Sabay kaming nakarating ni Toru sa Cafe para magbukas. Halatang inaantok pa din siya. Naku, mukhang pinagod na naman siya ng kung sino man ang kasama niya kagabi.
"Barbie!" I heard a man called. Lumingon ako at laking gulat ko ng makita ang ex kong napaka gwapo pa din. Si Sam. Tinutoo niya yung sinabi niyang bibisitahin niya ko.
He smiled at me. "You're still pretty and very charming." He said admiringly. Bigla naman akong nailang dun.
"Salamat kahit na alam kong bola yan."
He chuckled. "Di ka parin talaga nagbabago."
"Samuel? Ikaw ba yan?" Toru asked Sam.
"Yah! Hi, Toru." She slapped him.
"I promise to B. na sasampalin kita pag nakita ulit kita. Hi din!" She smiles na parang walang nangyaring pagsasampal. I roll my eyes. Ang tagal tagal na nun naalala pa din niya?
He laughed. "Wow!"
"Sorry about that." I said.
"It's fine."
Pumasok na kami ng Cafe at inayos yung mga upuan. Tinulungan niya kami sa pagaayos. Hindi ko maiwasang tignan siya at hangaan padin ang kagwapuhan niya.
Siniko ako ni Toru. "Matunaw yan!" Bulong niya. Binigyan ko siya ng manahimik-ka-nga look. She smirked. "Tatapusin mo na ba yung pagpapantasya mo sa best friend mo at babalik ka na dyan sa ex. mo?"
"Tumahimik ka na nga lang, baka marinig ka niya." Tumingin ulit ako kay Sam.
Cute pa din naman siya. Pero hanggang friend nalang kami. Tsaka matagal ng tapos yung samin eh. Siguro naman pareho na kaming naka move on.
Pero bakit ba siya nag paramdam at nag pakita sakin? Ano na naman kayang pinaplano nito?
Nag simula nang mag sidating ang mga regular costumers namin kaya medyo naging busy kami ni Toru. Nakaupo lang sa sulok si Sam habang hinihintay na medyo wala ng ginagawa at nung dumating na ang oras na yun nilapitan ko na siya at inabutan ng isang slice ng cake at coffee.
"Bakit naghihintay ka padin dito?" Tanong ko.
"Hindi lang naman kasi ang makita ka ang pakay ko. Gusto din kitang kamustahin, kausapin."
"Okay naman ako, halata naman sakin diba?"
He half a smile. "Nasaan na si Daniel?"
"Ayun... natupad niya yung gusto niyang maging model."
"Naalala ko noong sobra ko siyang pinagselosan, nasuntok ko siya sa sobrang selos at halos isumpa niya ko dahil hindi siya nakaganti. Baka nga kung di ka humarang nun nagulpi na niya ko.."
"Bakit mo binibring up pa yan ngayon? Nakaraan na yan eh. Im sure nakalimutan na yun ni Daniel."
Tumingin siya sa kamay ko at hinawakan niya ito tsaka tumingin sa mga mata ko. "I still love you Barbie. Im sorry kung bigla nalang akong nawala sayo." What?
"Hindi ka lang basta nawala, naglaho ka na parang bula ng walang paalam!" Kalmado kong sabi pero nandun padin yung tono ng panunumbat.
"Alam ko, kaya humihingi ako ng tawad."
"Pinapatawad na kita." I sincerely said.
He smiles. "So... tayo na ulit?"
"Woe! What? Akala ko sorry lang ang hinihingi mo? pati pala ako."
"Syempre, sinabi ko na diba? I still love you. Kaya sana bumalik ka sakin." Tinangal ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Sorry Sam.. yung satin matagal ng tapos."
"Wala namang natapos eh. Hindi naman tayo naghiwalay, nawala lang ako."
"Sorry pero may mahal na kong iba."
"Si Daniel?" He asked. Tinignan ko siya ng gulat na gulat.
Paano niya nalaman? Halata na ba sakin ngayon na may feelings na ko sakanya? Nahalata na kaya niya? Tinignan niya ko na parang binabasa yung iniisip ko.
"So siya nga ang dahilan. Kayo na?"
"No! We're still best friend, nothing more." Yet! Gusto ko sanang idagdag yun pero mas minabuti ko ng hindi dahil baka mahopia lang ako kay Daniel.
He bitters a smile. "Akala ko ba playboy siya? Bakit natotorpe pa din siya sayo?"
"What do you mean?"
"Don't tell me hindi pa rin niya sinasabing gusto ka niya? Kaya selos na selos ako sakanya noon dahil narinig ko siyang may feelings siya para sayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/55608367-288-k719254.jpg)
BINABASA MO ANG
Another Best Friend Story (Short Stories)
RomanceShort Stories of all Best Friend Stories.