Another Best Friend Story

109 7 0
                                    

Tinext ako ni Daniel ng sobrang nakakaintrigang mensahe..

*** SOS! ***

Never pa niya kong tinext ng SOS. Ako lang ang gumagawa nun. Napapaisip tuloy ako kaya walang pagdadalawang isip at tinawagan ko siya.

"What's with the SOS?" I asked.

"I badly need your help. There is a girl na parang linta makadikit sakin. Please come over here."

I laughed. "Okay, coming. Pero wag ka mag expect na magaling akong umarte ah."

"Basta pumunta ka nalang!" He ended the call. Mokong na to makapag utos wagas, pasalamat siya malakas siya sakin.

Tinext niya sakin ang lugar kung saan ko siya pupuntahan. Pagdating ko dun mukha niya agad ang hinanap ko.. and there he is, he's with a short hair girl, cuddling at my Superman. I raised my eyebrow.

Lumapit ako sakanila at kinalabit ko si Daniel. He face me at halatang nakahinga siya ng maluwag. Tumingin ako dun sa babaeng maganda din naman pero mas maganda padin talaga ako. Sabay silang tumayo nang nakatingin sakin.

Sinampal ko si Daniel na ikinagulat niya. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya sa ginawa ko pero kailangan kong pigilan dahil kailangan ko munang umarte na girlfriend niya ko.

"Sino siya? Napakababaero mo talagang hayop ka!" I said. Tinignan niya ko ng what-are-you-saying look.

"Sino ka ba?" Inis na tanong ni short hair girl. I glared at her.

"Ako lang naman ang asawa niyang kinakalatari mong malandi ka!" Okay pang best actress na tong acting ko.

"What?" Tumingin siya kay Daniel. "Totoo ba yun?" She asked at him.

"Uhm.." she slapped him. Ooppss!

"You have no rights to slap my man!" She glared at me. "Honey, mamili ka saming dalawa. Siya o ako?" Tanong ko kay Daniel na halatang kanina pa nag pipigil ng naiinis.

"Honey, syempre mas pinipili kita." He said at me. Pilit siyang ngumiti sakin.

"Oh narinig mo yun bruhilda? Ako ang pinipili..." hinila ko palapit sakin si Daniel at hinalikan siya labi. "Let's go?" I sweetly asked him. Magkahawak kamay kaming lumayo sa bruhildang babae at sumakay ng kotse ni Daniel.

Tumawa ako ng malakas pagpasok namin ng kotse. "Sana naman inabisuhan mo ko na sasampalin pala ako." Inis niyang sabi. Mas lumakas lang ang tawa ko.

"Ano ka ba.. mas maganda ngang hindi mo alam ang plano ko eh para mas makatotohanan."

"Eh bakit parang feeling ko ginawa mo yun in purpose? "

"Hindi ah!" I innocently said. "Alam mo kesa ang paghinalaan mo ko dyan bakit hindi mo nalang ako pasalamatan?"

"Salamat!" Pilit niyang sabi. I laughed again.

"May kapalit yun ah!"

"Ano naman yun?" He asked.

"Sasamahan mo ko sa parlor." His eyes wides open.

"No way! Alam mo namang halos magwala ako sa sobrang inis sa tagal mo sa parlor diba?"

Tama siya, halos magwala talaga siya sa inis nung isang beses na isinama ko siya par magpa manicure, pedicure.. nagpagupit ng buhok, nagpa massage, etc. Mga lalake kasi talaga walang hilig dun, pwera nalang kung gay sila.

"Bawal tumangi!"

"Barbie Tuazon!"

"Yes, Daniel Jimenez?" Pa sweet kong sabi. He sighed.

"Hilingin mo na lahat wag lang yun."

"Okay! Magiging driver kita for one week."

"Mas okay na yun kesa samahan kang sa  Parlor." Hinawakan niya yung pisnge niya. "Grabe feeling ko nasa pisnge ko padin yung mga kamay niyo. May pa you have no rights to slap my man ka pa eh ikaw nga unang nanampal!"

I bite my lip to hide my smile. "Bakit feeling ko lagi mo ng ibi'bring yang sampal na yan?"

"Gagawin ko talaga yun nu!"

"Sorry naman!" Hinawakan ko siya sa mukha at tinignan yung pisnge niya. Tama siya medyo bakat pa yung sampal nung bruhildang babae. Kawawa naman si Superman. Hinalikan ko nalang siya sa dalawang pisnge niya. "Ayan gagaling na yan." I winked. He chuckled.

"Dinadaan mo naman ako sa kamanyakan mo."

"Hala Grabe siya!! Ako manyak? Nagiging sweet lang manyak agad? Ako pa talaga yung manyak ah! Nakakaloka ka!"

He laughed. I glared at him. "Biro lang! Ang guilty mo naman." Hinampas ko siya braso.

"Bwiset ka talaga!" He laughed again and this time mas lumakas na yung tawa niya. Sampalin ko kaya ulit to ng manahimik.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon