Chapter Twenty-Six

26 1 0
                                    


Jillian's POV

Hala. Paano na 'to? Nakita ata kami ni Mommy ng nasa ganoong posisyon. Hindi niya pa naman alam na nagkaayos na kami ni Drake. Sana hindi siya magalit sa akin at pati na din kay Drake. Sana maintindihan niya kung bakit kami nagkaayos.

"What's the meaning of this?" Kalmang tanong ni Mom sa akin. Hindi siya nagagalit?

"Uhm, Mom. Pinatawad ko na po siya. I'll explain to you later." I answered.

"It's okay. Alam ko na ang lahat. And i wanna say sorry to you Drake for always rejecting you." Sabi ni Mom.

"Okay lang po yun lahat Ma'am." Sabi naman ni Drake.

"Don't call me Ma'am, tita na lang." Sabi ni Mom.

Nangyayari ba talaga 'to!? Hindi ako makapaniwala. Mabait naman talaga si Mom, wag lang tatanga-tanga para hindi ka mapagalitan.

"Sige po Tita, aalis na po ako. May kailangan pa po akong puntahan. Dinalaw ko lang po si Jillian dito." Pamamaalam ni Drake sa amin ni Mama.

"Sige Iho. Ingat sa daan." Sabi ni Mom.

"Ingat ka Pri--- este Drake." Sabi ko naman. Muntikan na ako doon ah, buti hindi narinig ni Mom ang sarili naming endearment.

Lumabas na si Drake at nag-usap naman kami ni Mom.

"Sorry Anak." Sabi ni Mom. "Sorry din Mom." Sabi ko naman.

"Sige magpahinga ka na muna. Babantayan na lang kita hanggang sa magising ka." Sabi ni Mom. At humiga na ako at pumikit upang magpahinga.

~~~~

Claire's POV

Habang naglalakad kami, w-wait sila Elijah at Thomas yun ah?

"Cassandra, sila ba yun?"

"Ha? Alin? Sino?" Nagtatakang tanong niya.

"Ayun oh sila Elijah at Thomas." Sabay turo ko sa kanila. P-pero, shit nakita nila kami. Shoot! What will we do?

"Oh no! Cassandra, bilis! Pasok tayo dito sa Forever 21. Malaki dito hindi nila tayo makikita."

~~~~~

Author's POV

Pumasok sila Claire sa Forever 21 at pumunta sa madaming tao at kunyaring naghahanap hanap ng mga damit.

Sila Elijah naman ay nakita sila Claire kaya sinundan nila ito papasok sa Forever 21. Hinanap ni Elijah at Thomas sila Claire. Habang sila Cassandra at Claire naman ay nagtatago parin.

"Bakit ba kasi kailangan nating magtago Claire?" Inis na sabi ni Cassandra.

"Eh, ewan ko ba. Kasi kinakabahan ako Cassaannddrraa. Waaaa!" Natawa si Cassandra dahil sa sinabi ni Claire.

"Hahahaha! Umamin ka nga! May gusto ka kay Elijah noh? Hihi."

"Hindi. Aahh ewan ko."namumula si Claire habang sinasabi ito.

"Ahh. Meron hahaha!" hinila ni Cassandra si Claire at boom nandun na sila Thomas at Elijah.

"Uy! Hey, Claire and Cassandra." ngumisi si Elijah.

"Hi Cassandra." sambit ni Thomas.

Dinedma siya ni Cassandra kasi baka mahalata na kinikilig siya.

~~~~~~

Elijah's POV

"Shoot! Thomas, sila Claire oh!" sabay turo ko sakanila.

Friends Or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon