Jillian's POVHay, after ilang weeks nakalabas na rin ako ng hospital. Ang dami kong kailangang habulin sa school. Stress nanaman ito huhu.
"Oh, anak. Sabi nung doktor, mga sa lunes pwede ka na daw pumasok kung kaya mo daw, basta wag ka daw muna magpapagod pagod."
"Ah okay mommy. Tsaka kailangan ko na rin pumasok ang dami kong kailangang habulin sa school eh."
To: Claire and Cassandra
Girls, kaka discharge ko lang ngayon galing hospital. Hopefully, sana makapasok ako sa mondaaay. See youu.
~~~~~~~~
Excited na akong pumasok ulit kaso feeling ko stress nanaman aabutin ko nito. Nandito na ako sa school pero papunta palang ako sa meeting place namin.
From: Cassandra
Hey, where are you na?
**
To: Cassandra
Here na. Look at the door.
Naglakad ako papalapit sa kanila.
"OMG! Jilliaaaan! Waaah! Namiss ka namin!!!"
"Okay ka na ba ha? Sure ka kaya mo na pumasok?"
"Oo naman. Papasok ba ako kung hindi?"
"Tara let's sit na. Pinagtitinginan na tayo haha!"
"What happened nung wala ako?" Tanong ko sakanila.
"Hay nakoo madami sis. Aabutin tayo ng siyam siyam niyan kapag nag kwento kami isa isa. hihi."sagot ni Cassandra sa akin.
Grabe 2 weeks akong nawala. Ano kaya mga nangyari sa mga ito? Hay para nakaka out of place naman. I really need to catch up with them. Ang dami ko ring namiss sa klase. Sana naman hindi bumaba yung grades ko.
Lumabas na kami sa cafe at naglakad na patungo sa room namin. Malapit na rin kasi mag time. Kamusta na kaya sila Drake? Ano kaya nangyari sa mga yun haays.
~~~~~~~
Drake's POV
Ano ba yan ang tagal naman ni Jillian. Balita ko kasi na papasok na yun ngayon. Miss na miss ko na talaga siya. 2 weeks ko siyang hindi nakasama. Pero nag aalala pa rin ako sa kanya kasi syempre baka pinilit lang niya na pumasok siya.
"Uyy sila Jillian."
"Omg. Ang ganda pa rin niya."
"Wow, Jillian is back."
Napatingin ako sa pinagtitinginan ng mga kaklase ko. Shoot Jillian is here. Oh gosh I really did miss her. I smiled at her. And she smiled too.
Claire's POV
"OMG! BES, DALAGA KA NA!" sabay na sigaw nina Jillian at Cassandra sa tenga ko. Juice colored, talagang sa tapat pa ng tenga ko sila sumigaw.
"Shhh!" Sabi ko. Ang ingay naman kasi nila ehh, nandito kasi kami sa bahay ko ngayon. Tutal, it's saturday naman.
"Bes, malapit na nga pala ang First Tropsary natin." Malungkot na sabi ni Jillian. Argh, ang bait talaga nito ni Jillian. Kahit na sila ang nagkasagutan ni Shaine noon, naalala niya pa din ito.
"Bes, kamusta na kaya si Shaine?" Nalulungkot na tanong naman ni Cassandra.
"I hope she's okay. I hope she is enjoying with Jake." Kalmadong sagot ko.
"OK GUYS! CHANGE TOPIC!!" Sigaw ni Jillian, ayaw niya ata muna pag-usapan ang tungkol kay Shaine.
Masaya ang naging flow ng pag-uusap naming tatlo. Ngunit, naputol ito dahil sa pag-ring ng phone ko.
"Bes, wait lang ahh. May kakausapin lang ako." Sabi ko muna sa kanilang dalawa.
Sinagot ko ang tawag ni Elijah. Bakit naman kaya siya tumatawag? Baka naman may importanteng sasabihin lang.
"Hello." I said.
"Claire." He answered. Bakit parang malungkot ata siya?
"Yeah?" I asked.
"I need your help." He said in a sad voice.
"What happened? Is there something wrong?" Nag-aalala na naman ako, hay nako.
"I'm sick. My parents are not around. Can you go here?"
"Sige sige. I'll be there in a couple of minutes. Just wait."
"Sige thank you."
And, i ended the call. He needs me. But, paano sila Jillian and Cassandra? Who will I choose?
Pagkatapos ng conversation namin ni Elijah ay agad kong kakausapin sila Jillian. Sa tingin ko, baka naman maintindihan nila ang sitwasyon ni Elijah.
"Guys." panimula ko. Syempre dadahan-dahanin ko muna.
"Yeah?" they asked in chorus.
"I have to go. May pupuntahan pa pala ako today, nakalimutan ko." i answered.
"Uh-oh. Sige, we have to go na din kasi ehh." hayy salamat. buti may pupuntahan din sila. perfect timing ka talaga elijah.
"Sige. Next time na lang ulit. Hatid ko na kayo sa labas." i said.
Naglalakad na kami palabas at sumakay na sila sa kani-kanilang kotse at hinintay kong maglaho sa paningin ko ang mga kotse nila.
Pumasok na ako sa bahay tsaka nag-ayos para puntahan si Elijah sa bahay nila.
~~~~
End of Chapter 27! Thank You for reading. Sorry late update. Haha peace!
BINABASA MO ANG
Friends Or Lovers?
Teen FictionMarami ang nagmamahalan sa storyang ito, magmamahalan pa kaya sila hanggang sa huli? Tunghayan ang lovestories nina Jillian,Shaine,Claire at Cassandra. Ang mga babaeng minsan ay umibig, at minsan ding tinanong ang kani-kanilang boyfriends "are we fr...