Another Best Friend Story 3

70 3 0
                                    

I feel his warm arm hugging me. Ang huli kong naaalala uminum kami kagabi kasama si Toru. Ako ang unang pumasok sa kwarto dahil ako ang unang nalasing tapos eto... nagising ako ng nakayakap siya sakin. Tumabi na naman siya sakin.

Hinayaan ko lang siya na yumakap sakin. Pinagmasdan ko muna ang napaka gwapo niyang mukha at tinitigan ang labi niya.

I bite my lower lip. I want to kiss him again. He opens his eyes and he looked straight at my eyes.

"Good morning." He greeted.

"Good morning."

"You're so damn pretty today B." Oh.. nakakagulat na sabihin niya yun dahil yan ang unang beses na marinig ko yan sakanya. "But then you always do, you're always beautiful to me."

"What's with the korni words Daniel? Pang ilan na kong sinabihan mo niyan?"

"Sayo ko lang yun sinabi." I roll my eyes. Tinangal ko na yung nakayakap niya saking kamay at tumayo. "Hindi ka naniniwala nu?" He asked.

I put my hands on my waist. "Hindi."

"Alam mo bang ang hot ng ginagawa mong yan ngayon?"

"Tumahimik ka na nga!"

He smirked. "Lumapit ka nga sakin, pa kiss."

"Eh kung banatan kita?"

"Bakit ka ganyan sakin?" He pout. Nag pacute pa talaga! Oo na cute ka na nga eh. I sighed. Tumayo siya at lumapit sakin. He touches my both cheeks and kisses me. Ginawa na niya ang kinina ko pa gustong gawin. Isa pa!

Ano ba Barbie magpakipot ka nga!

"Can you... uhm... make me some breakfast. I'm starving." Bakit parang nahihiya pa siyang sabihin yun eh lagi naman niyang nirerequest yun.

"Okay." Naglakad na ko plabas ng kwarto at sinimulan ng magluto sa kusina.

Kumain din naman agad kami after kong magluto. Nagkanya kanya na din kami ng way sa pag alis sa Unit. Siya may photo shoot daw. Ako pupunta ng Cafe.

Inusisa naman agad ni Toru tungkol samin ni Daniel. Wala naman akong ikukwento maliban dun sa kiss naming dalawa. Tinawanan niya ko kasi nalaman niya ang dahilan kung bakit ako nag ba'blush kagabi at yun ay dahil sa naghahalikan kami ni Daniel at nangistorbo siya.

"So hindi pa din kayo?" She asked. I shake my head. "Hindi ka pa din niya tinatanong kung pwede kang maging girlfriend? "

"Hindi!" I wonder why. Ngayong alam na niya na may tinatago akong feelings sakanya bakit hindi pa din niya ko inaayang maging girlfriend niya?

Baka nagiging assuming na ko nito purkit nalaman ko din na may feelings siya sakin. Paano kung hanggang pakikipag flirt lang ang kaya niyang ibigay sakin at hindi ang maging magkasintahan. Mukhang magiging masakit yun kung ganun.

"Bakit hindi mo nalang tanungin kung ano ka sakanya?" Suggest ni Toru.

"Best friend niya ko!"

"Che! Tigilan niyo nga ko. Obvious naman na dead na dead kayo sa isat isa. Tapos na ang taguan ng feelings niyo kaya gora na at maging mag jowa na kayo!"

"Eh anong magagawa ko kung hindi pa niya ko tinatanong?"

"Sungaban mo na kasi!"

"Grabe siya oh!"

"Sanay na sa mga agresibong babae si Daniel kaya maging agresibo ka na!"

"Tigilan mo nga ko sa mga kagulat gulat na advice mo, hindi ko gagawin yun nu." Nakakahiya kaya!

"Ikaw din, baka makahanap pa ng madaming babae si Daniel at hindi na talaga mag simula ang let's be more than friends story niyo." Natawa ako sa sinabi niya. Grabe talaga tong mga sinasabi ni Toru. Dapat siguro gumawa siya ng Unexpected Advice Blog.. siguradong nag hi'hit yun.

Umuwi din naman agad after naming isara ang Cafe at dumiretso na ko sa Unit ko. Papalapit ng Unit ng may nakita akong taong nakaupo sa tabi ng pinto ko.

Dahan dahan akong lumapit at nakilala ko na yung lalakeng nakaupo sa gilid ng pinto ko. Si Sam.. anong ginagawa niya dito?

"Sam?" I called. Unti unti niyang inangat yung ulo niya. He smiles.

"Barbie, babe!" Oh great... he's drunk. Tumayo siya at muntikan na siyang matumba buti nasalo ko siya.

"Anong ginagawa mo dito? Lasing ka na ah. Bakit di ka pa umuwi?"

"Because i wanted to see you." He touches my both cheeks. "I miss you so much, babe. I love you." Hinalikan niya ko sa labi na ikinagulat ko. Tinulak ko siya ng sobrang lakas na dahilan para matumba siya. Pinunasan ko yung labi ko. Dahan dahan siyang tumayo.

Nakita ko nalang na biglang dumating si Daniel at sinuntok si Sam na dahilan para matumba na naman siya. Hinawakan ko agad si Daniel para pigilan na saktan na naman si Sam. He's glaring at him.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon