Jillian's POV
Lumingon kaming lahat kung saan nanggaling ang isang pamilyar na boses. At, tama nga ang hinala ko. Kay Drake ang boses na yun.
"Bes, si Drake oh." bulong sa akin ni Claire. Bakit niya naman kaya ako tatawagin? Hindi naman kami ganun ka-close e.
"Bes, ano ba gagawin ko? Tara na ba? Kunyari hindi na lang natin siya nakita?" natatarantang tanong ko.
"Ano ka ba bes? Ayan na palapit na siya sayo. Harapin mo na kasi." Ano daw? Ibig sabihin, kakausapin niya ako? OMG.
"Guys, pwede ko ba makausap si Jillian?" tanong ni Drake kila Claire.
"Sure. Sunod na lang kayo sa mall." pagsang-ayon ni Shaine. Wow huh? Kanina wala siyang gana na makipag usap sakin, tapos ngayong si Drake kakausap, sasagot siya? Tss.
Hinawakan na ni Drake ang kamay ko, pero nag-dadalawang isip ako na sumama sa kanya. Baka kung anong mangyari sa akin. Pero, aalisin ko na lang muna ang takot ko, tutal may tiwala naman ako kay Drake. Kaya ko nga siya nagustuhan e.
Lumingon ako for the last time kila Cassandra, at ang nakita ko? Halos magsabunutan na ang tatlo sa kilig. Napangiti naman ako dun.
"Enjoy!" narinig ko pang sigaw nina Shaine,Cassandra at Claire.
~~~~
Maaga pa naman kaya pwede pa kami mag usap ni Drake ng matagalan. Hanggang ngayon, hawak hawak niya pa din ang kamay ko. Juice colored. Nararamdaman ko ng pinagpapawisan na yung kamay kong hawak ni Drake. OMG.
Papunta nga pala kami sa parking ng mga motor. Oo nga pala, nagmomotor nga lang pala siya kapag papasok sa school, at ganun kapag uuwi.
Nag stop kami sa isang color blue na motor, maganda din ang style niya. Hmmm.
"Hop in." cold na utos ni Drake. Bakit parang nag-iba mood niya? Parang kanina ang bait bait niya ah.
Sinunod ko naman ang utos ni Drake. Tutal naka P.E nama ako kaya hindi yung maarteng pag-upo ang ginawa ko.
Pagkasakay na pagkasakay ko, agad na pinaandar niya ng mabilis yung motor. Juice colored. Sana huwag po muna ngayon. Gabayan mo po ako, madami pa po akong pangarap. Huuhuhu.
"We're here." narinig kong sabi ni Drake, pero hindi ko pa din talaga minumulat ang mga mata ko.
Hindi ko siya pinansin basta't ang alam ko nakakapit pa din ako sa likod ng motor.
"Hey!" sumigaw na siya. Kaya't minulat ko na mga mata ko at nakita ko ang madaming bubbles at balloons na lumilipad. So, it means halos buong biyahe akong nakapikit? OMG.
Inalalayan akong bumaba ni Drake sa motor, at lumapit ang isang bata sa amin na nagtitinda ng Red Roses.
"Magkano tatlong piraso?" -Drake. Huh? Bakit naman siya nagtatanong? Kanino niya naman ibibigay?
"45 pesos po Kuya."
"Sige, bibili ako ng tatlong piraso." -Drake
Kumuha naman ng tatlong piraso yung bata at ibinigay na kay Drake. Binayaran na yun ni Drake at umupo na kami sa isang bench. Hindi naman kami ganun ka-close ni Drake pero bakit gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya? I feel comfortable with him.
Umupo na kami and we had a total silence. AWKWARD.
~~~~
Magsasalita na sana ako nang yakapin niya ako bigla. OMG. Bakit siya ganito? Mas lalo akong nahuhulog sa kanya eh!
After ilang minutes, pinakawalan na niya din ako mula sa yakap niya.
"D-Drake." -Me
"Yes?" -Drake
"Para kanino yung binili mong tatlong roses?" tanong ko. Kasi, kanina ko pa iniisip kung para kanino yung roses.
Hindi na siya nagsalita. Inabot niya na lang basta ang isang piraso ng rose sa akin. Eh? Bakit naman sa akin niya binibigay ang mga rose?
"That one is for you Princess." Princess? Ugh. Biglang sumakit ang ulo ko at parang nag flashback sa akin lahat ng nangyari sa aking PAST.
"Princess, are you okay? What happened?" napansin niya atang sumakit ang ulo ko kaya't tanong siya ng tanong.
"Prince?" banggit ko. Tama! Siya si Prince !! Naaalala ko na lahat. Pati ang eksenang pag-iwan niya sa akin.
Inabot niya na din ang dalawa pang rose na natitira sa kamay niya.
"That means 'I MISS YOU'. Do you remember me princess?"
"YES! Buti at bumalik ka. Namiss kita ng sobra!! Sorry kapag hindi agad kita napansin noon. Nagka-amnesia kasi ako e." paliwanag ko.
"I understand Princess. I'm here na. Don't cry na Princess." sabi ni Drake na naririnig ko pang humihikbi.
Namiss ko siya. Namiss ko ang nag-iisang 'PRINCE' sa buhay ko na minsan ay iniwan ako pero binalikan pa din ako hangga't hindi pa huli ang lahat. Thanks lord at nagpakita na ang taong pinakamamahal ko.
"I Love You Prince" i said and kiss him in his cheek.
"I Love You Too Princess." he replied and kiss me on my lips.
~~~~
End of Chapter Seventeen!! Nakakaiyak 'tong chapter na'to. Maski ako naiyak. Hahahahaha. Thanks guys for reading, still support pleaseeeee.
BINABASA MO ANG
Friends Or Lovers?
Teen FictionMarami ang nagmamahalan sa storyang ito, magmamahalan pa kaya sila hanggang sa huli? Tunghayan ang lovestories nina Jillian,Shaine,Claire at Cassandra. Ang mga babaeng minsan ay umibig, at minsan ding tinanong ang kani-kanilang boyfriends "are we fr...
