"Nagseselos lang ako, wala lang to." Nag eecho padin sa tenga ko yung sinabi niya. Nag seselos siya? With who?
With Sam obvious ba? My subconscious said. Yah! Kanino pa nga ba. I stare at him that making him embarrassed. Hindi ko alam kung bakit siya magseselos sa anak ng mayor na yun. He's not my type. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong tumawa. Tumingin siya sakin at halatang nagulat sa pag tawa ko.
"What's so funny, Barbie Tuazon?" He asked.
"Bakit ka naman magseselos sa anak ng mayor? He's not my type. You are!" He looked at me in shocked. Amused at the same time. "Focus on the road, Daniel." I said, smirking.
"But he likes you." Hindi na ko nagulat!
"Paano mo naman nalamang gusto niya ko?"
"Hiningi niya sakin yung number mo dahil ang sabi mo kaibigan mo ko.. Ang sabi ko sayo na hingiin. Binigay mo ba?"
I shake my head. "Bakit ko ibibigay ang number ko sa lalakeng hindi ko manlang natipuhan kahit kunti."
"So pag type mo, ibibigay mo?" I laughed.
"No! May gwapo na kong manliligaw nu."
"Bakit kasi kaibigan lang ipinakilala mo sakin edi sana hindi ka na niya natipuhan pa."
"Sino kayang nag simulang ipakilala ako bilang kaibigan sa iba?"
"Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ipakilala ko sayo sa iba. Eh hindi pa naman tayo."
Bakit kasi hindi mo pa ko tanungin kung pwede ng maging tayo. Gusto ko sanang sabihin sakanya yun kaso di ko tinuloy.
"Dapat kasi sinabi mong nililigawan mo ko para sinabi kong manliligaw kita kay Sam." He sighed. Pinagpatuloy nalang niya yung pagmamaneho at hindi na sumagot. Tumahimik nalang din ako kasi talagang mukhang wala siya sa mood.
Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at nakaramdam ako ng antok.
Naramadaman ko ang pag gising sakin ni Daniel sa paghawi niya sa buhok ko. "Nandito na tayo." He almost whispered. Bumaba na kami sa kotse niya at umakyat na papuntang Unit. Hawak hawak niya lang yung kamay ko habang nakasakay sa elevator.
"Ayos lang ba pakiramdam mo?" He asked. He looks concerned. I nod.
"Pagod lang. Ngayon ko lang kasi naranasan yung ginagawa mong pag vovolunteer."
"Mag pahinga ka pag ka dating mo ng Unit." He orders. I nod to him.
Bubuksan ko sana yung pinto nang biglang hawakan ni Daniel ang kamay ko. "Oh Bakit?" I asked.
"Uhm.." nagkamot siya ng ulo. "Barbie, pwede na ba kitang maging girlfriend?" He shyly asked. I just stare. Iniisip ko ng mabuti kung tama ba ko ng dinig. Tinatanong na ba talaga niya ko na kung pwede nang maging girlfriend niya?
Oo. My subconscious answered me.
"Yes." Mahina kong sabi. I cleared my throat. "Yes!" Mas nilakasan ko na. He smiled.
"Tayo na?" He asked again. I nod smiling. Yinakap niya ko ng mahigpit. "I love you." He whispered.
"I love you too." He touches my both cheeks. Pinagdikit niya yung noo namin. He looked at my lips. I'm mirroring his action. He gives me a soft kissed. I closed my eyes and feels his kissed.
I bite my lower lip. He smiled. "Finally, after ng maraming taon ng paghahanap at paghihintay sayo.. naging akin ka na." He finally said after our first-and-unforgetable kissed.
"Hinanap mo ko?" He nods.
"Muntik na nga kong sumuko na makita ka eh. Buti nalang hindi ako sumuko."
"Bakit mo ko hinanap? Para ligawan ako?" Pabibiro ko. He nods again. I looked at him in shocked. "Maswerte ka at naabutan mo pa kong single."
"It's not luck.. it's blessing." He kissed me again. "You are my blessing."
"A very beautiful blessing." I said smiling. He laughed.
"A very beautiful blessing." He repeated. He hugs me again. I kissed his neck. I sense his grin.
"I love you." He whispered.
"I love you." Niyakap ko na din siya at inamoy siya. Ang bango niya talaga!
Tumingin siya sa mga mata ko. "Hindi ako magsasawang sabihin sayo na mahal kita."
"Oo na, wag ka ng mag pakilig." I grin. He grins back. Mokong na to lakas talaga laging mag pakilig. Kaya mahal na mahal ko to eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/55608367-288-k719254.jpg)
BINABASA MO ANG
Another Best Friend Story (Short Stories)
Roman d'amourShort Stories of all Best Friend Stories.