelled.

"I'm in love with you B. I love you."

I step back. "You can't love me Daniel. I'm your best friend. You know that!"

"Ayoko ng maging best friend ka! Gusto na kitang maging girlfriend ko!"

"Kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo! Alam mo yan!" Lumapit siya sakin at niyakap ako. Hindi siya nag sasalita. "Bitaw Daniel!"

"Five minutes. After this hindi mo na ko makikita." He whispered. What the hell is meaning of that?

------------

Please, please, please..

Vote and comment.:)

Love you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon